Chapter 4

3992 Words
First Person POV Binitbit ko ang mga libro ko at isinukbit ang bag sa aking balikat. Inayos ko ang mahaba kong buhok pati na rin ang palda ko na nagusot kanina dahil sa aking walang habas na pagkakaupo dahil sa hirap ng exam na ibinigay sa amin. Nang matanto ko na ayos na ay nagpaalam na ako sa professor namin na naroon pa rin habang hinihintay na matapos ang iba ko pang blockmates na nagsasagot pa rin hanggang ngayon. Napailing ako habang naglalakad noong nalagpasan ko ang mga kaklase ko, mga seryosong masyado ang mukha, ang iba ay mga nakakunot ang noo at ang iba pa ay halos mga nakasubsob na nga sa papel. Abala ang mga ito sa pagbabasa at pag-aanalisa. Paano nga, pwera sa theory of accounts ay mayro'n pang problem solving na isinama sa dulo ng questionnaire ang prof namin kahit pa nga ang sabi at pangako nito ay hindi raw ito maglalagay niyon. Ang lupit nitong masyado dahil ang lupit din ng mga inilagay nitong tanong. Kung didibdibin mong masyado ay baka maloka at maiyak ka na lang talaga kung hindi ka nakinig no'ng mga panahong nag-discuss ito at hindi ka nagbasa man lang. Bahagya akong nangiti dahil sa wala kang makikitang nagkokopyahan at wala ring nag-uusap dahil abala ang lahat, ang maririnig lang sa loob ng classroom ay ang ingay sa mabilis na pagpindot ng kanya-kanyang calculator tuloy. Wala, e. Calculator is life. Makalimutan mo na ang lahat h'wag lang 'yon. Ando'n kasi talaga ang buhay ng course namin, walang araw na hindi nagagamit kaya nga halos mga burado na ang mga numero na nakatatak nung sa akin. Habang naglalakad ay pasimpleng pinapasadahan ko ng tingin isa-isa ang mga sagot na nakasulat sa papel ng bawat nadadaanan ko. Nangiti ako nang bahagya. Mga sobrang seryoso sa life ng mga ito. Ayaw talagang mga sumuko at tumigil. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapatagal pa ng mga ito ang pagpapasa ng papel gayong wala na yatang maisagot at 'yung iba ay mayro'n naman na akong nakitang nakasulat base sa nakita ko na solution na nasa mismong papel ng mga nadaanan ko. Hays. Masyadong mga masokista. Pinapahirapan lang ng mga ito ang sarili, e. Sasakit lang ang ulo ng mga ito kakaisip sa sagot. Ang hirap kaya ng gano'n. Kaya ako, tinigilan ko na, e. Nagpasa na ako ng papel. Ang useless lang kasi kung mag-stay pa ako, magsasayang lang kasi ako ng oras kung papatagalin ko pa, gayong mayro'n naman na akong sagot.. kahit pa nga 'di ako sigurado kung tama. Basta may sagot ako. 'Yun na 'yun. 'Yung mga alam ko lang at na-review ko. Satisfied na ako ro'n. Ayokong pasakitin ang ulo ko at pahirapan ang sarili ko. Kung mali man ang sagot ko.. well, ipapaliwanag at ipapakita naman sigurado 'yung solution sa susunod na meeting kapag nag-check na kami ng papel. Binuksan ko ang pinto at nagtuloy na sa paglabas, sumalubong kaagad sa akin ang ingay mula sa ibang estudyante na nagkalat sa corridor. Gusto kong mapailing. Parang hindi eskwelahan, ah. More of.. parang palengke o mall. Kanya-kanya kasing kumpol, mga magbarkada at 'yung iba naman ay magdyowa na parang nagde-date, yung tipong parang ang mga ito lang ang tao roon at hindi alinta ang ingay na nanggagaling sa paligid. How sweet lang. Ang nice ‘no? Nasusuya nga ako sa sobrang tamis. Ipinagpasalamat ko noong makarating na ako sa malapit sa hagdan dahil medyo tahimik na sa parteng iyon, bawal kasi ang nakatambay at 'di katulad sa corridor. Saktong pagbaba ko sa second floor ng building ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa loob ng bulsa ng palda kong suot kaya kinapa ko iyon, ngunit bago ko pa man iyon mailabas ay may narinig na ako na tumatawag sa pangalan ko. “Ate Chance!" tawag sa akin ng marahil ay isa sa mga ka-teammate ko sa volleyball. Kumunot ang noo ko, ngunit automatic na tumigil na sa paghakbang ang paa ko para bumaba sana sa unang baitang ng hagdan upang makarating ako sa baba. Pumihit ako paharap sa may-ari ng tinig na tumatawag sa akin. Ngunit lalong nangunot ang noo ko nang mapagtanto na hindi ko pala kilala ang tumawag sa akin. Akala ko kasi ay isa ito sa mga ka-teammate ko, since Ate Cha or Ate Chance lang naman ang tawag sa akin ng mga ito dahil sa ahead ako sa mga ito ng taon at graduating na. Bumaba ang tingin ko sa suot nito. Though, hindi ko kilala at hindi pamilyar sa akin ang babae, malamang ay dito rin sa school namin ito nag-aaral, base na rin sa unipormeng suot nito ngayon. Isa pa, hindi naman basta-basta lang nagpapapasok sa campus. Bawal ang outsider. Tumaas muli ang mata ko sa mukha nito. Pero sino ba ito? Hindi ko talaga kasi ito kilala kahit na maghapon ko pa yata itong titigan. Namulsa ako at sumandal sa pader na malapit, hinintay ko na makalapit ito na lakad-takbo habang hindi yata kumukurap na nakatingin sa akin. Nang makarating na ito sa pwesto ko ay medyo hingal pa itong huminto sa tapat ko mismo at yumuko para humawak sa tuhod. "Breathe." Magaan na payo ko bago ikiniling ang ulo ko para mapagmasdan itong lalo sa malapitan. Pero kahit saang anggulo ko yata ito tignan ay hindi talaga ito pamilyar sa akin. Hindi ko ito nakikita sa campus, ngayon lang. Marahil ay tiga ibang department ito kaya hindi ito pamilyar, hindi ko nakakasalamuha at napagkikita. Nagtaas ito ng tingin at inayos ang medyo nagulong buhok dahil sa pagtakbong ginawa, ngumiti ito sa akin pero bigla na lang namula ang pisngi, tila ba nahihiya. Napakurap-kurap naman ako. Ang ganda nito sa totoo lang. Pero nagtataka lang ako kung bakit ako nito tinatawag kanina at bakit tila bigla na lang itong na-tense ngayon? Umayos din ito ng tayo kapagkwan at maya-maya ay yumukong muli, biglang pinagsalikop nito ang dalawang kamay kaya napatingin naman ako sa mga 'yon. Nice hands. Halatang pang-mayaman. Maputi, mahaba at walang mababakas na ugat-ugat. Napatingin tuloy ako sa sarili kong kamay. 'Di tulad nitong akin. Parang lalaki ang may-ari. Bigla akong natigilan at nabalik ang tingin dito. Don't tell me.. Is she here para pumasok sa team ng varsity? Nag-uumpisa na naman kasing mag-recruit dahil marami-rami ang nasa team na ga-graduate na ngayong school year at isa na ako ro'n. Napasulyap akong muli sa pigura nito, tindig at daliri. Pero kung sasali nga ito.. parang hindi kasi bagay. She's too soft in my eyes, fragile and beautiful. Dapat sa pageant sa school ito sumasali. But on the other hand, opinion ko lang naman 'yon. My opinion won't matter if she has the skills that we're looking for to enter the team. Dumaan ang segundo pero hindi pa rin ito nagsasalita, medyo naiinip na ako sa kakahintay at ramdam ko na rin ang gutom dahil magla-lunch break na. Napagod din kahit papaano at na-drain ang energy ko sa pagsagot sa papel ko kanina. Umalis na ako sa pagkakasandal at tumuwid na rin ng tayo, inayos ko na rin ang bag sa balikat ko. Tumikhim ako at pinagmasdan ang babae na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin. Ang ganda sana, kaso.. may saltik ba ito? Tinawag ako tapos hindi lang magsasalita? What's with her? Kumamot ako sa batok. “Uh.. Miss?” untag ko rito. Medyo napapitlag ito bago napatingin sa akin, ako naman ay napakurap-kurap dahil sa kinikilos nito. Natakot ko ba ito o ako ang dapat na matakot dito? She's beautiful but kind of weird too. Tumikhim akong muli habang hawak pa rin ang strap ng bag ko. “Ako ba ang tinatawag mo kanina o namali lang ako ng dinig?” may pagkainip ko nang tanong. Hindi pa rin ito kumibo pero nanatili naman na nakatitig ito sa mukha ko, 'di ko alam kung guni-guni ko lang ba pero parang manghang-mangha ito na nakatingin sa akin. Pasimple akong lumunok, biglang na-conscious. May dumi ba ako sa mukha? O baka naman na-shock ito sa hitsura ko dahil sobrang putla kong tignan dahil tinamad akong mag-apply ng kahit bahagya man lang na lipstick sa labi ko? Huminga ako nang malalim at binasa ang labi ko. "Sorry, Miss. Kung hindi ka magsasalita, mauuna na akong umalis." Sambit ko at akma na sanang iiwan ito pero pinigilan ako nito sa braso. Napatingin ako sa kamay nito, ngunit agad din namang inalis nito ang pagkakahawak sa akin noong makita nito na doon ako nakatingin. "S—Sorry.." hinging paumanhin nito. Muli akong napahinga nang malalim, "May kailangan ka ba sa akin?" Diretsa ko nang tanong, kung wala naman kasi ay aalis na talaga ako. Ramdam ko na talaga kasi ang gutom at hindi ko ugali na gutumin ang sarili ko. 'Di ako martir basta pagkain na ang pinag-uusapan. Kinagat nito ang labi at naging mailap ang mata. "A—Ano po kasi.." Naghintay ako na dugtungan pa nito ang sasabihin pero tila ba hindi nito iyon maituloy. Should I just walk-out? "What is it? Gusto mo bang sumali sa team?" tanong ko na, baka iyon kasi ang gusto nitong sabihin at nahihiya lang ibulalas. Umiling-iling ito. "Hindi po. I love volleyball, pero hindi po ako marunong maglaro no'n. Hanggang panunuod lang po ako." "Oh, okay. Mali pala ang akala ko. So, ano ang reason kung bakit mo ako tinawag? May sasabihin ka sa akin?" I asked again. Napatitig na naman ito sa akin at napansin ko na ikinuyom nitong bigla ang palad, tila ba ro'n ito humuhugot ng lakas ng loob para mailabas ang gusto nitong sabihin. Should I cheer for her? Lumabi ito kapagkwan at iniiwas ang tingin. "S—Sorry.. fan mo po kasi ako. Nai-intimidate ako just by looking at you. Hindi ko po mapigilan." Nai-intimidate? Gano'n ba ang resulta ng pagiging hindi ko palangiti? Mukha ba akong mapagmaldita? Mataray? "Huh?" tangi kong nasambit. Ngumiti ito nang kimi. "Ang ganda mo po kasi pala, lalo na sa malapitan na ganito.. katulad no'ng sinasabi ng mga kaklase kong lalaki. Tapos ang galing mo po talagang maglaro.." Speechless na napakurap-kurap ako, hindi inaasahan ang papuri na galing dito. Umiling-iling ito at namula na naman ang pisngi. "Sorry.. actually.. hindi lang po ikaw ang idol ko, pati po sila Ate Zandra at K—Kyo.." mahinang banggit nito sa pangalan ng huli. Nangunot ang noo ko. "Magkakaibigan po kayo nila K—Kyo, ‘di ba?" nahihiyang tanong nito. Bakit biglang nasali yata si Kyo sa usapan? Wait, is she one of his fan girls? Since close ako sa unggoy ay madalas na may mga lumalapit sa akin para magpatulong.. at hindi na ako nagtataka na marami ang nakakaalam ng pangalan ko kasi nga alam ng lahat na magkaibigan kami, parang kaakibat na ng pangalan ni Kyo ang pangalan ko. Required na dapat alam ng mga fan girl nito.. para hingan ng number ni Kyo, pero syempre hindi ko naman binibigay dahil personal na 'yon at sa halip na ako sana ang kakatay sa unggoy ay baka ako ang makatay nito, may iba naman na nagpapabigay ng pagkain, letters o di kaya naman ay nagpapatulong na mapalapit dito at nagtatanong ng mga walang kakwentahan pati na ang mga paborito nito. Jusko. Minsan nakakasawa na rin at hindi ko na mapigilang mairita. Nakakahiyang masyado sa mga ito, ang tingin yata sa akin ay slam book. Tsk. Kasi naman.. pwede naman silang dumiretso sa lalaking 'yon, bakit pa kailangang maging tulay ako at sa akin magtanong? Aish. Mukha ba akong muchacha nito? PA? O 'di kaya ay presidente ng fans club nito? Tss. Kahit na dismayado sa kausap ay tumango ako. “Yes..” sagot ko na pinipigilan ang sarili na iwanan na lang itong bigla, tila ba alam ko na kasi ang susunod pa nitong sasabihin. Akala ko pa naman ay dahil sasali ito sa team kaya ako tinawag, but it seems na hindi. Kasi naman, e. Tsk. Kagaganda naman sanang babae tapos.. Tss. Dapat hindi nila 'to ginagawa, e. Pinagmasdan ko ito nang mapangiti ito na lalong nagpatingkad sa ganda nito. “Ahm.. p—pwede po ba akong makisuyo?” Here we go again.. pwede bang sumagot ng hindi at tumanggi? Gustong-gusto nang pumilantik ng kilay ko pero pinanatili ko na lang na blangko ang ekspresyon ko, may ideya na kasi akong mayroon itong ipapabigay o itatanong na personal na bagay patungkol sa unggoy. "Pwede naman. Basta ba kaya ko, e. Ano ba 'yon?" napipilitan kong sagot. “W—Wait lang po.” Sabi nito at tarantang naghagilap ng kung ano sa bag nito. Inip ko itong tinignan at bahagyang napahinga na lang nang malalim. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na nag-vibrate na naman ang telepono ko kaya kinuha ko na iyon sa bulsa ko at nakitang may message galing kay Kyo at Zan. Inuna kong binuksan ang sa pinsan ko dahil nabubwiset na ako kaagad kay Kyo kahit na wala pa naman itong ginagawa at kahit na hindi ko pa ito nakikita. Zandra: 'Di ako makakasabay kumain. Uuwi muna ako pagtapos ng exam namin. Nagtitipa ako at nag-reply rito. Me: Sige. Ingats. Text ka pag nakauwi ka na. Pagka-send ko ng text ay sinulyapan ko ang kaharap ko pero mukhang hindi pa rin nito nahahanap ang nais nitong ipabigay. Tulungan ko na kaya? Ang tagal, e. Naiinip na talaga ako at nagugutom. Nag-vibrate ulit ang phone ko kaya roon ulit nabaling ang tingin ko at nakita ang reply ng pinsan ko. Zandra: Oks. Ikaw din ingats. Pasama ka kay bunso na kumain at pahatid ka pauwi. Automatic na napairap ako, hindi para sa pinsan ko.. kundi para kay Kyo. Nang isara ko na ang mensahe ng pinsan ko ay nakita ko na naman na may message si Kyo pero hindi ko tinangkang buksan. Ewan ko ba. Nabubwiset talaga ako! Humanda ito sa akin kapag nakita ko ito! Ayaw kasing tigil-tigilan ang pagpapa-charming sa mga babae kaya pati ako tuloy naaabala at nadadamay. Bwiset. “Excuse me? Matagal pa ba?” hindi na nakatiis kong tanong. Huminto ito sa kakahalungkat at tumingin sa akin, nanggigilid ang luha nito. Shit. May nasabi ba akong mali? Masungit ba ang paraan ng pagkakatanong ko? Tae. H'wag mong sabihing iiyak pa ito sa harapan ko? Tsk. Lalo akong magtatagal dito kung gano'n. Ano ba naman 'yan. Gusto ko na tuloy bawiin 'yung tanong ko. “H—Hindi ko po makita..” mahinang sabi nito. Medyo nakahinga ako nang maluwag, mabuti at hindi naman pala dahil sa tanong ko kaya ito naiiyak. Pero nang matuon na naman ang tingin ko sa mata nito.. hindi ko alam, pero nakaramdam ako bigla ng awa rito. Huminga ako nang malalim at hindi na natiis pa ang hitsura nito kaya lumapit na ako. Habang tinitignan ko kasi ito ay parang hindi ko yata ito kayang tiisin kahit pa nga 'di naman talaga kami close at ngayon ko lang ito nakita. Inilahad ko ang kamay ko sa harap nito. “Let me take a look inside your bag. Ako na ang maghahanap,” I offered. Kinagat nito ang ibabang labi upang mapigilan siguro ang pag-iyak, pagkatapos ay mahinhin na iniabot sa akin ang bag. Sinimulan ko agad na buklatin ang laman ng bag nito. “Ano ba ang hitsura no'n? I mean.. ano pala 'yon?” “Letter po, Ate Cha. Kulay pink po na may glitters-glitters and heart.” Gusto kong mapangiwi pero pinigilan ko na lang, baka kasi makita pa nito at mapaiyak na ito ng tuluyan. I don't want that. “Oh. Okay. Wait lang. Relax ka lang muna r'yan,” sagot ko. Hinalungkat ko ang mga bulsa sa loob ng bag nito, inilabas ko rin pati ang notebooks na naroon. Binuklat-buklat ko pero wala, hanggang sa nakita ko ang dine-describe nito sa isang libro. “Oh, heto lang pala! Nahanap ko na! Nandito lang pala sa book mo nakaipit!” Napangiti na itong muli. “Thank you po! Buti at nakita n'yo po, akala ko po.. naiwan ko na sa bahay. Natakot ako na makita nila Mama. Mapapagalitan po ako 'pag nagkataon.” Ah. Kaya naman pala. Nakakaiyak nga talaga 'yon. But.. Tsk. Kasalanan ito ni Kyo lahat talaga, e. Inayos ko na muna ang mga laman ng bag nito bago ko ibinalik rito. “Ito lang ba ang ipapakisuyo mo?” tanong ko habang hawak pa rin ang love letter yata? But, for sure.. love letter nga 'to. Halata naman. Alangan namang death threat. E, kadalasan anonymous 'yung mga gano'n. Tumango-tango ito na evident sa mukha ang saya. “Opo. Sana.. pag nabasa n'ya 'yan, mapansin na n'ya ako.” Muntik na akong masamid sa sinabi nito. Ngumiti na lang tuloy ako nang alanganin. Hindi kasi bagay rito ang ginagawa nito. Ang ganda-gandang babae, dapat ito ang pinapadalhan ng letter. Not the other way around. Saka what's with Kyo ba kasi? At humaling na humaling dito ang mga babae sa school? Ang sarap mga itali! Inayos nito ang pagkakasukbit ng bag. "Sige po, At—" "Labanos!" Hindi na natapos pa nang kausap ko ang sasabihin. Tinignan ko si Kyo na nasa kalagitnaan na ng hagdan habang nakatingala at nakatingin sa akin. Bigla na lang akong nailang sa paraan ng pagtingin nito. Napaawang nang bahagya ang labi ko. Shit na malagkit! Ayan na naman 'yang tingin na 'yan. Sarap tusukin ng mata. Parang.. ang intense! Inirapan ko ito. Pagbaling ko sa babaeng kaharap ko kanina ay nagulat na lang ako dahil wala na ito sa tabi ko. Ang bilis naman nitong nakaalis? Akala ko ba gusto nitong mapansin ito ng unggoy na 'to? Ito na 'yung pagkakataon, andito na si Kyo para makilala ni.. ni.. Fuck. Ano na nga ba ang pangalan ni pretty girl? Nakalimutan kong itanong man lang. Lumakad ako paakyat ulit pabalik sa corridor na pinanggalingan ko, nagbabakasakaling naroon pa ito dahil alam kong hindi pa ito napapalayo kasi hindi naman gano'n kabilis na makakatawid ito sa kabilang dulo gayong mahaba ang kailangan nitong lakarin o takbuhin kung sakali. Napatingin akong bigla sa pinakadulong classroom na may on-going pang klase na malapit lang sa kinatatayuan ko. Unless.. Ginawa ko nga ang iniisip ko at sumilip sa glass na parte ng pinto ng classroom. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko nga itong nakaupo sa isang upuan. Medyo nakayuko ito, pero kahit na gano'n ay alam kong ito rin ang babae kanina. Ano ang ginagawa nito roon at bakit bigla na lang itong umalis, tapos hindi man lang nagpaalam? Narinig ko ang papalapit na yabag ni Kyo pero hindi ako tuminag sa pagkakatingin sa babae. ”Ano’ng tinitignan mo? Anong sinisilip mo r'yan?” usisa nito. Alam kong nasa likod ko na ito dahil sa amoy na amoy ko ang gamit nitong pabango. Nilingon ko ito at umismid. Kumunot naman ang noo nito. “Kanina pa kita tine-text, hindi ka sumasagot.” Sa halip na sagutin ito ay nilingon ko ulit 'yung babae. Naaawa ako rito na hindi ko mawari. Pero naiirita ako kay Kyo. Bwiset! Bakit ba humaling na humaling ang mga babae rito? Nag-angat ng tingin ang babae sa akin at ngumiti nang malamya, mabilis na umiling-iling ito at tumayo na kasabay ng iba pang estudyante hudyat na tapos na ang klase. Gusto ko sana itong tawagin pero pagkatapos no'n ay tumalikod na ito at nag-umpisa nang naglakad palayo, nakihalo sa nagsilabasan na estudyante. Napabuga ako ng hangin. Aish! Ano 'yun? Hindi pa ba ito handang ihantad ang identity nito sa hinahangaan nito na unggoy naman? “Ano ba talaga ang tinitingnan mo r'yan? O sino?” tanong na naman ni Kyo na biglang parang nag-iba ang tono sa pandinig ko. Tikom ang bibig na tinignan ko lang ito nang masama. Bwiset na 'to. Ang daming humahanga at at the same time ay nagkaka-heart-break dahil dito. “Problema mo? Kanina pa kita kinakausap. Napipi ka na ba at ayaw mong sumagot? Saka bakit ba ang sama ng tingin mo sa akin?” nagugulumihanang litanya nito. Nilagpasan ko ito na hindi pa rin kumikibo. Naiirita talaga ako rito. “Problema mo? Uy!" untag nito sa akin. Balak ko na sana itong iwan pero hinagip nito ang braso ko. “Ano na namang nagawa ko?” Tinanggal ko ang pagkakahawak nito, napatingin naman itong bigla sa kamay na ipinangbaklas ko sa pagkakakapit nito. Napatingin din ako ro'n at napakurap noong ma-realize na hindi ko pa pala naiaabot dito ang letter dahil sa inis ko rito. Nang ibalik ko ang tingin ko sa mukha nito ay titig na titig na ito ngayon sa hawak ko. “A—Ano 'yan?” nauutal na tanong nito na para bang biglang nataranta at may takot sa tinig. Pero para saan naman 'yon? Naguluhan tuloy ako. O baka guni-guni ko lang yon? “Love letter," sagot ko sa obvious naman. Lumunok ito. “S—Sinong lalaki ang nagbigay sa iyo n'yan? S'ya ba yung sinisilip mo r'yan kanina?" Tanong nito sabay turo sa classroom. Napanganga ako saglit. Lalaki? Lalaki na ba ngayon ang nagbibigay ng letter dito na hindi napapadaan sa akin at nagpapasuyo para makarating dito? Aba. Matinde pala! Pati lalaki ay nadadale na nito? Inilahad nito ang kamay. “Patingin ako.” Umirap ako. Atat masyado ang unggoy, kainis! “Patignan sabi, e. Babasahin ko. Baka may bastos d'yan.” Bastos? Love letter tapos bastos? Kakaiba rin talaga itong mag-isip, eh. Sa halip na ibigay dito nang maayos ay padarag na inihampas ko sa dibdib nito ang letter. “ 'Yan! Isaksak mo sa baga mo!" tungayaw ko. Sa gulat nito ay muntik na nitong hindi masalo ang papel. Umalis ako kaagad at hindi na ito nilingon pa. Binilisan ko ang lakad noong marinig ko ang pagtawa nito nang malakas. Tae. Sarap nitong katayin sa totoo lang. “Labanos!” tawag na naman nito. Pumikit ako nang mariin dahil sa lakas ng boses nito. Napatingin ako sa paligid dahil maraming estudyante na ang nasa labas, inabutan na ako ng break time. “Hoy, Labanos! Hintayin mo ako.” Shit na 'yan. Gusto kong bunutin ang ngala-ngala nito. Huminto na ako sa gilid para hintayin ito dahil makaka-abala lang ako sa mga estudyanteng mga naglalakad na kung saan-saang direksyon ang tungo. Inip kong tinignan si Kyo. Alam ko naman kasing hindi ito titigil kakasigaw na parang taong ewan ko ba kung saang planeta ipinanganak kung hindi ko ito hihintayin. Sinamaan ko ito ng tingin nang makalapit na sa akin. “Nabasa ko na,” imporma nito. Pake ko? Ngumisi ito. Saya ka yatang masyado, dude? Umirap ako. “So.. kaya ka nagagalit.. dahil ba sa love letter?” usisa nito na mukhang timang. Tinignan ko ito nang masama. Obvious naman, 'di ba? “So, dahil nga ro'n?” kulit pa nito. “Oo,” nakataas ang isang kilay na sagot ko. Tumaas naman ang sulok ng labi nito. “Hmm? Bakit?” Nameywang ako. “Anong bakit? Gago ka ba?” Humawak ito sa baba na halata sa mukha na siyang-siya at enjoy na enjoy akong tignan na mabwiset. “Hmm. Hindi, e. So.. bakit nga?” tanong nito na tutok na tutok sa akin ang mata. Iniiwas ko ang tingin ko dahil naging aware na naman ako sa lintik na titig nito. I hate it. Nagiging uneasy kasi ako recently dahil do'n. “Are you..” pabitin na sabi nito na parang nanunukso. Humalukipkip ako at sinundan ng tingin ang mga nagdadaan. Kaso, nakakahilo pala kaya ipinirmi ko na lang ang mata ko. “Are you..” tuwa pa na pabitin na naman nito. Katayin ko na kaya ito? Ang kulit, e. Para isang heartbreak at pagluha na lang ang maranasan ng mga babae na humahanga rito? “What?” tinignan ko na ulit ito nang nakataas ang kilay. But, promise.. ang lakas makaasar ng ngisi nito. Gusto kong tanggalin iyon sa mukha nito. Kairita kasi! Lalo namang lumawak ang ngisi nito. "Are you jealous?" walang hiya-hiya at pakundangang tanong nito na halos magpalaglag sa panga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD