First Person POV Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatitig sa teleponong hawak. Huminga ako nang malalim bago nagtitipa, pero sa inis ko ay palagi ko ring binubura. Paulit-ulit ang ginagawa kong pag-compose ng message pero sa huli ay binubura ko lang din. Nakakasura! Sumuko na ako at ibinaba na lang ang gadget at tinitigang muli iyon. Siguro nga ay marami lang talagang ginagawa si Kyo, katulad na lang nang sinasabi nito. 'Yun ang pilit kong isinasaksak sa isip ko. Pero, madalas ay hindi ko talaga mapapaniwala ang sarili ko. Alam ko naman kasing nagtatampo ito. Lalo pa nga at napapansin ko nitong nakaraan na parang ang lamig ng pakikitungo nito sa akin at hindi rin ito gaanong sumasagot sa mga text o chat ko na nakasanayan ko na. Hindi ko alam kung paano ba ang gagawin ko p

