Chapter 24.1

2063 Words

First Person POV Ang lamig ng tinig nito. Nanigas ako at naumid ang dila ko. Damn. Lalong lumala ang kaba ko. Kung kanina ay ang tapang-tapang ko noong kaharap ko si Sky, ngayon ay tila ba nag-iba na ang ihip ng hangin dahil nandito na si Kyo. 'Yung tapang ko masyadong traydor, unti-unti akong tinatakasan at iniiwan. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Erica sa akin, na ang akala raw nito ay kay Kyo lamang ako matapang. Akala ko rin. Pero mali pala ito. Mali rin ako. Dahil ang totoo ay nagtatapang-tapangan lang ako sa harap nito. Napagtanto ko na ginagawa ko lang pala ang pagkakayan-kayanan ko dati kay Kyo at ang tapang na ipinapakita ko para pagtakpan ang panghihinang nararamdaman ko sa tuwing nasa paligid ito o kasama ko ito. Naguguluhan ako, hindi ko tuloy mapigilang tanungin ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD