(Kyle’s POV) Hindi ko alam. Pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin kayang ipikit ang mga mata ko. Kanina lang, ang lakas ng loob niyang magpatawa, magbiro, magpangiti. Pero ngayong nakaidlip siya dahil sa kapagyran siguro sa lesson, para siyang ibang tao. Mahina. Makalumanay. At sobrang… totoo. Nilapitan ko siya nang dahan-dahan, halos walang ingay ang bawat hakbang. Huminga ako nang malalim. Lumalapit ako sa panganib, alam ko ‘yon. Pero sa bawat segundo, mas lumalalim ‘yung hatak niya sa’kin — parang gravity na hindi ko kayang labanan. Lumuhod ako sa tabi niya. Tinitigan ko ‘yung mukha niya, ‘yung pilik-mata niyang mahaba, at ‘yung liwanag ng lamp na dahan-dahang tumatama sa balat niya. Shet. Ang ganda niya. At ang tahimik niyang ganda ‘yung klase na sumisig

