Nagmulat ng mata si sofia dahil sa mga naririnig niyang ingay, nag a-adjust pa ang paningin niya ng marinig niyang may nagsalita nanaman. Bakit parang ang gulo ata? "She's already awake" sigaw ni david. Hindi na napigilan ni abby na mabatukan ito dahil sa sobrang lakas ng boses ni david, nahulog pa sa upuan si kerby at aldrich, si tyrant naman ay nasamid sa iniinom na tubig. Habang ang iba ay pinapatay na siya sa isip nila. "G-guys?" Sabi ni sofia at nilibot ang paningin niya sa paligid. Nakita niyang nandito ang pinsan niya kasama ang mga kaibigan niya pati na din ang last section pero ang pito lang ang nandito. Si tyrant, aldrich, rafael, kerby, david, marion at jedric. Napakunot ang noo niya dahil may hinahanap ang mata niya pero bigo siyang makita ito. Huling naalala niya ay si c

