Sofia's Pov
Mabilis lumipas ang oras at lunch break na, inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo para lumabas. Naglalakad ako papunta sa pinto ng bigla na lang may mga bakulaw na bumunggo sa akin, nalaglag tuloy yung ibang libro na dala ko. Argh!
Mabilis kong pinulot ito at handa na ulit sanang lumabas ng bigla na lang ako tinawag ng professor namin, nandito pa pala ito? Hindi ko siya napansin. Siya si Professor Aries De Silva, he's 25 years old bata pa at hindi maipagaakila na gwapo din ito at matangkad.
Lumapit ako sa kanya para malaman kung bakit niya ako tinawag.
"Yes sir?" Tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya.
"I'm just going to ask you a few things" Sabi niya pero hindi lang siya statement, humihingi din siya ng permiso sa tono niya.
Nagtataka man ay tumango na lang ako.
"Why are you here?" Naguguluhan niyang tanong.
Oh-Kay? Akala ko ba tumatanggap ng transferee ang school na ito pero parang hindi ako welcome?
"Excuse me but what do you mean sir?" Tanong ko at halata naman siguro sa akin na naguguluhan ako.
Parang siya yung kanina kong prof sa calculus si sir Dave yung nag ingay kanina sa white board, ganyan din reaksyon niya, confused. Nakalimutan ko lang itanong kung bakit e.
"Oh sorry, what i mean is bakit nandito ka sa last section?" Tanong niya.
Gusto ko sanang pilosopohin si sir kaya lang mabait ako tsaka nagtatanong siya ng maayos pero-- bakit ako tinatanong niya imbis yung Dean?
"Dahil po sa records ko sir" Sabi ko pero hindi sigurado.
"Kahit na e. You're not belong here. Can't you see? You're the only girl in this class" Sabi ni sir which is kaninang pag pasok ko pa lang ay napansin ko na. Bakit nga ba?
Napatango lang ako sa kanya at sinundan na tanong na bakit?
"Okay as you can see they're not normal itsura pa lang nila, this classroom, every class hours lahat ng estudyante sa classroom na 'to ay puro notorious at may records, mga walang balak mag seryoso sa pag aaral except sa isang lalaki na kahit hindi mag aral topnatcher pa din kahit ganun." Sabi ni sir at ngumiti ng bahagya.
Grabe naman si sir walang balak talaga? Muka ngang napabayaan ang mga yun, actually kahit ganun sila parang nakakaawa sila? Pero sino yung tinutukoy ni sir?
"M-may records din naman ako sir ha?" Hala sige sofia.
"Yun na nga e, yes you have a tons of records i can say pero tinignan ko ang grades mo at matataas ito sayang naman kung dito ka lang mapupunta" Sabi niya at halata mo talagang nanghihinayang siya.
Gwapo talaga ni sir, mapupungay na mata, matangos na ilong, mapupulang labi-- ay ano ba yan Sofia ang harot mo ha!
"O-okay lang naman sir, kaya ko naman sumabay, sabi din kasi ang board of directors na ang nagsabi na dito ako ilagay" Sabi ko at nag iwas ng tingin baka kasi matunaw ko si sir. Hahaha Kidding!
Huminga ng malalim si sir at ngumiti.
"Okay i guess wala na din akong magagawa, don't worry if you need anything don't be shy to ask me" Sabi niya at after no'n hinayaan na niya akong lumabas para makapag lunch.
Dumiretso ako sa cafeteria at ang masasabi ko? Wow! Ang laki tsaka ang daming pagkain, nice! Pumila na agad ako, hindi naman ganun kahaba ang pila.
Inikot ko ang tingin ko habang nakatayo I'm checking if Marie is here. Napatingin ako sa bawat mesa hindi talaga mawawalan ng maaarte, geeks, cools, nobody and such sa isang eskwelahan, well you can say it's cliché but it's true.
Napansin ko sa dulo ng cafeteria ang isang mahabang lamesa at do'n nakaupo ang mga kaklase ko, infairness hindi sila magulo katulad ng nasa classroom. Para lang silang mga normal na estudyante na nagsama-sama at masayang nag uusap. Hindi sila katulad kanina na parang nakawala sa mga hawla nila.
I instantly smile at narealize ko yung mga sinabi si sir Aries kanina, parang hindi naman.
Ako na ang sumunod sa pila at nag order lang ako ng Mac & Cheese, Cheesecake, Large Fries, Burger and Milk. Walang eepal gutom ako!
Nag bayad ako at nagpasalamat kay ateng tindera bago maghanap ng uupuan, marami naman kaya lang gusto ko yung medyo sa sulok.
Nagtingin tingin pa ako at napangiti ako ng may makita akong pang dalawahan lang sa may gilid ng bintana, lumapit agad ako dito at umupo. Ang ganda ng view yung malaking field sa gitna ng university.
Sinimulan ko ng kumain at hindi naman nagtagal ay naubos ko din naman lahat ng binili ko. Hays. Grabe busog ko. Inuubos ko ang gatas na iniinom ko nang may biglang umupo sa harap ko. Automatic na umarko ang kilay ko lalo na ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
What the?! Pinipilit kong kunin ang kamay ko sa pagkakahawak niya ng bigla pa niyang higpitan. Argh! Sino ba to g*g*ng to!?
"What do you think you're doing and who are you?" Mahina pero may diin kong tanong sa kanya, ayokong mag eskandalo hangga't kaya pa ng maayos na usap go.
"I'll explain later just help me out first" Sabi niya at mukang kailangan niya nga talaga ng tulong pero bakit may hawak kamay pa?
"Babe! Please come back to me! I can't lose you again! I love you please come back to me" Sabi niya at may tumulo pa na luha sa mata niya.
Nakuha namin ang attention ng buong tao dito sa cafeteria.
Putragis! Ano ba pinagsasasabi nito? Anong babe? Kilala ko ba to sa past life ko? Ang tindi ng hinithit nito myghaaad!
Babe daw?
Hala? May gf na si tyrant?
Seryosong relationship? Pero di ba playboy yan?
Noooo! Not my baby! Huhuhu
What a b***h!
Grabe iniwan niya si tyrant? Hindi naman siya maganda muka pa nerd dahil sa salamin. Tsk!
Huh?! Hindi ko nga kilala to ungas na to! Ano ba naman to napasukan ko. Pilit kong nilalayo ang kamay ko sa kanya pero sadyang matigas ang bungo nito, hype talaga!
Third Person's Pov
Halos lahat ng tao sa cafeteria ay pinagbubulungan na sila. Hindi na mapakali si Sofia samantalang si Tyrant ay tuloy lang sa ginagawa niya.
Walanghiya! Sa isip isip ni Sofia. Pero mukang natutuwa pa ang ibang nakakakita, yung iba naiirita at yung iba wala lang.
Saktong pag lingon ni Sofia sa may pinto ng cafeteria ay ang pag pasok ng nagmamadaling si Marie.
Nakita niyang nakipagsiksikan pa ito sa crowd at tinitignan siya na parang sinasabing what-is-this-look at do-you-even-know-him-look nagkibit balikat lang si Sofia para iparating kay Marie na hindi niya alam kung anong nangyayari.
Magkaklase si Tyrant at Sofia, alam yun ni Tyrant dahil pag pasok pa lang nito sa classroom nila ay nakuha na kaagad ni Sofia ang atensyon ni Tyrant, Pero si Sofia ay walang kaalam-alam.
Tyrant Villaverde, he's 19 years old gwapo, matalino, hindi ganun katangkaran tama lang, PERO babaero, araw-araw papalit palit siya ng babae, hindi siya nagseseryoso sa pakikipag relasyon at kung bakit? Wala lang DAW. Isa si Tyrant sa mga notorious at maraming records sa last section, yes he's a playboy para sa kanya wala lang ang mga babae pero iba siya magalit pag
malapit na tao sa kanya ang kinanti mo.
"Cut it out Mr. Whoever you are it's not funny anymore!" Gigil na sabi ni Sofia konti na lang ay sasabog na siya sa hiya at inis.
Magsa salita pa lang sana si Tyrant ng biglang pumasok ang dahilan kung bakit ginagawa niya ito, wala siyang choice dahil kung hindi si Sofia ang kinuha niyang babae ay baka mas lalo siyang hindi makawala. Ganyan siya kabilib sa gwapo niyang muka.
"Babe please" Sabi ni Tyrant at parang nakikiusap ang mata niya kay Sofia.
Hindi na nagsalita si Sofia at iniisip kung ano ba tamang i-react sa mga sinasabi ng lalaki sa harap niya.
"Tyrant honey what is this?" Sabi ng isang babae na gulong gulo sa mga nangyayari sa harap niya.
Napatingin sila parehas sa babae at gusto na sanang umalis ni Sofia pero hindi siya binitawan ni Tyrant.
