bc

The Lost Princess of Solaria

book_age4+
3
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
drama
twisted
royal
secrets
self discover
poor to rich
school
weak to strong
humiliated
like
intro-logo
Blurb

Solaria is a filthy rich , big and strong empire. The empire is a happy and peaceful place not until the princess of the Kingdom got lost the day after the Queen gave birth. The King and Queen did all they can to find their daughter but they still did'nt see her. Many years had passed and they decided to give up and just accepted that their daughter is already dead.

On the other hand , Saira Carinne is a poor girl living in the poverty line of the kingdom. She work hard for her mother that is sick, for her studies and for her medicine. Even though she's pretty and smart she still suffering a lot because of being poor. In morning she needs to take care of her mother and go to to school and in afternoon till night working on a café near the university. Until one day she became a scholar in the academy owned by the Empress and The Emperor of Solaria Empire. The prestigious school of Solaria Empire , the Solaria Memorial University, were the scholars students get belittled by the students that came from rich families. But what if the poor girls lofe go upside down when she'll discover something about her life. That she is the Lost Princess of Solaria Empire.

Princess Alethea Zianne Le Grants-Dela Croix of the Solaria Empire.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nagising ako ng marinig mula sa labas ang pagtilaok ng mga manok ni tatay at ng aming mga kapitbahay. Ala-sais na ng umaga at kailangan ko ng magluto ng almusal at maglinis ng bahay. Nasa tabi ko ay natutulog pa ring ang aking nanay. Si Inay ay may kayumangging balat at itim na buhok at itim na mga mata.Hinalikan ko siya sa noo at bumangon na upang magluto. Paglabas ko sa aming maliit na kwarto ay nadatnan ko si Tatay na galing sa aming kusina at may hawak na patuka ng mga manok. Si Itay ay maputi at kulay kayumanggi ang kanyang buhok at mga mata na namana niya sa kaniyang tatay na aking lolo. Ang sabi ni Itay ay galing siya sa isang mayamang pamilya ngunit ng malaman ng kaniyang mga magulang na karelasyon niya si Inay ay nagalit ang mga ito at pinapili siya kung hihiwalayan niya si Inay o itatakwil siya ng mga ito. Pinili ni Itay si Inay dahil mahal na mahal niya ito kaya naman itinakwil siya ng kanyang mga magulang at nabuhay kasama si Inay rito sa aming lugar. " Magandang umaga, Anak. Tulog pa rin ba ang iyong inay?." sambit niya pagkakita sa akin. Nginitian ko muna siya bago sumagot. " Opo Itay , magluluto na po ako ng almusal." dumiretso na ako sa kusina upang magluto. Lumabas naman si Itay para asikasuhin ang kaniyang mga alagang manok sa may bakuran. Maliit lamang ang aming tahanang barong-barong ngunit kahit ganoon ay malinis naman ito at masaya pa rin kaming pamilya. Kahit mahirap ay kinakaya namin at dinadaan na lang sa pagngiti at pagtawa ang lahat ng mga problema. Matapos maghanda ng almusal ay tinawag ko na si Itay upang mag almusal pagkatapos ay nagdala ng pagkain sa aming kuwarto upang gisingin at pakainin si Inay. Pagpasok sa aming silid ay nakita ko siyang gising na at nakaupo sa kama. Siya ay namamayat at namumtla ngunit kahit ganoon ay maaliwalas ang kaniyang mukha. " Magandang umaga , Inay. Mag almusal na ho kayo." Inilapag ko sa kama ang kaniyang mga pagkain. Ito ay nilagang itlog, tuyo , kamatis, kanin at gatas. Sa gilid ng tray ay ang kanyang gamot at isang baso na may lamang tubig. Ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat. " Magandang umaga rin Anak at salamat. Maghanda ka na sa pagpasok mo sa eskwela at huwag mo na akong alalahanin pa ang tatay mo na ang bahala sa pagliligpit ng pinagkainan ko." malumanay na sambit niya. " Oho." sagot ko sa kanya at lumabas ng muli upang maligo at maghanda sa pagpasok. Paglabas ko ay nakita ko si Tatay na tapos ng kumain at muling lumabas upang maglinis sa bakuran. Pumunta na ako sa aming banyo at naligo, doon na rin ako nagbihis. Kulay asul ang aking coat na mayroong bulsa sa magkablilaan ng bewang na may kulay puting guhit sa mga bulsa at kwelyo na nakapatong sa puting longsleeve na may asul na ribbon, kulay asul ang aking palda na may dalawang puting guhit sa dulo na hanggang gitna ng hita ang haba at puting medyas na hanggang tuhod at itim na flat shoes. Pagkatapos magbihis ay dumampot ako ng suklay at salamin. Bumungad sa salamin ang aking mukha. Mula sa aking manipis na kilay , ang aking mga mata na magkaiba ng kulay ang kanan ay kulay asul at ang kabila naman ay kulay berde, matangos na ilong , manipis na mapulang labi at maputing mukha. Sinuklay ko ang aking kulay mais na buhok hanggang sa matanggal ang mga buhol nito at nagpabango. Nang matapos ay kinuha ko na ang aking bag at I.D na nasa kwarto. Dumaan ako sa kusina at kinuha ang aking baunang inihanda na may lamang nilagang itlog, tuyo, kamatis at kanin. Matapos ay lumabas na at nagpaalam kay Itay. " Itay aalis na po ako pakisabi na lang kay Inay." sigaw ko kay Itay bago lumabas sa aming bahay. " Mag-ingat ka." pabalik na sigaw niya habang nililinis ang kulungan ng kaniyang mga manok. Naglakad na ako palayo sa aming bahay. Nadadaanan ko ang aming mga kapitbahay na binabati ako ng 'magandang umaga'. " Magandang umaga sa iyo Saira." pagbati sa aking ni Aling Soleng habang nagbubukas ng kanyang munting tindahan. " Magandang umaga rin ho, Aling Soleng. " pagbati ko rin dito at nagpatulo na sa paglalakad. Umagang-umaga ay napakaingay na sa aming lugar dahil maagang nagigising ang mga tao rito upang magtrabaho. Ala-site na ng umaga kaya marami ng tambay ang nakapuwesto sa mga kanto at gilid ng kalsada. Natanaw ko pa sila Otep at nasa tabi niya sina Mikoy at Teban sa may kanto sa labasan na nakuniporme. Nag-aaral rin sila sa isang pampublikong paaralan malapit sa aming lugar. " Good Morning Sai." nakangiting pagbati nito sa akin. " Morning din. Papasok na kayo?" tanong ko dahil nakatambay pa sila rito. Nakasuot siya ng puting longsleeve at itim na pantalon na kanilang uniporme habang nakataas ang itim na buhok na may gel. Humahalimuyak din ang kaniyang matapang na pabango. May itsura si Otep maputi , matangkad may matangos na ilong at mga matang kulay kayumanggi. Otep ang kanyang palayaw dahil noong mga bata pa kami ay nabubulol pa kami sa pagsambit ng aming mga pangalan hanggang sa nakasanayan na namin na tawagan ang mga ito. Ang buong pangalan niya ay Joseph Sean Dela Cruz. " Oo ikaw na lang naman iniintay namin eh." sagot naman ni Teban sa tanong ko pagkatapos ay umakbay sa akin kaya naman nalalanghap ko rin ang kaniyang pabango na lalaking lalaki ang amoy. Tinanggal ko naman agad ang kaniyang kamay sa pagkaka-akbay sa akin dahil mabigat. Anak si Teban ni Aling Soleng , matangkad rin ito at may itsura katulad ni Otep ngunit kayumanggi ang balat nito at kulay itim ang mga mata. Ang kaniyang buong pangalan ay Steven Aaron Pablo. " Ang kupad mo kasi Sai kanina pa kami nag-iintay sayo." sambit naman ni Mikoy pagkatapos ay lumapit sa akin. Kinuha naman nito ang bag ko at