Danger Alert

885 Words
(Kyle’s POV) Kung tutuusin, hindi ako madaling ma-distract. I grew up learning how to focus kasi kung hindi, wala ako rito ngayon. Hindi ako makikilala sa pagiging professor kung nagpadala ako sa ingay ng mundo. Anak lang ako ng isang utility worker sa isa sa mga hotel na pag-aari ng pamilya nila Voltaire. I had to earn everything—grades, scholarship, recognition,hanggang naging professor. Walang libre. Kaya noong sinabi ng department head na may special request si Mr. Voltaire para sa top professor na dating scholar ng company nila na maging tutor ng kanyang unica hija, akala ko simpleng trabaho lang. Sagot sa bills, dagdag allowance, at magandang line sa resume. Who wouldn’t grab that? Pero hindi ako handa sa realidad. Hindi ako handa sa kanya. Xena Voltaire. Her four letter first name didn't look simple as I unraveled the indept her. The heiress. The spoiled princess. The girl who sat across me kanina na parang sanay na sanay na lahat ng tao umiikot sa kanya. She was everything I tried to avoid—loud, entitled, reckless. At the same time, she was everything that shook me. Kasi habang nagbabasa siya kanina, pretending na interested sa economics, nahuli ko ’yong tingin niya sa akin. Hindi tipong pang-bully. Hindi rin tipong pang-judge. It was… curious. Hungry. As if she was trying to decode me the way I usually decode equations. At doon ako nadisrupt. Pagkatapos ng session, naglakad ako palabas ng study room nila, pilit steady ang hakbang ko. Pero inside, nagngangalit na lahat ng alarms ko. “Focus, Kyle. She’s just another student. Another job.” Pero hindi ako makakalimot kung paano siya nag-lean closer, halos sumayad ang hininga niya sa balat ko, habang binubulong: “Three minutes? Kaya kong buong gabi, Kyle.” Damn it. Nadama ko pa rin hanggang ngayon ang init ng hininga niya. At ayoko man aminin, nayanig ako. Kinabukasan, bumalik ako sa mansion nila. Hindi na ako nagulat na may tatlong staff na nagbukas ng pinto, na para bang ako pa ang bisita ng president. Sanay na ako sa mundo ng mga mayayaman—nakikita ko ’to araw-araw sa hotel lobby kung saan utility worker si Papa. Pero iba kapag ako na mismo ang nasa loob. At lalo pang iba kapag siya ang nandoon. Xena was sprawled sa velvet couch ng study room, naka-pajama shorts at oversized hoodie, parang wala lang. Mukha siyang hindi heiress kundi college girl na nagpapa-cute lang. Pero kahit anong suot niya, she radiated presence. Nang makita niya ako, ngumisi siya. “Wow, punctual today. Did you set an alarm just for me?” Napairap ako. “Or maybe I just don’t like wasting time.” She clutched her chest dramatically. “Aray. Always with the stab.” Hindi ko pinansin. Binuksan ko agad ang mga notes ko. “Let’s continue where we left off. Economics, Chapter 3.” “Boring,” reklamo niya, rolling her eyes. “Necessary,” sagot ko. “You’re no fun.” “I’m not here to be fun.” Tumingin siya sa akin, nakangiti. “Then what are you here for, Kyle?” Doon ako napatigil. Kasi ang hirap sagutin nang hindi nagso-sound na defensive. I cleared my throat, shifting sa seat. “I’m here to make sure you pass. That’s it.” Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi lang iyon. Hindi ko alam bakit, pero simula kahapon, parang ako na ang napapasa-exam sa presensya niya. Nagpatuloy ang lesson, pero wala akong peace of mind. Every time she leaned over para tingnan ang notes, nararamdaman ko ang init ng braso niya sa tabi ko. Every time tumatawa siya, kahit sarcastic, parang may kuryente na dumadaan sa spine ko. At hindi ko dapat maramdaman ’yon. Professor ako. Tutor. Siya ang anak ng employer. May mundo sa pagitan namin. Pero bakit parang unti-unti akong hinihila ng orbit niya? “You know,” sabi niya bigla habang sinusulat ko ang formula sa whiteboard, “I still think you’re distracting.” Lumingon ako. “Excuse me?” Ngumisi siya, nilalaro ang ballpen. “Kanina pa ako nakatingin sa mukha mo instead of my notes. I think ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako maka-focus.” Hindi ko alam kung paano ko napigilan ang mapalunok. She said it so casually, pero ang epekto sa akin hindi casual. “You should focus on the lesson, not on me,” sagot ko, straight face. Pero inside, parang gusto kong lumayo at sabay lapit. “Maybe the lesson is you.” Napahinto ako sa pagsusulat. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ’yon—’yong simpleng salita niya, parang stab sa dibdib ko. Hindi masakit, pero malalim ang tama. “You’re playing a dangerous game, Xena.” She leaned forward, chin resting on her hand. “And what if I like danger?” Putang— Nag-exhale ako ng malalim, pilit na kinokontrol ang sarili ko. Focus, Kyle. Hindi ka pwedeng bumigay. By the end of the session, hindi ko na alam kung sino ba talaga ang tinuturuan ko. Siya ba, o ako? I walked out of the mansion again, pero unlike kahapon, mas mabigat ang dibdib ko. Kasi kahit anong pilit kong sabihing trabaho lang ’to, hindi ko na ma-deny: She got under my skin. And the worst part? I wasn’t sure if I wanted her out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD