(Xena’s POV)
Kung may sport sa mundo na “maghanap ng butas para hindi mag-aral,” gold medalist na ako. Walang makakatalo. Olympic level. At kung may mas competitive pa diyan, baka ako na rin ang coach.
Pero unfortunately, may kalaban na akong hindi ko inaasahan: ang walking encyclopedia na si Kyle De Vera.
Tatlong araw pa lang siyang pumapasok sa mansion para magturo, pero feeling ko nagka-dagdag subject ako na mas mahirap pa sa calculus. Subject title: How to Annoy and Survive My Tutor 101.
Kanina pa siya nagsasalita sa harap ko, pointing at charts and notes na parang nasa TED Talk. Ako naman, nakahiga sa velvet couch, nakatabon ng pillow sa mukha, at kunyaring walang naririnig.
“Xena,” boses niyang malamig, parang alarm clock na ayaw tumigil. “Read this paragraph aloud.”
Nag-muffle ako sa unan. “Di ko naririnig.”
“Alam kong naririnig mo. Get up.”
Nagtili ako ng kaunti. “Ugh, you sound like my dad!”
Nilingon niya ako, deadpan expression. “Then maybe that’s why he hired me.”
Nag-peek ako mula sa unan, nilingon siya. “So what, tutor ka ba o replacement dad?”
Tumaas lang kilay niya, walang reaksyon. Nakakainis.
“Fine,” sabi ko, umupo ako bigla. “Pero magbabasa lang ako kung may incentive.”
Napatingin siya mula sa notes. “Incentive?”
“Yeah. Like, every paragraph I finish, you have to…” nag-isip ako sandali, then biglang ngisi, “smile.”
Hindi siya kumibo.
“I mean it,” dagdag ko. “Smile. Hindi ’yung konting ngisi lang ha. Yung full-blown, teeth-and-all smile.”
“Ridiculous.”
“Motivational!”
Napailing siya, parang pinipigilan matawa. Pero tumalikod ulit sa board. “Read.”
So I did. With exaggerated dramatic voice pa, parang nag-audition sa theater. “In the economy of scale, when the production increases—blah, blah, blah—profits grow like mushrooms after the rain.”
Tumawa ako sa sarili kong version. “O, diba mas fun?”
“Completely wrong,” sagot niya, wala man lang crack ng amusement.
Napamewang ako. “Come on, you didn’t even try to enjoy that.”
He finally looked at me, serious face pa rin. “Because studying isn’t meant to be a comedy show, Xena.”
Nag-pout ako. “Then maybe that’s why you’re so boring.”
At doon siya tumigil, napatingin sa akin nang diretso. Hindi galit, hindi rin amused. Just… steady. And then he said it:
“You’re not bored, Xena. You’re lazy.”
Wait.
Did this man just—
“EXCUSE ME?” halos lumipad ako sa couch. “L-Lazy? Ako?!”
“Yes,” sagot niya calmly, parang nagde-deliver lang ng weather report. “You have the capacity to learn. You just choose not to.”
“Oh wow. Genius ka nga. Professor ka nga. Pero newsflash, Kyle—maybe hindi lahat ng tao tulad mo na walang buhay at puro libro lang!”
Tumahimik siya. Nanood lang. At dahil hindi siya sumasagot, lalo akong na-trigger.
“You think you’re better than me just because top professor ka? Hello, ako lang naman ang dahilan bakit may hotel ang tatay mong pinapasukan ng mo!”
Shit. The words slipped out before I could stop them.
Tahimik. Walang nagsalita ng ilang segundo. Ramdam ko agad na mali ang tono ko.
Pero imbes na magalit, he just looked down sa notes niya. His jaw was tight.
“You’re right,” mahina niyang sabi. “Hindi tayo magkapantay.”
At doon ako natigilan. Kasi hindi niya sinabi with arrogance. Hindi niya sinabi with pride. He said it like a fact he’s used to carrying.
Bigla akong nahiya. Kasi habang ako, nagra-rant tungkol sa pagiging heiress, siya pala… mas malalim ang pinanggagalingan.
Kaya para i-defuse ang awkward, umarte ako.
Nagkunwari akong lalapit, kunot-noo pa. “Fine. Maybe lazy nga ako. Pero alam mo ba kung bakit?”
Tumingin siya, clearly hindi sanay sa ganito.
“Because no one ever challenged me,” sabi ko softly, pero may ngisi pa rin. “Until you.”
Napatigil siya.
At first, I thought dedma lang ulit. Pero then, nakita ko kung paano kumurap ang mata niya, mabilis at hindi sanay. Parang may nasabi akong hindi niya ine-expect.
So I grinned. “See? You’re not just my tutor. You’re my rival now.”
“Rival?” ulit niya, halatang hindi convinced.
“Yup. You call me lazy, I’ll prove you wrong. Pero warning, Kyle—when I win, you’ll have to admit na hindi ako hopeless.”
Nag-cross arms siya, finally may maliit na ngiti. Barely there, pero nakita ko. “And when you lose?”
Naglean ako closer, chin up. “Then maybe I’ll let you keep calling me lazy.”
At doon, for the first time, parang nag-snap ang tension. Hindi na ito basta tutor-student. Hindi na ito simpleng heiress and tutor.
Ito na ang simula ng laro.