Chapter 3

2797 Words
First person POV Nagbuga ako ng hangin habang nakatingin sa mga kasamahan ko sa team na naglalaro na sa ngayon. Hindi ko maiwasang makadama ng inggit. Bakit ba naman kasi nataon pa na nagka-injury ako? Nami-miss ko nang maglaro. Last year ko na ito, tapos ganito? Badtrip naman, e. Gusto kong sumali pero hindi pwede ayon sa doktor. Nanghihinayang tuloy ako sa mga pagkakataon na dapat ay nakakasali ako sa practice. Nakaka-down sa pakiramdam. Isa kasi ito sa mga pinakagusto ko talagang gawin sa buhay, tapos hindi ko na magawa pa. Isa pa, pakiramdam ko ay inutil ako dahil wala akong magawa para makatulong sa team. Nakaka-frustrate at nakaka-disappoint. Nangalumbaba na lang ako at pinagkasya ang sarili na patuloy na pinagmamasdan na nagpapapawis ang mga kasamahan ko kakalaro. "Nguso mo ang haba, pwedeng gawing sampayan ng damit, ah." Napalingon ako sa nagsalita na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin. Ngumiti ako kapagkwan nang makita kung sino iyon at inalis ang pagkakapangalumbaba. "'Yan. Ngingiti ka, mas bagay sa'yo ang nakangiti. Gumaganda ka lalo. Kaysa nakasimangot ka." Umiling-iling ako at natawa. "Binobola n'yo na naman po ako, Coach." Nahawa ito sa pagtawa ko at nameywang. "Hindi, ah. Hindi ka ba naniniwala sa akin?" Umusog ako at hinila ang braso nito. "Sige na lang po para matigil kayo. Pero maupo po kayo. Ako ang nangangawit sa kakatingala sa inyo habang nag-uusap tayo, e." Umupo naman nga ito sa tabi ko. "Ang dami kayang napapalingon sa'yo hindi mo lang kasi napapansin. O baka naman sadyang ayaw mo lang talagang pansinin?" Inalis ko ang tingin dito at itinuon ang mata sa mga naglalaro. "Grabe kayo sa akin, ‘di po ako snob." “Hindi nga, mukha lang.” Lumabi ako. Natawa naman ito sa iniakto ko. "Para sa mga hindi nakakakilala sa’yo. Pero kilala ka namin. So, alam naming hindi ka snob. Kaya lang, siguro.. mas dadalasan mo ang pagngiti. Mas maaliwalas ang mukha at nababawasan ang pagiging suplada mo. Saka, mas gumaganda ka talaga.” Nailing-iling ako at hindi naniniwala na tinignan ito. “Bakit ganyan mo akong tignan? Hindi ka naniniwala? Totoo 'yun." Hay nako. Bagay na bagay na tatay ang tingin at turing ko rito, e. Labis-labis kasi minsan kung bolahin ako nito, kapag nagkakausap kami ng mga simpleng bagay na katulad ng ganito na hindi related sa paglalaro ng volleyball. “Sinasabi n’yo lang ‘yan kasi malapit tayo sa isa’t-isa.” "Hindi ka naman siguro manhid at bulag. Alam ko na alam mo 'yung mga tingin na ipinupukol sa’yo ng ibang kalalakihan.” ‘Di ko naman napapansin. Mayro’n ba? Parang wala naman. “Maraming interesado sa'yo, pero dahil sa hindi mo madalas na pagngiti ay natatakot siguro na lumapit sa’yo at magparamdam.” Napakamot ako sa batok at napangiwi. “Natatakot?” Tumango-tango ito. “Nai-intimidate, kaya paanong lalapit at makakapagtapat sa'yo? Kaganda-ganda, e. Pero wala ka pa bang natitipuhan?" biglang tanong nito sa huli. Napatawa tuloy ako ng bahagya. "'Wag po kayong ganyan. Feeling ko ang ganda-ganda ko tuloy. Saka ‘di talaga ako nagkamali na ituring ko kayong tatay, ganyan po ang mga linyahan ng mga ama sa kanilang mga anak, e. Sa mga