POV: Kyle Hindi ako madaling ma-distract. Lalo na sa klase. Ever since, ako ‘yong tipo ng estudyante na kahit maingay ang buong room, kaya kong i-filter lahat. Numbers, formulas, deadlines—iyon ang mundo ko. Organized. Predictable. Pero nitong mga nakaraang linggo, parang may kumikiskis na kakaibang ingay sa ulo ko. At ang pangalan ng ingay na iyon? Xena. Una ko lang napansin na laging siyang may sinusulat. Hindi simpleng notes, hindi rin mukhang lecture review. Kasi kung review iyon, edi sana pumapasa siya sa exams ko. Pero hindi—bagsak siya palagi. At the same time, hindi ko alam kung tanga ba siya o sobrang tapang—kasi obvious na obvious na ako ang sinusulat niya. One time, nahuli ko siyang nakayuko sa desk niya, halos nakadikit na ang ilong sa notebook, ngumingiti mag-isa. Tapos,

