(POV: Xena) Minsan, mas nakakabaliw ‘yong mga bagay na hindi sinasabi kaysa sa mga lantaran mong naririnig. At ngayong gabi, parang lahat ng tahimik na tingin ni Kyle ay mas malakas pa kaysa sa kahit anong sermon niya. Akala ko kagabi makakatulog ako nang mahimbing. Pero mali ako. Kasi simula nang mahuli niya akong walang maipalusot tungkol sa notebook ko—the notebook, a.k.a. my biggest humiliation-s***h-guilty-pleasure—hindi na ako mapakali. Lalo na kanina, habang nakaupo kami sa mesa at kunwari nag-aaral ng calculus, hindi siya nagsalita ng kahit ano tungkol sa nakita niya. Walang direktang banggit. Walang tinukoy. Pero ramdam kong alam niya. And worse? Ramdam kong hindi niya nalilimutan. “Focus,” sabi niya kanina habang inaabot sa akin ang lapis. Pero sa totoo lang, siya ang hind