isinabit sa kanyang balikat. Sa aming lahat ay si Mikoy ang pinakamainipin at maikli ang pasensya. Mayroon siyang kulay mais na buhok , asul na mata , matangos na ilong, mapulang labi at maputing kutis. May lahi ang kaniyang ama na mula sa mayamang pamilya ngunit kailanman ay hindi niya ito nakita dahil inabanduna sila nito noong ipinagbubuntis pa lamang siya ng kanyang ina dahil tutol ang mga magulang nito sa kaniyang ina dahil mahirap lang ang kaniyang ina na si Tita Michelle. Ang buong pangalan niya ay Mikael Arthur Bernardo ang apelyido ni Tita Michelle ang kaniyang ginagamit. " Pasensiya na naglinis pa kasi ako ng bahay at inasikaso si Inay kaya nahuli ako. " pagpapaliwanag ko. " Okay lang iyon tara na." saad ni Otep at nauna na sa paglalakad. Nakagawian naming apat na sabay-sabay pumasok simula nang Kinder pa lang kami. Ngayon ay magkaiba kami ng paaralan dahil nakapasa ako sa scholarship exam ng Solaria Memorial University kung saan nag-aaral ang mga mayayamang estudyante sa aming lugar kagaya ng mga Prinsipe at Prinsesa , Anak ng Duke at Duchess , Anak ng mga Count at Countess at iba pa na nagmula sa mayayamang pamilya. Sila Otep, Teban at Mikoy naman ay nag-aaral sa Solaria Integrated School na public school para sa mga mahihirap na katulad namin. Mauuna naming madaanan ang S.I.S. kaya naman nauna na silang pumasok sa akin , iniabot na sa akin ni Mikoy ang bag ko at nagpaalam na sa akin bago pumasok. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang malaki at magarang gate ng S.M.U. Sa labas ng gate ay maraming mga magagarang sasakyan ang nakaparada at mga estudyanteng mayayaman na papasok na may mga bodyguard at butler na umaalalay sa kanila. Pumasok na ako at namangha sa ganda at laki ng paaralang ito. Sa aking pagmamasid sa paligid ay may bumangga sa aking likuran. Paglingon ko ay nakita ko ang isang magandang babae na maputi , dark violet na buhok at kulay abong mga mata na nakasimangot na nakatingin sa akin. Parehas lang ang aming uniporme ngunit ang guhit ng sa kanya ay kulay ginto at mayroon rin siyang gintongpin sa kanyang kanang kwelyo. " Stupid, your blocking the way." nakataas ang kilay at mataray na sambit nito sakin matapos akong tingnan mula ulo hanggang paa. " Sorry po." paghingi ko ng paumanhin at yumuko sa kanya. " As expected low class people doesn't really suit this place. You even look plain like trash, Commoner." pang-iinsulto nito sa akin pagkatapos ay inirapan ako. " Sorry po talaga." paghingi ko ng paumanhin kahit na siya naman talaga ang nakabangga sa akin. Nilampasan niya na ako at naglakad na palayo. Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad na rin papunta sa Registar Office upang kunin ang aking schedule. Nang nakarating roon ay may nakasabay akong estudyante na isa ring iskolar katulad ko. " Hello, Anong pangalan mo?" pagkausap ko sa kanya. " Hi , Im Kayanna Nicola Reyes. Just call me Yanna." nakangiting sambit niya at naglahad ng kanyang kamay. Inabot ko naman ito at nagpakilala. Maputi siya singkit ang mata may mahabang buhok na kulay kayumanggi at magkasing tangkad lang kaming dalawa. " Im Saira Carinne Taylor. Just call me Sai for short." nakangiting sambit ko sa kanya. Naglakad naman kami at nagkwentuhan. " Anong room ka? " tanong ko sa kanya. " Magkaklase tayo dahil isa lang ang classroom ng mga scholar dito." sagot niya. " Kung ganon tabi tayo ha." saad ko sa kanya. Napangiti naman siya bago tumango. " Saang school ka galing?" tanong niya. " Sa Solaria North Integrated." sagot ko. " Ikaw saang school ka galing ? " balik tanong ko