Chapter 2

2564 Words
First person POV Panaginip lamang ba ang lahat ng ito? Jusko! Lumunok ako. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ito totoo, 'di ba? 'Di ba?! Lumunok akong muli bago dahan-dahang idinilat ang isa kong mata. Tae. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makitang hindi nagbago kung ano man ang nakita ko na nasa harapan ko kanina, maluwang pa rin na nakabukas ang pinto, ang mga kasamahan naman namin sa team ay halos mapanganga na sa ayos namin, ako na naka-squat at ang pinsan ko na halos nakaupo na sa sahig at si Kyo naman.. Hay nako naman. Ano bang pinaggagagawa nito sa buhay? Bakit ba ito nakahandusay sa sahig? Nyemas, sa dami ng dapat na mangyari, bakit ngayon pa ito nabuwal? At talagang sa sitwasyon pa kung kailan nagtatago kami? Ewan ko ba kung nawalan lang ito ng balanse o sadyang engot lang? Hindi ko nga rin sigurado kung tumama ba ang mukha nito sa pinto kaya iyon bumukas o naitulak lang nito iyon tapos tumama ba ang mukha nito sa sahig. Pasalamat ito at makinis 'yon, kung hindi.. kawawang feslak at goodbye fans. "s**t. s**t. Shit." Natauhan ako noong marinig ko ang mga mahinang mura ng pinsan ko. Lumingon ako rito at kaagad na umayos ng tayo nang mapansin na tuwid na itong nakatayo habang masama ang pagkakatingin kay Kyo, ako na lang kasi ang hindi. Hay, nako naman talaga. Nahahawa ako sa pagiging engot ni Kyo. Umatras ako nang bahagya. Hilahin ko na lang kaya ang pinsan ko para tumakbo kami at makaalis sa lugar na 'to? Tss. Nakakahiya! Tinignan ko ang mga nasa loob ng gym. Wala pa ring nagsisigalaw. Walang nag-iingay at tila mangha ang mga hitsura ng mga ito na nakatingin sa amin. Mag-wave kaya ako at sabihin ko na,” kalma people, kami lang ‘to”. Feeling ko ay nasa isang video kami at biglang may nag-pause, kulang na lang ay may humuni na mga kuliglig sa sobrang tahimik. Pero nabasag iyon nang may umalingawngaw na tawa na galing isang unggoy. Punyemas na malas. At ang salarin ay walang iba kundi ang nakahandusay pa rin sa sahig na kay sarap sakalin at tirisin. Ngunit kahit gaano pa ito nakakaasar ay napailing-iling na lang ako kalaunan at natampal ang sariling noo. “Sira talaga ang ulo,” narinig kong sambit ni Zan patungkol kay Kyo, na mukhang walang balak na tumayo. Nagkatinginan kami ng pinsan ko, ito man ay napapailing na lang, umalpas na sa aming mga labi ang ngiti. Kasunod no'n ay ang tawanan na ng buong team. Kahit na may hiya pa rin kaming nararamdaman ng pinsan ko ay hindi na rin namin napigilang makisabay sa tawanan. Nakakahawa kasi, e. Lalo na 'yung pagtawa ni Kyo na nakahawak pa sa t'yan nito. Mukhang sarap na sarap ang unggoy. Parang hindi nasaktan o naaksidente kanina lang, e. Makalipas ang tawanan ay biglang in-extend ni Kyo ang kamay nito habang nakatingin sa amin ng pinsan ko, bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha nito. "Hey, kayong dalawa! Tutulungan n'yo ba ako o hihintayin ko munang maubos ang tuwa n'yo? Save me please.." pakiusap nito. “Akala namin habang buhay mo ng gustong mahiga r’yan at balak mong lampasuhin gamit ang damit mo ‘yang sahig,” buska rito ni Zan, mukhang walang balak na tulungan. “Labanos,” tawag nito sa akin, dahil nahalata yata na walang mahihita sa pinsan ko. Itinulak ako ni Zan. "Tulungan mo na. Save him from humiliation. Wala akong balak na itayo ‘yang bugok na ‘yan," utos pa nito, pero nakita ko na naman sa mukha nito 'yung ngiti na hindi ko maipaliwanag kanina. Hindi ko na lang pinansin pa at lumingon ako kay Kyo na naghihintay. Humakbang ako palapit dito at kinagat ko nang mariin ang labi ko para matigil na sana sa pagtawa. Tiisin