Tinignan ni Sofia ang babae mula ulo mukang paa--hanggang paa pala sorry. Hahaha! Masasabi niyang sobrang arte at ang kapal ng muka este make up niya sa muka.
"Trish--"Sabi ni Tyrant
"It's Shay" Sabi nung babae sa inis na way.
Napangiwi si Sofia dahil pangalan na lang nagkakamali pa itong lalaki sa harap niya.
"Shay look, my love here is already back and I love her so much. I can't lose her, so Shay I'm sorry, but I'm breaking up with you" Sabi ni Tyrant at sinamahan pa niya ng pagyuko para mukang kapanipaniwala.
"What?! No way! You're mine Tyrant and this b***h over here hindi ako naniniwala na gugustuhin mo ang ganyan klaseng babae" Sabi ni Shay at nginisihan pa si Sofia.
Halos nagpanting naman ang tenga ni Sofia sa narinig at nagulat naman ang mga tao sa paligid nila. Handa na sana niyang sigawan ang babae ng sumingit si Tyrant.
"What made you think that I'm not able to like her?" Seryosong tanong ni Tyrant sa kanya.
"Look at her she's not even beautiful, she's a nerd, boring and a b***h" Sabi ni Shay habang taas noo niya pa sinasabi ang mga ito.
Naiinis na si Sofia at hindi na niya kayang pigilan ang sarili niya ng biglang magsalita nanaman si Tyrant.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin pero hindi siya nito pinansin.
"Don't you dare insult her infront of me, she's beautiful inside and I don't care if she's a nerd and lastly she's not boring, she can make me smile effortless. Atleast she's simple and true to herself, unlike you" Seryosong sabi ni Tyrant at hinila na si Sofia para lumabas ng cafeteria.
Napasinghap ang lahat at hindi makapaniwala sa nakikita at naririnig nila kay Tyrant, alam nilang mabulaklak talaga ito mag salita pero iba itong nakikita nila ngayon.
Pero bago sila tuluyang makalabas ay binelatan ni Sofia si Shay na mas ikinainis niya.
gulat ang lahat except sa grupo ng last section na naka ngisi at napapailing.
****
Sofia's Pov
Pagkabitaw kaagad kanina ng lalaking ito ng kamay ko ay sinikmuraan ko na agad siya dahil sa ginawa at pinagsasabi niya.
"What was that for?!" Namimilipit na sabi niya.
"Huh! What was that for? Are you nuts?! For christsake! What did you do back there you womanizer?! Gagawa ka na lang ng kalokohan dinamay mo pa ko, e pwede naman ibang babae na lang!" Halos maputol na ang litid ko kakasigaw sa kanya.
Halata naman na natakot siya sa pagsigaw ko dahil napaatras siya at biglang namutla. Kainis!
"W-wait, relax. Mag e-explain ako" Sabi niya at umayos ng tayo pero nakahawak pa din siya sa tiyan niya.
Hinitay ko siyang mag explain na ginawa naman niya. His name is Tyrant Villaverde And I'm right womanizer nga 'tong mokong na 'to at yung Shay kanina ay ang flavor of the day niya kahapon kaya nakikipag hiwalay na siya kanina pa umaga, pero dahil nga head over heels sa kanya ang babae ay ayaw pumayag. Kaya pinalabas niyang ako ang matagal na niyang hinihintay na babae at mahal niya para magtigil na si Shay. Ako lang daw kasi ang babaeng alam niyang hindi niya magugustuhan, ang kapal noh? Akala mo kung sinong gwapo.
Grabe pa siya dun sa line niya kanina na "she's beautiful inside" hindi ko malaman kung compliment ba yun o parang ininsulto din niya ako e.
"Nalusutan mo nga problema mo sa baliw na yun pero ako naman dudumugin ng chismis! Inis talaga!" Sabi ko habang tinatapunan siya ng sapak at matatalim na tingin.
"A-araaaay! Aray! Wait!--hey! Edi kung gusto--aray! mo totohanin natin kahit dalawang araw lang payag na ko, ikaw pa pinakamatagal ko" Sabi niya at tinaas baba pa ang kilay.
I suddenly stop mid air dahil sa sinabi niya pero after no'n lalong naginit ang ulo ko, I punch him straight to his face at tinalikuran siya para umalis.
Pero bago yun humarap ako sa kanya na namimilipit pa din sa sakit at nginisihan siya.
"Quits na tayo" Sabi ko at iniwan siya do'n sumisigaw sa sakit.
G*g* ka kasi!