sa kanya. " Sa West." maikling sagot niya. Mayroon kasing anim na paaralan sa buong imperyo. Ang Solaria South Integrated , Solaria North Integrated , Solaria West Integrated at Solaria East Integrated na mga public schools para sa mga elementary hanggang highschool at ang Solaria Integrated School na para sa mga senior highschool at college students. At ang pinakahuli ay ang ang paaralan para sa mga mayayaman at maharlika na Solaria Memorial University. Nang makarating kami sa aming classroom ay nabungaran namin ang mga kapuwa namin iskolar na masayang naguusap-usap at nakikipagkaibigan sa isa't-isa. Lahat nang naroto ay may itsura dahil isa rin iyon sa requirements ng pagiging scholar. Humanap agad kami ni Yanna ng mauupuan , doon kami pumwesto sa may gitna. Pagkalapag nga aming mga gamit ay agad akong hinatak ni Yanna palapit sa aming mga kaklase malapit sa amin. " Tara Sai makipagkaibigan din tayo sa kanila." sambit niya bago ako hinatak. Nang makalapit kami ay napatingin naman ang aming mga kaklase sa amin. " Hi." nakangiting sambit namin ni Yanna sa kanila. " Hello , Ako nga pala si Keira Seirene Rivera anong name niyo?." tanong ng babaeng cute at maikli ang buhok. " Im Kayanna Nicola Reyes just call me Yanna." nakangiting ani Yanna at nakipagshake hands sa babae. " Im Saira Carinne Taylor." nakangiti kong sambit at nakipagkamay rin sa kanya. " Eto nga pala mga classmates rin natin. Guys introduce yourselves." saad niya habang nakatingin sa mga kasama niya. " Hi, Euria Ginielle Levine is the name. You can call me Eury or Ginnie." masiglang pagpapakilala ng babaeng kayumanggi na mayroong itim na mata at itim na buhok. Masasabi ko na siya yung tipo ng tao na masiyahin at palakaibigan. " Im Acquil Louis Drewitt. You can call me Aki." pagpapakilala ng matangkad na gwapong lalaki na may kulay chestnut na buhok kayumangging mata habang nakangiti kaya kitang kita ang maputi at tuwid nitong mga ngipin. " Nikkia Chanelle Lee just Kia for short." nakangiti at mahinhing pagpapakilala ng babaeng katabi ni Aki. Maputi rin siya may matangos na ilong , mapulang labi, singkit na itim na mga mata at buhok. " Sandali lang pakilala ko rin sa inyo yung mga bestfriend ko." sabi ni Aki at tinawag ang dalawang lalaki nakikipagkwentuhan din sa dulo ng classroom. " Pre , mga bago kong friends." saad niya ng makalapit ang mga ito. " Sigurado kang friend lang hindi chics." nanlolokong sambit ng lalaking may maputi , at may kulay itim na mata at buhok. Binatukan naman ito ni Aki. " Siraulo , mga kaibigan bagong kaibigan ko nga." naiinis na sabi ni Aki. " Hello pretty ladies. My name is Kane Thaddeus Carter pogi." pagpapakilala nito nang bumaling sa amin habang hinihimas ang ulo na binatukan ni Aki. Mukhang masayahin rin ito katulad ni Eury pero mahangin nga lang. Binatukan naman ito ng kasama niyang maputi rin at may kulot na kayumangging buhok at itim na mata. " Ang hangin mo talagang hayup ka." bumaling naman ito sa amin at ngumiti. " Travis Renzelle Williams. Pwede niyo akong tawaging Renz or Travis na lang kung saan kayo mas komportable." nakangiting pagpapakilala nito kaya lumitaw ang mga cute nitong dimples na lalong nakapagpaguwapo sa kanya. " Ang sakit ng ulo ko. Palibhasa inggit lang kayo sa akin dahil mas guwapo ako sa inyong dalawa." pagrereklamo ni Kane. Tinaasan lang siya ng daliri nina Aki at Travis kaya naman napasimangot siya habang natatawa naman kami sa kanya. Nagusap kami tungkol sa mga dati naming school at kung paano kami nakapasa sa scholarship exam. Nakipagkaibigan din kami sa iba naming mga kaklase hanggang sa tumunog na ang bell bilang hudyat na magsisismula na ang klase. Nagsi upuan na kami sa mga puwesto namin bago pa makapasok ang aming guro. Pumasok ang aming guro sa unang subject. Babae ito na itim ang mata at nakapusod ang itim nitong buhok at mayroong salamin sa mata maamo ang kanyang magandang mukha at may bitbit na mga libro at folder. Mga nasa mid thirties ang edad nito. Lumakad ito papunta sa mesa sa unahan at inilapag ang kanyang mga gamit. Kumuha ito ng marker at isinulat ang kanyang pangalan sa whiteboard at ang subject na kaniyang ituturo sa amin at ang oras kung kailan maguumpisa at matatapos ang kaniyang klase sa amin. Nang matapos ay humarap ito sa amin at nagsalita. " Good Morning students. I am Ms. Rhian Perez your adviser and subject teacher in Science." pagpapakilala nito. Agad naman kaming tumayo upang bumati. " Good Morning Ms. Perez." sabay sabay naming sambit agad naman kami nitong pinaupo. Pagkaupo ay nagsimula na siyang magturo. Ang kaniyang topic ay biology. Napakatahimik ng aming classroom at lahat ay talagang nakikinig at nagsusulat ng notes. Tanging ang boses lang ni Ms. Rhian ang maririnig sa buong classroom. Seryoso ang lahat ng aking mga kaklase pati na rin ako sa pakikinig dahil kailangan naming magkaroon ng mataas na marka upang manatiling iskolar. Hanggang 100 ang pinakamataas na grado at hindi dapat bababa sa 90 ang aming mga marka sa bawat subject at hindi bababa sa 95 ang aming average. Nang matapos si Ms. Rhian ay may pumasok ulit na guro at ang kaniyang subject ay Culture , Social and Politics. Siya si Mr. Alexander Castro, nasa mid thirties din ang edad nito maputi , matangkad at guwapo. Kagaya ni Ms. Rhian ay nagturo lang din siya agad. Ang kaniyang topic ay tungkol mga tao sa aming Imperyo mula sa maharlika at mayayaman hanggang sa mga katulad namin na nasa poverty line o mga mahihirap. " Ito ang ating mahal na Hari." sambit ni Mr. Alexander habang nakaturo ang kaniyang stick sa litratong nasa presentation sa may board. " Siya si King Aletheo Dela Croix. Ang kasalukuyang hari ng ating imperyo." dagdag na sambit niya. Ayon kay Mr. Alexander ay ayaw ng mga kamahalan na tawagin silang Emperor at Empress kay Hari at Reyna ang tawag sa kanila. Ang hari ay may suot na korona, mayroon siyang kulay kayumangging buhok at berdeng mga mata. Ang kaniyang guwapong mukha ay nagsusumigaw ng kapangyarihan at awtoridad. Ang sumunod na larawan sa presentation ni Mr. Alexander ay isang babaeng nakasuot rin ng korona na may kulay mais na buhok at asul na mata katulad ng aking kaibigang si Mikoy. " Siya ang Reyna ng Solaria Empire. Si Queen Aphelia Skyla Le Grants-Dela Croix." saad niya. Ang sumunod na larawan ay larawan ng isang lalaking mayroon ring korona kayumangging buhok at asul na mga mata. " Siya ang Crowned Prince ng Solaria Empire. Si Prince Aphelion Zade Le Grants-Dela Croix. Siya ang Presidente ng Student Council dito sa Solaria Memorial University." Ang sumunod na presentation ay walang larawan subalit mayroong nakalagay na pangalan. Alethea Zianne Le Grants-Dela Croix " Si Prinsesa Alethea Zianne Le Grants-Dela Croix ay ang nawawalang anak ng mahal na hari at reyna. Ang nawawalang prinsesa, naniniwala ang lahat ng mamamayan sa imperyo na patay na ang mahal na prinsesa ngunit hindi natin dapat kalimutan ang prinsesa na bahagi rin ng maharlikang pamilya ng imperyo." paliwanag ni Mr. Alexander. Sumang-ayon kaming lahat na magkakaklase tungkol sa sinabi niyang hindi dapat kalimutan ang Prinsesa Alethea dahil siya ang bahagi rin ng maharlikang pamilya ng imperyo. Sumunod ay ang larawan ng isang lalaking maysuot ring korona na may kulay asul na mata at kulay mais rin na buhok katulad ng mahal na reyna. " Siya si Prince Louis Skylar Le Grants ang kapatid ng mahal na reyna." Ang mga sumunod na larawan ay tungkol sa mga anak ng kapatid ng mahal na reyna. Pagkatapos ay larawan naman ng mga kapatid ng hari at mga anak nito na mga prinsesa at prinsipe rin. At panghuli ay ang mga Duke and Duchess, Count at Countess, Baron at Baroness at ang kanilang mga anak. Nang matapos ang klase ni Mr. Alexander ay break time na kaya lumabas na kaming lahat upang pumunta sa cafeteria. Magkakasabay kami nina Yanna, Kiera , Eury , Kia , Aki , Kane at Travis. Nang makapasok kami ay agad kaming pumuwesto sa pinakagilid kung saan ay hindi kami mapapansin ng ibang mga estudyante. Tumambay lang kami dahil wala kaming pambili ng snacks at lunch lang ang libre kaya naman naguusap na lang kami habang nagmamasid sa ranggo mga estudyante ayon sa nakalagay sa pamphlet ng schedule na ibinigay sa amin. Pinagusapan namin mula sa pinakamababang antas hanggang sa pinakamataas. Ang una ay kaming mga scholar o commoner.Ang mga estudyanteng kulay puti ang linya ng uniporme at walang anumang pin sa aming kwelyo. Ikalawa ay iyong mga estudyanteng kulay berde ang kulay ng linya sa kanilang mga uniporme at bakal na pin na mayroong batong perlas na may simbolo ng Solaria Empire ay ang mga mayayamang estudyante. Ikatlo ay ang mga estudyanteng kulay tanso ang linya sa uniporme at tansong pin na mayroong batong jade ay mga anak ng Baron at Baroness. Ikaapat ay ang mga estudyanteng kulay pilak ang linya sa uniporme at pilak na pin na mayroong batong asul na topaz ay mga anak ng Viscount at Viscountess. Ikalima ay ang mga estudyanteng kulay pilak din ang linya sa uniporme at pilak na pin na may batong Sapphire ay mga anak ng Earl at Countess. Ikaanim ay ang mga estudyanteng may pilak din ang linya sa umiporme at pilak ring ang pin ngunit ang bato ay emerald ay mga anak ng Marques / Marchioness. Ikapito ay ang mga estudyanteng kulay ginto ang linya sa uniporme at gintong pin na may batong ruby ay anak ng mga duke at duchess. Ikawalo ay ang mga estudyanteng kulay ginto ang linya sa uniporme at gintong pin sa kanang kwelyo na mayroong batong diyamante na kulay dilaw ay mga anak ng mga Prinsipe at Prinsesa. At ang pinakahuli ay ang anak ng Hari at Reyna na kulay platinum ang guhit ng uniporme at platinum na pin na may batong diyamante na kulay puti. Nang matapos naming pag-usapan ang tungkol sa ranggo ng mga estudyante na nakasulat sa isang school flyer ay nag-usap naman kami tungkol sa ibang bagay. " Gusto niyo bang lumibot sa buong campus mamayang uwian?" tanong ni Kane sa amin. " Sige." pagsang-ayon nina Kiera , Kia , Yanna at Eury. " Sama." sagot naman nina Aki at Travis. Napatingin naman sila sa akin dahil hindi ako sumagot. " Uhm, hindi ako pwede eh. May trabaho pa ako mamayang hapon. Kayo na lang ang mamasyal sa buong campus." sambit ko sa kanila. " Ganoon ba kailan ka ba free?" tanong ni Eury. " Sa Friday ay wala akong pasok sa trabaho." sagot ko. " Edi sa friday na lang tayo mamasyal." sabi niya. " Oo nga." pagsang-ayon nilang lahat sa sinabi ni Eury. " Ayos lang sakin kahit maglibot kayo mamaya." saad ko. " Ano ka ba hindi kami pwedeng maglibot ng hindi ka kasama okay. Di ba guys?" saad ni Kiera. " Oo nga." segunda naman nila. Napabuntong-hininga nalang ako bago nangingiting umiling sa kanila. Nakakatuwa silang maging kaibigan parang mga tropa ko lang din na sina Otep, Teban at Mikoy. " Oo na , ang kukulit niyo." natatawang pagsuko ko sa kanila na kanila ring ikinatawa. Nagkwentuhan naman kami tungkol sa mga raket at trabaho namin. Natapos iyon ng biglang magsalita si Kiera. " Nagugutom ako hindi ako nakapag-almusal." sambit ni Kiera. " Oy sino may pagkain sa inyo bigyan niyo siya." saad ni Kia sa amin. " Wala akong dala." sagot ni Travis. " Ako din wala." segunda naman ni Aki. " Me too." saad ni Yanna. " Me three." saad ni Eury. " Me Four." saad ni Kane. " Me Five." saad ni Kia. " Wow ang gagaling niyong magbilang ah." sarkastikong sambit ni Kiera sa kanila. " Opkurs." proud sagot ni Kane. " Opkurs (2)" saad ni Eury. " Opkurs (3)" saad ni Kia. " Opkurs (4)" saad ni Travis. " Opkurs (5)" saad ni Aki. " Opkurs (6)" saad ni Yanna. " Mga hayop talaga kayo." umuusok ang ilong na sambit ni Kiera dahil sa inis. " We are not animals. We are the..." sambit ni Yanna. " Counting Squad ! " sabay-sabay nilang sigaw. Natawa naman sila dahil parepareho ang kanilang sinabi at ang laman ng kanilang utak kahit hindi naman nila ito pinagplanuhan. Wala kaming pakialam kung marinig man kami ng ibang estudyante dahil mayroon kaming sariling mundo rito sa pinakasulok ng cafeteria. " Mga pakyu kayo." naiiyak na ani ni Kiera. " Pakyu (2)" segunda ni Kane. " Pakyu (3)" segunda ni Eury " Pakyu (4)" segunda ni Kia. " Pakyu (5)" segunda ni Aki. " Pakyu (6)" segunda ni Travis. " Pakyu (7)" segunda ni Yanna. " Wah! Ayoko na." naiiyak na sa inis na sigaw ni Kiera sa kanila. " Hoy , tama na yan. Baka umiyak si Kiera." saway ko sa kanilang anim. " Heto Kiera oh. Kung ayos lang sayo nilagang itlog, tuyo, at kamatis na may kanin lang ang laman nito." sabi ko sa kanya sabay abot ng aking baunan. Nagningning ang kanyang mata na inabot iyon at binuksan. " Ano ka ba okay na okay to ang sarap nga ng baon mo eh. Thank you very much. Di ako choosy noh pare-pareho naman tayong poor." sambit niya pagkatapos ay nilantakan iyon. Mukhang nainggit naman yung anim at sinubukang manghingi kay Kiera. " Penge." saad ni Kane. " Penge (2)." saad ni Eury. " Penge (3)." saad ni Kia. " Penge (4)." saad ni Aki. " Penge (5)." saad ni Travis. " Penge (6)." saad ni Yanna. " Sabihin niyo muna sorry master baka sakaling bigyan ko pa kayo." sambit ni Kiera habang pinapainggit ang pagkain. " Sorry Master." agad na saad ni Kane. Mukhang gustong gusto niya talagang makahingi ng pagkain. " Sorry Master(2)." saad ni Eury. " Sorry Master(3)." saad ni Kia. " Sorry Master(4)." saad ni Aki. " Sorry Master(5)." saad ni Travis. " Sorry Master(6)." saad ni Yanna. " Mga letse bibigyan ko na sana kayo kaya lang nagbilang ulit kayo. Sorry, better luck next time. Magbilang na lang kayo , Counting Squad." inis na sabi sa kanila ni Kiera at sumubo ulit at sinubuan rin ako. " Uy teka lang sorry na." nagpapaawang sambit ni Kane. " Eto naman , di mabiro." saad naman ni Eury. " Master joke lang yun." saad ni Kia. " Wuy, joke lang naman yun eh." saad ni Aki. " Sorry na penge ako." saad naman ni Travis. " Luh pangit kabonding parang di tropa." saad naman ni Yanna. " Ayan ayusin niyo kasi." saad ni Kiera at inilagay sa gitna ng mesa ang baunan at iniabot kay Kane ang kutsara't tinidor. Sumubo naman kami isa isa hanggang maubos ang laman ng baunan. Mukhang nabusog naman sila dahil malaki laki rin ang baunan ko. Apat na basong kanin ang inilagay ko roon sa aking baunan , tatlong nilagang itlog , apat na tuyo at apat na hiniwang kamatis. " Thank you sa pagkain, Sai." masayang sambit ni Kiera habang nakangiti sa akin. " Thank you (2)." saad ni