(Kyle’s POV)
May mali talaga sa akin.
Kung normal akong tao, dapat hindi ko iniisip yung nabasa ko kahapon sa notebook niya. Dapat wala lang. Silly scribbles ng spoiled heiress na ayaw mag-aral.
Pero simula kagabi hanggang kaninang umaga, iyon lang iniikot-ikot ng utak ko.
The strict tutor who doesn’t know he’s already the villain and the hero of my story.
Villain. Hero. Both.
Hindi ko alam kung paano niya naisip ‘yon. Pero ang alam ko, hindi ko dapat iniisip pa.
Pagpasok ko ngayon sa study room, halos automatic na pinigilan ko ang sarili ko na tignan siya.
Pero tangina, ang hirap.
She was already there, legs up sa chair, hawak yung iced latte niya. Naka-pink cropped hoodie, messy bun, no effort pero… nakaka-distract.
“Morning, Mr. Poker Face,” bati niya, ngiting parang may alam.
“Morning,” sagot ko, walang emosyon.
Nag-set up ako ng notes, nag-open ng laptop. All business. All straight lines. Walang deviation.
Kailangan.
Pero the moment nagsimula ako mag-discuss, doon ko napansin.
Yung tingin niya.
Hindi lang basta nakikinig. Hindi rin blank stare. Iba.
Para bang ini-scan niya ako. Like she was memorizing my face, my movements, my every word.
At tangina, ramdam ko talaga.
“Xena,” tawag ko after ilang minuto. “Focus on the lesson, not on me.”
Napangiti siya. “E di focus ako sa both.”
I froze. “Excuse me?”
Tumawa siya softly, leaning her chin sa kamay niya. “Relax, Mr. Genius. I’m listening. Kaya lang… mas interesting ka kesa sa graphs.”
Napakagat ako sa loob ng pisngi. “This is not a joke.”
“I’m not joking.” She tilted her head. “You’re just fun to look at. Para kang walking mystery novel.”
“Xena.” Tinawag ko ulit, this time mas matalim. “Stop.”
Pero imbes na matakot, ngumisi siya lalo. “Why? Naiilang ka ba?”
God. Bakit parang siya pa ang may hawak ng control?
Tinuloy ko na lang lesson. Pero kahit anong pilit kong tumingin sa libro, ramdam ko yung tingin niya. Hindi siya nawawala. Para akong sinusunog ng mga mata niya.
At the worst part? Alam kong hindi ako immune.
Why does she look at me like that?
I’m her tutor. Nothing more. Dapat nothing more.
Pero kapag ganyan siya tumingin, parang ako ‘yung sinusulit niyang paboritong subject.
“Mr. Serious?”
Napatingin ako sa kanya. She was smiling, soft this time. Hindi mockery, hindi tease. Parang genuine.
“You know what’s funny?” she said. “Every time I stare at you, parang mas lalo kitang gustong i-draw or i-sulat.”
“Xena—”
“I mean it. You’re… annoying, but in a way na nakaka-addict. Gets mo?”
Hindi ako nakasagot.
Kasi hindi ko pwedeng aminin, pero gets ko.
Sinubukan kong ibalik ang focus. Nagbigay ako ng equation, pinasagot ko siya. Kahit paano, gumana. Sumagot siya nang tama. Halatang nag-e-effort.
Pero habang nagsusulat siya sa notebook niya, napansin ko: hindi lahat ng words ay pang-lesson.
Nag-doodle siya ulit. And I saw my initials. My name.
“Xena.”
“Yes?”
“You’re doing it again.”
She blinked innocently. “Doing what?”
“Writing about me.”
She smirked. “So you admit you looked.”
Damn. Na-trap na naman ako.
Napalayo ako sandali, huminga nang malalim.
Inside, chaos. Kasi the truth? Hindi lang ako nagulat. Hindi lang ako nainis.
Part of me… liked it.
Liked the idea na sa dami ng bagay na pwedeng mag-occupy ng utak niya, ako ‘yung sinusulat niya. Ako ‘yung ginagawan niya ng kwento.
Pero hindi pwede. Hindi dapat.
“Stop staring,” bulong ko nang hindi ko namalayang lumabas sa bibig ko.
“What if ayoko?” sagot niya agad.
Our eyes met. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero ang lapit namin bigla. Too close.
For a second, nakalimutan ko kung bakit ako nandito. Nakalimutan ko lahat ng rules, lahat ng bawal.
“Xena…”
“Hmm?” she whispered.
That was it. Lumayo ako bigla, tumayo. “Break time.”
Habang nakatalikod ako, pinikit ko ang mga mata ko.
Get yourself together, Kyle.
Hindi siya game. Hindi siya project. Hindi siya dapat obsession.
Pero bakit, sa bawat tingin niya, pakiramdam ko ako ang sinusulat niyang story… at unti-unti, gusto ko na ring mabuhay sa mundo nun?