Chapter 1
Yuri's POV
Ako nga pala si Yurika Nakamura mayroon akong dalawang kapatid sina Lizette Nakamura at ang kuya kong gwapo 'daw' na si Lance Akeira Nakamura.
Si Akeira ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Pero ayaw nyang tinatawag ko syang kuya ang gusto nya ay Akeira nalang.
Close kami kaya sanay na ako sa ugali nya at kung di nyo naitatanong halos isang milyong empleyado at sekretarya na ang nagresign sa kanya dahil daw sa ugali nito.
Pero di ko naman sila masisisi dahil masama naman talaga ang ugali ni Akeira kahit na kanino maliban kay Mom at Dad.
Speaking of...
*BLAG!*
"Wake up Yuri..." sabi nito ng mahinahon. Hmmm...iinisin ko muna. Hahaha.
"Yuri!..." sigaw nito."Ayoko pa nga kuya!" antok na sigaw ko.
"Yuri we'll be late at the meeting...follow us downstairs!" galit at nagmamadaling sigaw ni Daddy. "Yes Dad!" bumangon ako agad at... 8 am naaaa..."Waaaa!!!"
Dali dali akong bumangon para maligo at mag ayos. At pagkatapos nun ay bumaba na din agad ako para kumain at maka alis na papuntang meeting.
Pag labas ko ng bahay ay nakita ko si Akeira na nakaabang sa labas ng kotse at iniintay ako. Siya ang CEO ng kumpanya nang pamilya namen samantalang ang parents naman namin ay ang tumutulong sa amin na imanage yun mag kapatid.
Samantalang ang magaling naman naming kapatid ay walang alam gawin kundi ang gumastos at magpaganda!
"Oh ano tinitingin tingin mo dyan?!" tanong nya sabay irap sa akin.
"Bakit masama?!" sabi ko saka din sya inirapan.
"Tss." sabi nya habang patuloy sa pagmamaneho. Oh tingnan mo! Ha tingnan mo! Yun lang isasagot sayo. Grr. Nanggigigil ako dito, nako pigilan niyo ko!
"What are you thinking?" sabi nya habang naka kunot noo.
"Uhmm...Nothing"
"Sigurado ka?"
"Yeah, nothing to worry about."
'Nothing' mula pagkabata namin yan lagi ang sinasabi kahit di naman totoo. Feeling ko kase laging may kulang. Oo, nasa akin na lahat pero ang atensyon ng parents namin lagi nalang kay Lizette at kay Akeira.
~Flashback~
"Mommy pwede nyo po ba akong samahan bukas sa school enrolment?" sabi ko kay mommy.
"No. Sasamahan ko pa si Akeira and Lizzete tsaka kaya mo na yan." Sa private school kase napasok sina Akeira at Lizzete at ako naman ay Public school lang kaya diko sila makakasabay.
"Napakatigas ng ulo mo tapos magpapasama ka samen...mahiya ka nga!"
"P-pero... Dad..."
*BLAG! *
"Sasamahan nalang kita mamaya Yuri, hayaan mo na sila."
"Salamat Akeira" hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko at ang bilis ng t***k ng puso ko.
lub-dub-lub-dub
-End of Flashback-
"Yuri?" hayyy,buti pa sina Akeira at Lizette sama dito sama doon. Eh ako? Kahit graduation walang na attend sa akin kaya di na lang din ako napunta.
"Yuri!..." nag balik ako sa diwa ko nung tinawag ni Akeira ang pangalan ko.
"B-bakit ba?" at bakit ako nauutal?! Hay nako! Chill Yuri, chill.
"Tulala ka na naman dyan kanina pa kitang tinatawag parang di ka makarinig ah." Ayy tulala ba ako? Hehehe.
"May iniisip lang ako."
"Sabi mo kanina wala. Ano ba kasing iniisip mo?"
"Nothing, nothing important."
"Tss.We're here." sabi nya at saka bumaba ng kotse para pagbuksan ako ng pinto."Thanks i***t brother. Hahaha.Just kidding"sabi ko ng may halong pang aasar. Ayan na nainis na sya Hahaha.
Nung pababa na ako ng kotse ay bigla nyang sinarhan ang pinto. "What the?!"
"You can go by yourself. You're not a kid anymore."sabi nya tsaka mabilis na naglakad palayo.
" Wait for me!!! Hey Akeira!!! " hayy kahit kailan talaga tong lalake na to sama ng ugali.
'Good morning ma'am, sir'
'Good morning Mr. and Ms. Nakamura'
'Good morning po'
Lahat ng madaanan namin ay binabati kami ng magandang umaga. Pero di naman namin pinapansin. Nagmamadali na kami dahil late na kami ng 30 mins. sa meeting.
--
[Kinabukasan]
Linggo ngayon at di ako pupunta ng office kase wala namang meetings. Bumangon kaagad ako para mag shower dahil pupunta akong mall ngayon kasama nina Mika and Duke. They're my high-school friends and classmates.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ng kwarto ay nakaabang na agad si Akeira.
"Saan ka pupunta?" matatalim ang tingin nito sa akin. "Hang out with my friends."
"Who?" ay ang kulit male late na ako. Naglakad na ako palayo at di na sya pinansin dahil alam kong magkakahabaan na naman yan hanggang sa hindi na ako makaalis.
"I said who?!" sabi nya sabay hablot sa aking braso kaya magkalapit na ang mga mukha namin ngayon.
"Uhmmm...s-si D-duke at M-mika." bakit ganun ang lakas ng t***k ng puso ko. Parang sasabog na to kahit kelan.
Hanggang sa pa lapit na ng palapit ang mukha nya sa---
"What's happening here?!" tinanggal ko ang pagkakahawak ni Akeira sa aking braso para sagutin si Mommy.
"Ahhmmm...wala po Mommy. Aalis na po ako may pupuntahan lang kami nina Mika and Duke." makikita mo ang galit sa mga mata nya. Na para bang ang laki ng kasalanan mo sa kanya. Pero sabagay di naman nga pala nila ako tunay na anak pati si Akeira namatay na parehas ang parents namin ni Akeira.
Matalik na kaibigan ni Mommy at Daddy ang parents namin. Kaya nung namatay sila ay sa kanila na kami iniwan at si Lizette naman ang tunay nilang anak.
"Mag uusap tayo mamaya Yurika."
"Opo, mommy... Bye!" humalik ako sa pisngi nya at bababa na sana ng hagdan ng--
"Ihahatid ko na po sya Mom." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Wag na kaya ko ang sarili ko" sabi ko tsaka naglakad na pababa. "Hindi, hindi ka aalis ng hindi ako kasama."
"Ano?!" pati ba naman pag alis ko kasama sya? Nasisisraan na ba sya ng bait?
"Fine!"
------------
--InzyWinzySpider