CHAPTER 42 (Kyle’s POV) May mga gabing kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, siya pa rin ‘yung nasa isip ko. Hindi equations, hindi formulas — kundi ‘yung ngiti niya noong tinanggap niya ‘yung test paper niya kanina sa university. “Sir, ang galing ko, oh!” Her voice keeps replaying like a damn song stuck in my head. Nakatayo siya sa hallway, hawak-hawak ‘yung papel na may malaking 94% sa itaas. Nakangiti nang sobra, parang batang nakakuha ng candy after crying. At ako? Doon ko lang naramdaman na hindi lang siya simpleng estudyante ko. She made me proud in a way that scared me. “Good job,” sabi ko lang noon, pilit kalmado, kahit gusto ko sanang sabihin “I told you you’re brilliant.” Pero tutor ako. May linya. May hangganan. At kahit gano’n kalakas ‘yung tukso, pinili kong

