First Person POV Pumikit ako at pinuno ng sariwang hangin ang baga ko bago nagdilat muli ng mata. Napangiti ako nang tumambad sa akin ang malawak na field na ang sarap sa matang tignan dahil sa kulay nitong berde. Medyo tahimik ang paligid at may mangilan-ngilan lang na estudyante ang naglalaro ng soccer na 'di kalayuan sa pwesto ko kaya rinig ko ang bawat pito at tawanan ng mga naroon. Mukhang nagkakasiyahan ang mga ito sa pagpa-practice, nakakatuwa lang dahil nakikita ko ang sarili ko sa mga ito, 'yung parte ng pagkatao ko na nakakaramdam ng saya basta naglalaro lang ako ng volleyball. Ando'n 'yung nag-e-enjoy na nga pero kasabay din noon ay naipu-pursue ko rin 'yung passion sa paglalaro. Inalis ko rin ang tingin sa mga ito kapagkwan, tumingala ako at sumalubong naman sa akin ang hi

