First Person POV Naiinis man ako sa ikinikilos nito ay pumayag na lang ako, ayokong makahalata 'yung dalawa at ayokong magpaliwanag. Nakakatamad at nakakapagod. Wala ako sa mood para ungkatin ang pagtatapos ng kung ano mang mayro'n sa amin ni Kyo. Hindi ko pa kayang pag-usapan. At sa totoo lang ay nangangamba rin ako na kapag nalaman nung dalawa ang nangyari ay malalagay sa bingit ang samahan namin at lalaki lalo ang lamat na kami ni Kyo ang may kagagawan. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong madamay sina Zan at Sky. Ayokong maipit ang mga ito sa pagitan namin ni Kyo. Kung ano mang gulo ang mayro'n kami, sa amin lang na dalawa iyon. Hindi dapat madamay ang iba. That is the least thing that I want to happen. Nagpaalam na ito sa dalawa at sinabihan si Sky na mauna na sa pagkain at hahabol na la

