Gulat pa din ang reaksyon ni sofia ng makita niya ang kapatid niya, ngayon ay nagsasalo-salo na sila sa hapag kainan at masayang nag uusap. "So serena, how's new york?" Tanong ng tiyahin nila. "It's good tita, there's a lot of places there, where you can find peace" Sabi nito. Kahit kelan talaga ay kung makipag usap ang kapatid ni sofia ay akala mo robot, walang reaksyon at ang hirap i identify kung masaya ba ito o malungkot. Natapos ang pagkain nila at dumiretso si sofia sa kwarto niya para mag half bath, feeling niya kasi sobrang lagkit na niya. Nagbabad siya sa warm water dahil ang sakit pa din talaga ng katawan niya, napansin niyang ang lalaki din pala ng pasa niya sa balikat at dibdib. "Aish! That b***h is really getting into my nerves!" Sabi niya at umahon na para magbanlaw. A