Kane. " Thank you (3)." saad ni Eury. " Thank you (4)." saad ni Kia. " Thank you (5)." saad ni Aki. " Thank you (6)." saad ni Travis. " Thank you (7)." saad ni Yanna. Nakatingin silang lahat sa akin na parang inaantay ang sasabihin ko. " Welcome (8)?" natatawang saad ko. " Ayan kumpleto na ang Counting Squad." sambit ni Eury dahilan para matawa kaming lahat. Ilang minuto lang ay tumunog na ang bell kaya naman ay tumayo na kami para maglakad pabalik sa aming classroom para sa susunod na klase. MABILIS na natapos ang araw at ngayon ay kasalukuyang nasa gate na kami at maghihiwa-hiwalay na para umuwi. " Bye, kitakits na lang bukas." paalam ni Yanna. " Bye." pagpapaalam namin sa bawat isa at naghiwa-hiwalay na ng daan. Naglakad ako hanggang sa madaanan ko ang Solaria Integrated School at sa may bandang gilid ng gate ay natanaw ko sila Otep , Teban at Mikoy kaya agad akong lumapit sa kanila. Napansin naman nila agad ako ng makalapit ako sa kanila. " Tara na." sambit ni Mikoy at kinuha ang aking bag at isinampay iyon sa kanyang balikat. Habang naglalakad ay nagkamustahan kami tungkol sa mga nangyari sa amin ngayong araw. " Ano Sai, kamusta iyong bago mong school." pag-uusisa ni Teban sabay akbay sa akin. " Maganda , halos lahat ng estudyante ay galing sa mayayaman at maharlikang pamilya. Mas malawak at mas maganda din ang paaralang iyon at talagang napaka-professional ng mga guro doon at magaling magturo." pagkukwento ko sa kanila. " Masaya saka marami akong bagong kaibigan." nakangiting sagot ko ulit. Masaya ako dahil marami akong kaibigan sa bago kong school kaya hindi na ako malulungkot dahil ako lang ang mag-isa. " Pakilala mo samin yung mga bago mong kaibigan ah." sabat naman ni Otep. " Oo naman , ipapakilala ko sila sa inyo. Ang babait kaya nila saka sigurado akong makakasundo niyo iyong tatlong boy friends ko." " Talaga , sino mas pogi samin. Kami o Sila?" taas-baba ang kilay na tanong ni Teban sa akin. Napapailing-iling na lang ako sa kanya pero sinagot ko pa rin ang tanong niya. " Pareho lang kasi mga pogi din iyong mga iyon at may pagka-abnoy din katulad niyo." napapahagikhik na sagot ko sa kaniya. Ginulo naman niya ang buhok ko kaya napasimangot ako. Tinawanan lang nila akong tatlo. " Teka maiba tayo , kamusta naman yung araw niyo ngayon?" pang-uusisa ko sa kanila. " Nothing New, ganon pa rin naman. Mas masungit lang yung mga teacher ngayon kaysa noong highschool." pagsagot ni Mikoy sa tanong ko. " Oo nga nakakatakot nga yung teacher namin sa History parang nangangain ng estudyante. Nakakatakot." saad ni Otep habang umaarte na parang kinikilabutan. " Yeah, i agree." pagsang-ayon ni Teban sa sinabi ni Otep. " Talaga? Sa amin ay mabait ang teacher namin sa History guwapo rin siya at napakamahinahon." " Kung ganon ay masuwerte ka, Sai." saad ni Teban na parang naiingit sa akin dahil mabait ang aking guro. " Kung sa inyo ay guwapo at mahinahon ang titser niyo ang sa amin parang dragon na nagme-menopause. Ubod ng sungit." parang naiinis na sambit ni Otep. " Nararamdaman ko na parang siya yung tipo ng teacher na namemersonal sa grades kaya dapat ay huwag i-offend o itrigger kasi baka sumabog at ang apektado ay yung grado mo." mahabang saad ni Mikoy habang napapabuntong hininga pa sinabayan pa ng dalawa. Ilang panlalait pa ang kanilang sinabi tungkol sa kanilang masungit na titser hanggang sa nakarating na kami sa aming lugar kaya nagpaalam na din kami at umuwi na sa kanya-kanya naming bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
306.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook