POV: Xena Kung may award lang para sa “Most Embarrassed Human Being of the Year,” panalo na ‘ko. As in, walang kalaban-laban. Buong gabi akong nagpaikot-ikot sa kama — hindi dahil sa kape, hindi dahil sa ulan, kundi dahil sa isang lalaki na apparently ay nagbasa ng lahat ng sinusulat kong dapat sana ay mananatili sa fictional realm only. Pero hindi. Si Kyle kasi, kailangan niyang maging overachiever kahit sa pang-iistorbo ng peace of mind ko. He said he’ll keep it. Well, guess what? My sanity went with it. Pagpasok ko sa study room kinabukasan, parang gusto ko nang mag-drop out. Pero he’s already there — maaga as usual — tahimik, seryoso, at nakasandal sa upuan habang nagbabasa ng… notebook ko. Again. “Good morning,” sabi ko, trying so hard na mag-sound normal kahit gusto ko nan

