Equation Not Emotion (Xena’s POV) Alas siyete na ng umaga, pero pakiramdam ko parang gising pa rin ako sa kahapon. Hindi ako nakatulog nang maayos—hindi dahil sa assignment, kundi dahil sa isang linya. Isang linyang paulit-ulit kong naririnig sa ulo ko. > “Hindi ako lumalapit dahil gusto kong tumingin. Lumalapit ako kasi hindi ko na kayang umiwas.” Gano’n niya sinabi ‘yon kagabi. Mabagal. Buo. Parang bawat salita, may bigat, may intensyon. At ako? Nakatitig lang, para bang nahipnotismo. Ngayon, habang nasa campus ako, pilit kong inaayos ang sarili ko. Naka-bun, oversized hoodie, at may iced coffee sa kamay—lahat ng Gen Z essentials para magmukhang chill kahit gulo-gulo na sa loob. “Girl, hindi ka nagre-reply kagabi ah,” sabi ni Mara, sabay lapag ng bag sa katabing upuan. “May n