napapanuod ko sa mga movie o teleserye," hindi ko na napigilang biro sa dulo. "Maganda ka naman talaga. Believe me. O baka naman gusto mo pa ng pruweba? Tanungin kaya natin si Sky at Kyo?" pasimple akong nangiwi. Bakit naman ang dalawang iyon pa ang tatanungin? "But, seriously.. wala ka pang natitipuhan?" tanong na naman nito. Mukhang walang balak na tantanan at tigilan ang tungkol sa paksa namin kanina pa. Napatingin ako kay Sky nang lumabas ito ng court, pawis na pawis ito at hinihingal din. Lumapit ito sa isang bench kung nasaan ang mga gamit nito, nagpunas ito ng mga braso at leeg. Pagkatapos ay uminom ito ng tubig na parang nasa isang commercial at may nakatapat na camera sa bawat paggalaw nito. Inalis ko ang tingin ko rito at inilipat naman ang mata sa mga babaeng nakatingin dito na halos lumuwa na yata ang mata at mapanganga. Halata sa mga mukha ang kilig na nadarama habang pinapanuod itong uminom. Tae, sinasabi ko na nga ba. Nailing ako. But, seriously? May fans na agad? Lakas ng hatak, ah. Hindi na ako magtataka pa kung mas dumami pa ang magtsi-cheer para sa team kapag lumaban na naman sa ibang school. 'Yun nga lang, magkakaroon na ng karibal at kahati si Kyo sa mga babae na humahanga rito. Gusto ko tuloy mapatawa nang malakas. "Sinong tinitignan mo?" Naputol ang pag-iisip at pagmamasid ko. Napatingin naman ako ngayon kay Kyo na lumabas din ng court, pero iba ang hitsura nito. Tila ba iritado. Anong problema no’n? Hindi rin nito pinapansin ang mga babaeng kanina pa nagtsi-cheer para rito. Dati-rati ay todo ngiti at kaway pa ito. Minsan nga nagpa-flying kiss pa, which is.. kadiri. Ew! Feeling artista. Unggoy kaya 'yan. Sa halip na sundan ito ng mata ay tumingin ako kay coach nang maalala ang tinatanong nito at umiling. "Wala po." Tumaas ang sulok ng labi nito. "I saw you watching Montenegro." So? Talas ng mata nito, ah. Napansin pa talaga ang ginawa ko. Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita pa. Alam kong kapag itinanggi ko o inamin ko ay tutuksuhin ako nito. May pagkaintrigero rin ‘to, e. At kanina ko pa pansin na nasa mood ito para mang-intriga. "Maganda ka at gwapo naman s’ya. Single ka at single rin s’ya," may panunukso sa tinig na sambit nito. Ah, mali. ‘Di lang pala mang-intriga, kundi nasa mood din ito para manukso. Naaaliw ko itong tinignan. "I know what you're thinking.." Tinaasan ako nito ng isang kilay. "Hmm? Ano ang iniisip ko? Aba at manghuhula ka na ngayon?" "You're implying something." Painosente ako nitong tinignan. "Something? Something like what?" As if ay may sina-suggest po kayo para ba gawan ko ng paraan ang pagiging single n’ya. Sa halip na sagutin ito ay hindi na lang ako kumibo pa. Ang kulit nito ngayon. I mean, sanay naman akong makipagkulitan dito. Pero iba ngayon, uneasiness kasi ang nararamdaman ko. Ngumisi ito. Shit. ‘Di pa rin tapos? Nanahimik na ako, ah? Iwan ko na kaya ito? "Like what? Hmm? Na bagay kayo?" Nanlaki ang mata ko nang ituloy at isatinig pa rin nito ang panunukso. I groaned. "Si Coach naman!" protesta at react ko, mataas ang tono. Naramdaman ko bigla ang pag-iinit ng mukha ko at inilibot agad ang paningin sa paligid. Baka kasi may nakarinig sa sinabi nito. Nakakahiya! Bakit ba kasi dito napunta ang usapan namin? "Bakit?" natatawa pa nitong tanong. Ngumuso ako. "Namumula ka. Crush mo siguro, no?" patuloy pa nito. Ayaw talaga akong tantanan. Lalo akong napanguso. "Hindi po," tanggi ko, kahit na alam kong hindi pa rin ito titigil. Argh. Should I just walk-out? "Talaga? Hindi? Sayang naman pala." Sabi pa nito at pumalatak pa. Kumunot ang noo ko. Ano naman ang sayang do'n? Tumango ako bilang sagot. "Hindi po talaga. Wala pa po sa isip ko ang makiuso para makapagpalit ng status sa f******k na from single to in a relationship. Aral at volleyball po muna ako nakafocus. Alam n'yo 'yun from the very start. ‘Di ko pa po afford ang magdagdag ng responsibilidad," seryoso kong turan. Tumawa lang ito. Seryoso ako pero mukha para rito ay biro iyon. “Masyado kang seryoso sa buhay. Loosen up. Have fun. Try and explore new things.” Napabuga ako ng hangin. “Kung pakikipagrelasyon po ang nais n’yong ipahiwatig. Wala po akong spare time para ro’n. Sobrang tight ng sched ko, Coach. Sa pag-aaral ay halos ubos na ang oras ko. Saka masaya naman po ako sa pagiging single.” “Okay, if you say so. But, mabalik ako sa kanina no’ng inabutan kita na nakasimangot at nanghahaba ang nguso? Anong problema?” sa wakas ay mukhang sumuko na ito sa topic na kanina pa nito iginigiit pero gusto ko ng tapusin. Nakahinga na ako nang maluwag. “Ah, ‘yun po ba? Naiinggit lang po kasi ako sa mga kasamahan ko na naglalaro. Saka nakaka-disappoint at frustrate lang po, wala po akong maitulong sa kanila.” “Wala tayong magagawa kundi ang sundin ang payo ng doctor. Hindi pwedeng pwersahin ‘yang balikat mo kung gusto mo talagang gumaling ‘yan at makalaro ka pa sa hinaharap.” I know. Sobra nga ang pagpipigil na ginagawa ko kahit pa natutukso talaga akong madalas na pumasok sa court. Nakaka-miss kayang maglaro. “Tutal, wala naman po akong maitulong. Bakit hindi n’yo na lang po ako palitan? Willing po akong bumaba sa pwesto ko.” “’Yan ka na naman, ayoko sabing pinag-uusapan ang bagay na ‘yan.” “Pero iyon po ang totoo. Deserve po ng mga kasamahan ko na magkaroon ng captain na may kayang gawin para sa kanila, hindi ‘yung katulad ko na nanunuod lang. Bigyan po natin ng chance ang iba na matikman ang pwestong kinalalagyan ko. I don’t think na deserve ko na manatili pa po rito.” Nanahimik na ito at hindi na kumibo pa, katulad nang madalas nitong gawin kapag itong paksa na ito na ang aming pinag-uusapan at bagay na matagal ko ng hinihiling. Lumipas ang sandali at pareho na kaming naging tahimik, nakatuon ang mata sa mga kasamahan kong puspusan ang pagpa-practice dahil sa competition sa labas ng unibersidad na aming nilalahukan taon-taon. Naroon din syempre ang pinsan ko at si Kyo, na nakabalik na ulit sa court at sobrang seryoso sa paglalaro. Mukhang hingal na hingal na kakalaro pero ayaw pa ring tumigil, halata sa mukha ng mga ito kung gaano ang mga ito nasisiyahan at kung gaano ka-eager maghanda para sa pagsabak sa competition. Na sana ay nararamdaman ko rin, kung sana lang ay hindi ako nagka-injury. Magkasama si Kyo at Zan sa team at sa kabila naman ay pinapangunahan ni Sky ang grupo nito, na seryoso rin. Parang gigil nga pareho ito at si Kyo sa bola. Apura ang palitan nang malalakas at malulutong na tunog ng bangag kapag hinahataw ang bola. May mga pagkakataon din na parang hindi matatapos ang rally. Nakakamangha lang din na panoorin. Magagaling ang mga ito, pero grabe naman.. parang inuubos na ang lakas. Hindi ko mapigilang mapailing. Sana lang ay ganito rin ang ipakita ng mga ito sa tunay na laro. Magaling si Sky katulad na lang nang inaasahan ko, hindi naman kasi ito kukuhanin at pipiliin ni Coach kung hindi. Hindi na nakakataka at walang duda kaya ito ang napili na maging bagong captain sa men’s bukod kay Kyo na matagal-tagal na ring nililigawan at pinipilit ni Coach na kuhanin ang pwesto pero ayaw talaga ng magaling na unggoy. Mabuti na lang at may nakuha na si Coach, may makakatulong na ngayon si Kyo para pangunahan ang laro. Magandang combination I think base sa nakikita kong laro nito. Biglang may pumito, hudyat na natapos na ang rally na animo kanina ay hindi mamamatay. Pero mukhang tapos na ang laban. Nakita ko kasi na tumatalon na sa katuwaan ang pinsan ko, marahil ay ang team ng mga ito ang nanalo. Natawa na lang tuloy ako. Iba kasi ang kasiyahan nito, parang nanalo na talaga sa competition. Baliw talaga. Pumalakpak si Coach na nasa tabi ko pa rin. "Okay na muna 'yan for today! Bukas ulit," sigaw nito. Nagsipuntahan naman ang mga players sa bench at pinagkukuha ang mga gamit ng mga ito. Nakita ko na nagsilapitan na ang mga babaeng nagtsi-cheer kanina kay Kyo at Sky, kanya-kanya na ang mga itong pagpapa-picture sa dalawa kahit na pawis na pawis pa ang mga ito. Artista lang mga dong? Wow ha. Inalis ko na rin kapagkwan ang tingin sa mga ito. Hinanap ulit ng mata ko si Zan pero natuon at bumalik ang mata ko sa dalawang nilalang na naglalakad na papunta sa direksyon namin ni Coach. Napalunok ako. Bakit ang bilis naman yatang magligpit ng mga ito? ‘Di ba, may mga babae pa kaninang nakapalibot sa mga ito at nagpapa-picture? Magkasabay ang mga ito na naglalakad pero hindi nag-uusap ang mga ito habang bitbit ang kanya-kanyang mga gamit. Seryoso pareho ang mukha at nakatuon sa akin. Wait! What? Bakit ko naisip na sa akin nakatingin ang mga ito? Ang feeler ko yata ro’n at ang assuming? Baka sa katabi ko nakatuon ang mata ng mga ito? Tae. Ano ba naman 'yan? At ano ba ang problema nang dalawang ito? Seriously? Why so serious? Hindi ako sanay, lalo na kay Kyo. Mapagpanggap na unggoy, puro kalokohan kaya ang alam n’yan. Nanuyo ang lalamunan ko at namawis ang mga kamay. Umayos ako ng upo at nagkunwaring may hinahalungkat sa bag. Shit na ‘yan. Ano bang nangyayari sa akin? Ramdam ko ang kaba. Bakit bigla na lang akong nate-tense? I should act normal, ‘di dapat ako mahalata ng mga ito! O kahit na sino pa! Naloloka na ba ako? Lumunok ako at patuloy sa pagkukunwari. Narinig ko ang pagtikhim ni Coach. Ayokong magtaas ng tingin, kapag ginawa ko kasi iyon ay alam kong wrong move iyon para sa akin. Dangerous. But, why am I acting like.. s**t. Shit talaga. "Wala ka pang natitipuhan, right?" rinig kong tanong ni Coach. Natigilan ako. Wala pa naman talaga, ‘di ba? Sinabi ko na kanina rito. Sinagot ko na iyon, kaya bakit bini-bring up na naman nito ang topic na iyon sa ganitong sitwasyon pa? Tapos na kami ro’n kanina pa, ah. Tumigil na ako sa pagkukunwari at nag-angat ng tingin dito. Gusto kong mapangiwi, amuse kasi ang hitsura ni Coach. Na malakas ang kutob at pakiramdam ko na dahil iyon sa akin. May kakaiba ba itong napansin sa akin? Nahalata? Aish. Punyeta. Itinuon ko rito ang mata ko kahit na nga naiilang pa ako. Hindi na ako nag-abalang lingunin pa 'yung dalawa na feeling yata ay nagpa-fashion show sa gitna ng court sa tagal ng paglalakad at hindi makarating-rating sa pwesto namin. Palibhasa, alam na alam ng mga ito na gustong-gusto ng mga kababaihan na narito ngayon na nakikita ang mga ito. "Well, kung ikaw ay wala pa. Siguro, magumpisa ka nang maghanda. Sila kasi ay mayro’n na. And I think, magandang laban ito," nanigas ako sa kinauupuan ko. Ano raw? Ano ba ang pinagsasasabi nito? Ngumisi si coach habang hindi inaalis ang tingin sa dalawang parating, nalipat tuloy ang tingin ko sa mga ito. Malapit na ang mga ito sa amin at diretso pa ring nakatingin, wala yatang balak na magsikurap. I felt uncomfortable. I don't know why. At ang sarap lang din tusukin ng mata nang dalawang 'to. Bakit ang intense magsitingin? Gayong mukhang kakausapin lang naman ng mga ito si Coach? Iniiwas ko ang mata ko at dali-daling hinagilap ang zipper ng backpack ko para maisara iyon. Pagkatapos ay naghagilap ako sa isip ng sasabihin. Pero sa kasamaang-palad ay blangko ang utak ko. What's happening to me? Shit. Kasalanan 'to ni Coach, e. Kung ano-ano kasi ang pinagsasasabi sa akin kanina pa. Tumayo akong bigla. "M—Mauuna na po pala akong umalis." Napatingin sa akin si Coach, ngumiti ito. And I find it creepy. Gosh. Kung ano-ano na ang pumapasok na kabaliwan sa akin. "H—Hahanapin ko pa po si Zan. Yayayain ko na pong umuwi. Magre-review pa po kasi kami, sa isang araw na po ang exam. Kaya dapat po hindi kami nag-i-easy-easy. You know, graduating na po," hindi yata humihingang litanya ko. Na sana lang ay hindi na ito kumibo pa at hayaan na akong makaalis. Shit. Ramdam ko na malapit na 'yung dalawa. At ang intense lang ng mga tingin. Ramdam ko, e. Feeling ko talaga kasi sa akin nakatuon ang mata ng mga ito kahit na alam kong kay Coach, dahil si Coach sigurado ang lalapitan at kakausapin ng mga ito at hindi ako. Hello? Ano naman kasing sasabihin ng mga ito sa akin, right? "Ang dami mo namang sinabi at alibi," natatawang puna ni Coach. Shit naman, e. "Dito mo na lang kaya hintayin? Saglit lang naman 'yon, nagbihis lang 'yun sigurado," suhestyon nito. Na hindi ko gustong sundin. "Pero kasi.." protesta ko. "Besides, masaya rito. Dito ka na muna, mukhang maagang mag-uumpisa ang competition." “Huh?” naguguluhan kong tanong. Competition? Sa volleyball? Medyo matagal-tagal pa ‘yun, ah? Kaya nga may panahon pa para makapag-practice ang buong nang puspusan at makabisado ang galawan ng mga kasamahan. Nabago ba ang schedule? Bakit hindi ko alam? Napakamot na lang ako sa pisngi ko. Ulyanin na ba si Coach? O may bagong announcement at hindi lang ako nasabihan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD