Nandito ako ngayon sa eskwelahan na papasukan ko at grabe ang laki. Nakakamangha lang parang yung laki ng Harvard University dinoble pa nila.
Buti na lang talaga at maaga akong nagising muka kasing maliligaw pa ko sa eskwelahan na to bago ko mahanap ang room ko. Tsk ang laki naman kasi!
Dumiretso muna ako sa Dean's Office para kunin ang schedule ko. Hays imbis sana na graduate na ako next month, na double backward pa ko. Argh!
Hindi naman ako nahirapan hanapin ang opisina ng dean dahil na din sa mapa na binigay sa'kin ni Marie. Yes. Dito din siya nag aaral, nasa star section nga lang.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto, nakita ko ang isang hindi katandaan lalaki na nakaupo sa harap ng lamesa, parang ka edad niya lang si papa? Nakatingin siya sa akin habang naka ngiti.
"Good morning, Ms. Vergara" bati niyan sa'kin na tinugon ko naman agad.
"Good morning din po sir" Sabi ko at minuwestra niya akong umupo sa couch sa harap niya.
Hindi maipagaakila na kahit may edad na ay hindi pa din kumukupas ang kakisigan at kagwapuhan ng dean namin. Grabe, parang siya pa nga ang may ari dahil sa itsura niya.
"Here's your schedule and by the way Ms.Vergara my name is Richard Andaluz you can call me tito if you want" Sabi niya sa akin habang naka ngiti. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tito?
Nahalata naman niya kaya ngumiti siya ng malapad. Adik ba to dean namin?
"Okay i know you're confused, Your father and I are bestfriends let's say i know who you really are." Napanga nga ako sa sinabi niya. What the f?!
Hanggang sa maalala ko ang sinabi sa akin ni mom kanina nung tumawag siya.
Flashback...
Kagigising ko lang at saktong tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa may bed side table ko. I didn't mind to check who's calling me.
"Bonjour" bati ko habang naka pikit.
(Hello princess)
Napadilat naman ako ng marinig ko ang boses ng tumawag.
"Mom? Why did you call?" Tanong ko at tumayo na sa kama ko. Nakita ko naman na ito pa din pala suot ko hanggang ngayon, hindi din ako nakakain, pero napansin kong ayos na din ang gamit ko.
(I just wanted to ask how are you?)
Halata sa boses ni mom na nag aalala siya.
"I'm fine mom, anyways need to hang up, I'm going to prepare it's my first day today." Sabi ko.
(Yeah sure baby, and Sophie no need to worry about your name kasi sariling name mo pa din naman ang gagamitin mo credentials mo lang naman ang binago namin , nakausap na din namin ang tito mo. Ingat baby on your first day we love you bye)
After that she hang up. Tito? Sino? Nagkibit balikat na lang ako and i decided to get my towel to take a bath nanlalagkit na din kasi ako.
End of flashback...
Nabalik lang ako sa katinuan when he snap his fingers infront of me. Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.
"Ahm, t-thank you po Mr.Andaluz" Sabi ko tinaasan naman niya ko ng kilay na parang sinasabing may mali akong nasabi.
Aish! Stupid Sofia!
"A-ah I mean t-tito" Sabi ko at ngumiti naman siya. Tumayo na ko at nagpaalam para dumiretso na sa Classroom ko.
Nakalabas na ako ng opisina ng may pumasok sa isip ko. Kumatok ulit ako at dumungaw nakita ko naman siya na parang naghahanda na din umalis.
"Yes sofia? Did you forgot something?" Tanong niya sa akin.
"Ahm tito can i ask something? Are you the dean?" Tanong ko at nakarinig ako sa kanya ng mahinang tawa.
"Actually Sofia no, I'm the owner of this school pumunta lang talaga ako to personally meet you, si Mr.West talaga ang dean" Sabi niya at napatango na lang. Sumabay naman sya sa akin sa paglalakad.
"Sofia iha, sorry ha" Sabi niya.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit po?" Tanong ko.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Last section ka kasi nalagay , I actually did everything kaya lang yung board of directors hindi pumayag dahil sa mga records ng ate mo although her grades is good, yung records lang niya talaga" paliwanag ni tito Richard sa akin at akala mo pasan pasan na ang mundo.
Nginitian ko siya ng malapad "Okay lang naman po yun" Sabi ko at nginitian niya lang din ako.
Nakarating kami sa harap ng gate at nagpaalam na siya dahil may meeting pa daw siya. I bid my goodbye to him bago dumiretso sa classroom ko.
Narating ko naman agad ang building namin at ang tahimik na ng hallway dahil na din siguro nag umpisa na ang klase, tinignan ko ang wrist watch ko at napamura na lang ako sa isip ko it's already 8:05AM great! First day, first late.
Nalampasan ko na ang ibang classroom at nakita kong bawat daan ko ay napapatingin sila sa'kin, anong meron?
Glass window kasi ang bawat classroom kaya talagang kitang kita pag may dumadaan, habang papalapit ako ng papalapit ay naririnig ko din ang ingay, huminto ako sa room 6 at dito nang gagaling ang ingay?
What's happening?
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at buksan ang pinto na sana hindi ko na lang ginawa.
Shock is written all over my face, what the! Ano to? Jungle ba to o classroom?! Tinignan ko ulit yung room number ko pati na din ang nakapaskil na number sa taas.
Hindi nga ako nagkamali, so ito ang classroom ako? great!
----
Nakatayo pa din ako sa may pinto, hindi pa din ako makapaniwala na ganito ang room ko for the whole school year, alam ko naman na last section ako pero hindi ko inaasahan na ganito ang makikita ko. Sobrang malala mga dude!
Nawala ako sa pag iisip ng may mag landing na bagay sa muka ko at nasabayan ng malalakas na tawanan.
Kinuha ko yung bagay na tumama sa muka ko at talagang nag stay siya do'n pagtingin ko ay nagsalubong ang kilay ko, what the actual s**t! Medyas? Hindi lang medyas, kung hindi sobrang duming medyas siya mga dude!
Tinignan ko sila na hindi pa din tumitigil sa pagtawa. Sobrang saya ha. Huminga na lang ako ng malalim before i clear my throat, relax Sofia wag ka magpadala sa inis mo.
"Excuse me, is this the last section?" Magalang kong tanong kahit alam ko na ang sagot, I just wanted to make sure.
Walang pumansin sa akin at bumalik sila sa mga ginagawa nila, may nag uusap, kumakain, naglalaro, nagvavandalism (bawal yun ha!), Naglalaro ng bola at may natutulog. Seriously? Wala ba kaming professor?
"Yes this is the last section" napalingon ako sa gilid ko and i think i saw an angel. Ang gwapo niya--ay! Erase ang harot ha!
"Excuse me?" Tanong ko.
He smile and he lend his hand for a shake hands. "Hi, I'm Joaquin Medina, President of star section and VP of Student Council" pagpapakilala nito.
Mabait siya pero wait, president? star section? VP? E anong ginagawa niya dito?
"Im walking just to check every classroom, ako muna kasi ang inatasan na magpa patrol since VP din naman ako ng Student Council wala pa kasi yung SC President ng school na siya talaga gumagawa nito, sakto naman narinig ko ang tinanong mo at mukang wala din silang balak sumagot." Sabi niya at napatawa ng mahina. Narinig niya ba nasa isip ko?
"Hahaha it's obviously written on your face lady" Sabi nito
Napatango na lang ako ng marahan dahil sa sinabi niya. "I'm Sofia and t-thank you" Sabi ko but he let out a chuckle. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"You're cute, sige na pumasok ka na" Sabi nito na ikinatango ko na lang.
Papasok na sana ako para maghanap ng upuan ng tawagin niya ulit ako.
"Ahm, goodluck" yun lang at umalis na din siya. Para saan ang goodluck niya?
I shrugged and find a chair ang sakit na ng paa ko kakalakad. Nakita ko naman maayos ang mga upuan except na lang talaga sa mga kalat at vandal sa room na to, mukang matagal ng hindi nalilinis dahil may mga agiw at grabe alikabok ang nakikita ko.
Nakakita ako ng bakanteng upuan malapit sa bintana pangatlong hanay lumapit ako dito at napansin may mga katabi pala ako, yung iba naka ngisi... Anong meron?
Hindi ko na lang pinansin at nilagay ang bag ko sa upuan saktong pag upo ko ay nakita kong nagpipigil sila ng tawa , meron naman ang talas ng tingin sa'kin na akala mo papatayin ako, yung iba naka ngisi. What's with them?
Gumalaw ako para sana kunin ang binder at ballpen ko na sana hindi ko na lang ginawa, sana naging steady na lang ako sa pag upo ko at hindi na gumalaw.
Craaaaack!
Ang bilis ng pangyayari natagpuan ko na lang yung sarili kong nasa sahig at sira na ang upuan ko, tanginis!
Hahahaha! Did you see that? Epic!
Yeah! Hahaha-ang galing talaga ni hahaha marion!
Poor baby hahahaha!
Stupid! Haha
Laughter field's the room, yung iba naglulupasay pa kakatawa. Punyeta! Mauulit nanaman ba ang dati? Naramdaman kong nagtu tubig ang mata ko, ayoko na dito, pero naisip ko si ate hays! Tumayo ako at iwinaksi ang nararamdaman kong sakit ng katawan at ang nagtutubig kong mata.
Tinignan ko ang upuan ko at nakita kong pilay pala ang dalawang paa nito itinayo lang ng maayos, tinignan ko silang lahat at napailing, ayoko ng gulo. Imbis na sigawan sila ay naghanap na lang ako ng maayos na upuan at doon naupo sa sulok.
Parang walang nangyari at nagtuloy tuloy lang sila sa pag iingay, ganito ba talaga dito sa room na to? Kailangan ba pag last section ganito inaasta?
I doubt it
Dahil sa pinang galingan kong school kahit last section ay disiplinado, pero dito bakit parang pinababayaan sila?
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking makisig pero mahahalata mong may edad na, may itsura din naman siya.
Dumiretso siya sa harap at halos lahat kami ay nagreklamo sa ginawa niya, yung white board marker ay idinikit niya sa board at gumawa ito ng ingay na hindi masarap sa tenga. Lintek!
Nakakailang profanity words na ba ako sa araw na to? Hindi ko na mabilang...
"Better! Edi tumahimik kayong lahat" Sabi niya at ngumisi.
Nakita ko naman nagsibalikan na sila sa mga respective seats nila, sino ba siya? Bakit parang takot to mga ito sa kanya?
"Okay class let's start--" napatigil siya ng makita ako dito sa sulok at nakatingin sa kanya. So he's a professor?
"Miss? Are you belong to my class?" Tanong niya kaya tumayo ako at tumango.
I see that he's shock, why?
"Can you kindly introduce yourself here infront" Sabi niya at sinunod na lang siya kahit ito ang pinaka ayaw kong ginagawa.
Pagharap ko pa lang ay yung iba naka ngisi, masama ang tingin sa'kin at may namamangha, bwiset kanina halos patayin ako nitong mga to. Paano na lang pala kung nadislocate yung buto ko. Mga gago 'tong mga to!
"My name is Sofia Althea Vergara, nice to meet you all" Sabi ko at humarap sa prof ko para sabihin okay na.
Halatang naguguluhan pa din siya, nakita ko din tinitignan niya ang isang folder na hawak niya.
He look at me and smile, pinabalik na niya ako sa upuan ko.
Pero paglakad ko sa harap niya hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi niya.
"Why did they let a girl entered this section eventho she has a lot of records in her past school?"