ko rin kaya? Nakatingin nang diretso sa akin si Kyo. "Pakibilisan, babaeng labanos. Lagi mo na lang akong pinaghihintay!" reklamo nito kunwari pero nakangiti naman nang malapad. Tinaasan ko ito nang isang kilay. Napaka-arte at demanding. Alam ko naman na kaya nitong tumayong mag-isa, e. Unggoy na uma-attitude lang talaga. Akma ko na sanang aabutin ang nakaumang nitong kamay noong may ibang humablot doon. Nag-angat ako ng tingin at dahan-dahang naglakbay mula sa kamay ng may-ari nito ang mata ko paakyat sa braso nito na.. okay lang naman, parang 'yung kay Kyo lang din.. hanggang sa makarating sa mukha nito. Noon ko lang napagtanto na ito pala 'yung lalaking katabi ni Coach Alfred kanina sa harapan bago namin na-interrupt ang meeting na nagaganap. Gwapo ito sa malapitan, magandang manamit at matangkad. Hindi rin nalalayo sa karismang taglay ni Kyo ang dating ng aura nito. At malamang maraming babae ang mahuhumaling din dito sa paglipas ng mga araw kapag nasilayan na ito ng mga estudyante. "Thanks, bro," rinig kong sabi ni Kyo. Napakurap akong bigla at natauhan. Bakit hindi ko namalayan na nakalapit na ito kasama si Coach? And wait, did I just check him out?! Oh my God! What's happening to me? This is not me! Maghunusdili ka, Chance! Sa’n mo natutunan ‘yan, ha? Ngumiti ang lalaki bilang sagot at tinapik si Kyo sa balikat na ngayon ay nakatayo na. Hindi ko inaasahan na babaling ang mga ito sa akin kaya para akong naestatwa sa pagkakatayo noong ngumiti pareho ang mga ito sa akin. Holy.. tae. Nanuyong bigla ang lalamunan ko. Nalito akong bigla, hindi ko alam ang gagawin. Susuklian ko ba ang ngiti ng mga ito? Shit na ‘yan. Teka nga, ba’t ba ang ganda ng ngiti ng mga ito? Natuon ang mata ko kay Kyo noong nangunot ang noo nito. "Hey, ayos ka lang?" Biglang lapit at nag-aalalang tanong sa akin nito, hinawakan pa ako nito sa braso. Napatitig akong parang tanga sa mukha nito. Shit. Ano ba ang nangyayari sa akin? Nakakita lang nang dalawang gwapo na magkatabi at nakangiti sa akin, bakit biglang nawawala na ako sa huwisyo? Madalas naman akong makakita ng mga ganitong mukha, e. ‘Yung kay Kyo, araw-araw pa nga, e. Pero hindi naman ako apektado.. pero bakit.. Tsk! Umayos ka, Chance! This is not so you! Magtigil! "Hey.." untag sa akin ni Kyo, naroon pa rin sa mata nito ang pag-aalala. Pasimple akong umayos ng tayo at nagbaba ng tingin. "Y—Yes.. ayos lang ako," sagot ko na halos ay hindi ko masambit. Ramdam ko pa rin ang titig noong lalaki na nakatayo malapit lang sa amin, hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin. "Bakit? May masakit ba sa'yo, Cha?" Singit na tanong ng pinsan ko at hinawakan din ako sa braso. Lumipat dito ang tingin ko at umiling. "W—Wala." "Sure ka?" sabay na tanong nang dalawa kong katabi. Ngumiti ako. “Oo. Walang masakit sa akin. Hindi naman ako ‘yung nabuwal,” paalala ko. “Sabagay,” magkapanabay na sagot ng mga ito. "Kayong tatlo. Pumarito kayo," putol na tawag bigla sa amin ni Coach Alfred. Lumapit kami habang nakahawak pa rin sa magkabila kong braso 'yung dalawa. Hindi ko alam kung naniniwala ba ang mga ito sa sinabi ko kanina na okay lang ako o talagang nakalimutan lang ng mga ito na tanggalin ang pagkakahawak sa akin. Pero hinayaan ko na lang, baka kasi trip lang nila na nakaganito kaming tatlo na magkakadikit. "Magkakilala na kayong dalawa, right?" tanong ni Coach sa dalawang lalaki nang makalapit na kami. Tumango ang mga ito. Nagpalipat-lipat naman ang tingin namin ng pinsan ko sa dalawa. Talaga ba? Nag-fist bump ang mga ito, parang close talaga. So, magkakilala nga talaga ang mga ito? Ni hindi man lang nabanggit