POV: Xena Kung may medalya lang sa pagda-drama habang nagre-review, panalo na sana ako. Pero heto ako ngayon, nakaupo sa gilid ng study lounge ng hotel campus namin, hawak ang isang lapis na kinagat ko na ng tatlong beses, at nakatingin sa mga formula ni Kyle na parang ibang language. Bakit ba kasi kailangan pang sobrang hirap ng math na ‘to? Pero more than that, bakit ba kasi siya pa ‘yong tutor ko? Kasi every time na nandito siya sa harap ko, parang nagiging blur lahat. Hindi ko na alam kung ang sinusulat ko ay equation o pangalan niya. Napasinghap ako at pinilit i-focus ang sarili ko sa notebook. Pero gaya ng dati, hindi numbers ang nakikita ko kundi ang mga mata niya. At ngayon pa, pagkatapos ng lahat ng nangyari last week—nahulog ‘yong notebook ko, muntik niyang mabasa, nahuli n