ni Kyo sa amin? Paano? "I assume na hindi na mahihirapan si Sky since may kakilala na s'ya. Ikaw na ang bahala sa kanya, Kyo," dagdag pa ni Coach. "Yes po, Coach. Don't worry, nasa mabuting mga kamay si Sky," ngiting asong sagot naman nito. Na kung kami ang tatanungin ni Zan ay alam naming hindi totoo at kaduda-duda. Gusto ko tuloy na iikot ang mata ko, kaso ay may mga iba kaming kaharap. Alam ko na may iba pang pakahulugan ang sinabi nito. Tumango-tango si Coach. "Okay. Siguraduhin mo lang.. at kayo naman." Biglang baling nito sa amin ng pinsan ko. "Bakit po, Coach?" sabay pa naming tanong. "Kilala n'yo na ba itong bagong Team Captain sa men's? Baka naipakilala na s’ya sa inyo nitong si Kyo?" "S'ya ba, Sir?" Tanong ni Zan na mukhang duda pa, sabay turo sa lalaking narinig ko kanina na nagngangalang Sky. "S'ya nga, mismo." Tumango-tango ang pinsan ko at walang pakundangang tinitigan si Sky na parang sinusuri. "Okay po," tanging sagot lang nito sa huli. Tinapik ni Coach si Sky sa balikat. "Ikaw na ang magpakilala sa sarili mo. Babalik na ako roon at nagkakagulo na ang mga tinamaan ng magaling." At true enough nga ay kanya-kanyang daldalan na ang mga naiwan ni Coach sa loob ng gym. "Okay po, Coach," sagot naman ni Sky. Akala ko ay aalis na nang tuluyan si Coach pero lumingon muna itong muli sa aming tatlo nina Zan at Kyo. "Pare-pareho kayong late na tatlo. Alam n'yo na ang gagawin n'yo mamaya." Nangiwi ako. Siniko ako ni Kyo para patutulin. "Pero na-late po kami kasi.." apela sana ni Zan pero umiling lang si Coach, tanda na ‘wag na kaming mangatwiran. Napaungol na lang kaming tatlo at laglag ang balikat na nasundan ito ng tingin noong talikuran na kami at umalis na ito nang tuluyan. Napanguso ako. "Naku naman talaga. Kailangan mong lambingin ang tatay mo, Cha," sulsol sa akin ng pinsan ko. Tatay. Iyon lagi ang itinutukso ng mga ito sa akin, since iba ang closeness namin ni Coach. "Anak ka ni Coach?" litong singit ni Sky na naroon pa pala. Akala ko ay nilamon na ito ng lupa. Hindi kasi kumikibo kanina, e. Sabay na natawa 'yung dalawa. "Hindi," sagot ko. Lalong naguluhan ang hitsura ni Sky. "Don't mind them. H'wag kang malito. Hindi kami magkaano-ano or blood related. But, he’s like a father to me," paliwanag ko. "Ah.." Nasambit na lamang nito at napatango-tango. "Paborito s'ya nun, e. 'Di ba, Ate Zan?" dagdag naman ni Kyo. Aba, himala. May ate? 'Di sapilitan. Hmm? Fishy.. gumagalang ba talaga ito o naghahanap ng kakampi para mangasar? Siniko ko ito. "Oy, hindi, ah," tanggi ko. "Hindi raw.." protesta nito. "Hindi naman talaga," tanggi ko pa rin. "Alam naman namin lahat 'yon. Saka okay lang sa amin. Tanggap namin." Sinamaan ko ito ng tingin. "Epal mo." "Totoo naman kasi.." "Na ano? Na epal ka?" pang-aasar ko, kaysa magpatalo sa pang-aasar nito. Sinamaan ako nito ng tingin. Gusto kong mapangisi. Did I hit a nerve? “They’re quite close. But, close at mabait naman din si Coach sa lahat. Lamang lang nang bahagya si Cha sa amin,” rinig kong sambit at pagpapaliwanag ni Zan kay Sky. Dinilaan ko si Kyo. “Walang kakampi,” I mouthed. Na lalong ikinasama ng tingin nito sa akin. "Tumigil na nga kayong dalawa. Mahiya naman kayo kay Sky," medyo masungit na entra na ni Zan noong mapansin kami. Tumigil na kami pero siniko ko pa ulit ito nang isang beses at inirapan. Tumikhim si Sky. "So.. ano na nga ang totoong pangalan n'yo?" medyo parang awkward na tanong nito. Sa akin tumuon ang mata nito. So, it means ako ang unang sasagot, right? Sa akin nakatingin, e. "Chance Dela Cruz. Cha for short, ‘yun din ang tawag halos ng lahat sa akin," sagot ko sabay lahad ng kamay, ngumiti rin ako para maibsan ang pagkailang namin pareho. I want him to feel at home and at ease. Tutal ay magkakasama kami nang madalas-dalas sa ayaw o gusto nito. Ngumiti rin ito na lalong nagpatingkad sa hitsura nito. Tinanggap nito ang kamay ko, ramdam ko ang pagpisil nito doon nang bahagya. Nagulat man ako pero hindi ko na ipinahalata pa, mabilis lang at binitawan ko rin agad ang palad nito. Mukhang wala naman ding napansin 'yung dalawa kaya iniiwas ko na lang ang tingin ko rito. "Zandra De Guzman. Zan for short," sabi naman ng pinsan ko. Nagkamay din ang mga ito. "Sky Montenegro." "Welcome sa team, pati na sa ating university," bati namin na sabay ni Zan, na nakaugalian na naming sabihin kapag may freshman o bago na pumasok sa team. Hindi ko na lang pinagtuunan pa ng pansin ang ginawa nito kanina. Marahil ay wala lang iyon dito? Masyado lang akong mapagpuna siguro. Kasi pansin ko na hindi naman na ito naiilang o ano, katulad kanina bago kami magpakilala. O baka guni-guni ko lang ang mga napansin ko? "Thanks." "Teka.. paano pala ako?" singit bigla ni Kyo. Nalipat tuloy dito ang tingin namin. "Anong paano ka?" tanong ni Zan. Kumamot ito sa batok. "Hindi ba ako magpapakilala?" Hindi na ako nagulat pa noong batukan ito ni Zan, malakas. "Masakit. ‘To naman, e. Kasyadong kabigat ng kamay.." Reklamo ni Kyo sabay himas sa ulong nasaktan. "Magpapakilala ka pang nalalaman. E, sawang-sawa na kami sa'yo." Ngumuso ito na parang kawawa. Tumawa ako. "Unggoy ka kasi, e," dagdag pang-aasar ko pa. Bumaling ito sa akin at tinignan ako nang masama. "Anong sabi mo?" Binelatan ko ito. "Ayaw mo pang tanggapin." Bumaling ito kay Sky at Zan. "Anong sinabi ni labanos?" "Unggoy ka raw," sabay pa na sabi nung dalawa na natatawa. Aba! Bakit sinabi?! Nanlaki ang mata ko at umatras ako no’ng humarap na ang unggoy sa akin. "Unggoy ako?" Napalitan ng ngisi ang ekspresyon sa mukha ko. "Aminado ka na n'yan? 'Di na sa akin nanggaling 'yan, ah. Sa bibig mo mismo," sagot ko. Lalo namang natawa 'yung dalawa. "’Langya, ikaw na babaeng labanos ka, ha!" may gigil na sambit nito. Tatakbo sana ako pero hindi ako nakakilos sa mabilisan nitong mga hakbang noong bigla na lang nitong ikulong ang leeg ko sa braso nito na parang nire-wrestling. Hindi naman ako nasasaktan kaya natawa pa akong lalo. Ramdam ko rin na tumatawa na ito kalaunan base sa pagyugyog ng katawan nito dahil magkadikit kami. "Parehong isip-bata. Bagay na bagay," rinig kong sabi ni Zan. Nilingon ko ito at nandoon na naman 'yung kakaibang tingin at ngiti nito. Ano ba talaga ang ibig sabihin no'n? At bagay na bagay? "Tara na? Tinatawag na tayo ni Coach," singit ni Sky. Nagtama ang tingin namin pero nag-iwas din agad ito na ikinataka ko. Sumabay na dito si Zan sa paglalakad. "Tara na, tama na 'yan." Yaya nito at sinenyasan na kaming sumunod sa mga ito. "Okay," sagot naman namin ni Kyo. Naghiwalay na kami ni Kyo pero dumikit na naman ito at ipinatong sa ibabaw ng ulo ko ang kamay nito noong makaabot kami sa paglalakad at mapatapat kami sa dalawa na nauuna sa amin kanina. Lumingon si Sky pero katulad kanina ay iniiwas din ulit agad ang tingin. What's wrong with him? Bipolar ba ito? Ba't parang ang bilis magbago ng mood? Nagkibit-balikat na lang tuloy ako. Sa halip na pansinin pa ito ay itinuon ko na lang ang aking isip kung paano magpapaliwanag kay Coach mamaya kapag kinausap ko ito kung bakit kami na-late at kung ano ang ginagawa namin sa labas kaninang tatlo para makaligtas kami sa parusang paglilinis. I just hope na sana ay ma-persuade ko ito sa mga sasabihin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD