CHAPTER TEN

1273 Words
THIRD PERSON: Paglabas nila ng Guidance Office, akala ni Althea ay hindi na ito sasama. Ngunit nanatili pa ring nakabuntot si Silas, kasama ang dalawang alalay na parang anino lang na nakasunod sa bawat hakbang niya. Tahimik lang silang tatlo nina Carlo at Jasmine, pero halatang kabado pa rin lalo na tuwing mapapatingin sa malamig na presensya ng Gobernador. “Uyy, bakla... sasama pa rin siya,” bulong ni Carlo, bahagyang nanginginig ang boses. “Mas lalo kang pag-uusapan niyan eh.” Napatigil si Althea at napalingon sa kaibigan. Doon, aksidenteng nagtama ang mga mata nila ni Silas. Matatalim, malamig—ngunit sa ilalim nito’y may nakaukit na para bang malinaw na sinasabi: “Akin ka, Althea.” Paulit-ulit iyong umuukit sa isip niya, tila ba mismong boses ni Silas ang naririnig niya sa loob ng kanyang ulo. Napangisi na lamang si Althea, isang ngising puno ng pang-uuyam—ngunit sa loob-loob niya, ramdam niyang nagsisimula na siyang malunod sa bigat ng titig nito. Hanggang sa makarating sila sa clinic. Pagpasok nila, agad silang sinalubong ng isang babae na abala sa pag-aayos. “Pasensya na po, Gov,” mahina nitong sabi. “Wala pong naka-destinong nurse ngayon.” Napakunot ang noo ni Silas. “Ano?” malamig ang tono, kita ang pagkainis. Agad namang sumabat ang propesor. “Pero meron po tayong medicine kit dito, Governor.” Saglit na katahimikan bago bahagyang tumango si Silas. “Sige. Ako na ang bahala gumamot sa kanya.” Nanlaki naman ang mga mata nilang tatlo. “W-wag na,” tarantang tanggi niya, at agad na umiling. “Kaya ko naman. Tsaka si Jasmine na lang… pwede din siya—” Pero hindi na siya nakatapos ng sasabihin nang maramdaman niyang ang biglang paghila nito sa kanya papasok ng clinic. Mariin, walang pag-aatubili. Isang matalim na tingin lang ang pinukol niya kina Carlo at Jasmine, at sapat na iyon para manahimik ang dalawa. Ang tinging iyon ay malinaw na nagsasabing walang makikialam. Walang nagawa si Althea kundi magpigil ng galit at inis habang pinaupo siya ni Silas sa kama ng clinic, para bang kontrolado nito ang bawat kilos ng paligid. Tahimik ang loob ng clinic. Maliwanag ang puting ilaw mula sa kisame, pero tila mas ramdam ni Althea ang bigat ng presensyang kaharap niya kaysa sa hapdi ng sugat sa kanyang pisngi. Nasa labas sina Jasmine, Carlo, at ang dalawang bodyguard ng Governor . Pinili nilang maghintay roon matapos sabihing siya na mismo ang mag-aasikaso kay Althea. “Umupo ka,” malamig ngunit mariin ang tinig ni Silas, itinuro ang kama ng clinic. Saglit na nag-atubili si Althea, pero dahil sa hapdi ng sugat at para matapos na lang, sumunod siya. Umupo siya nang diretso, mariing nakapikit, pilit pinapakalma ang sarili. Kumuha si Silas ng first aid kit mula sa kabinet. Sanay at tiyak ang bawat galaw niya habang binubuksan ang mga gamit—parang ilang beses na niyang nagawa ang ganitong bagay. Napatitig siya sa kanya, naniningkit ang mga mata. “Hindi mo kailangan gawin ‘to. Maraming ibang puwedeng—” “Tumahimik ka na lang at hayaan mong gamutin ko ang sugat mo.” Pinutol agad ni Silas, sabay dampi ng bulak na may antiseptic sa pisngi niya. Napasinghap si Althea sa sakit. “A-aray! Dahan-dahan naman!” Sandaling lumambot ang ekspresyon ni Silas, pero mabilis din niyang ibinalik ang malamig na anyo. “Kung hindi kita gagalawin nang maayos, mas lalo kang magkakaroon ng peklat.” Napakagat-labi si Althea, pilit na iniiwas ang tingin, pero ramdam na ramdam niya ang lapit ng hininga ni Silas habang inaasikaso ang sugat niya. Lalo lang siyang nainis sa sariling kaba, na para bang siya mismo ang traydor sa damdamin niya. “Dahil sa’yo… nagkakaganito ako,” bulong niya sa isip, mariing nakatitig sa bawat galaw ni Silas, puno ng sukdulang galit. Hindi na niya napigilan ang sarili. “Hindi mo kailangang magpanggap na may pakialam ka,” mahina ngunit matalim niyang sambit, bawat salita ay nanginginig sa pagpipigil ng emosyon. “Dahil alam kong gusto mo rin ito—na makita akong miserable!” “Bakit, mas gusto mo ba na ikaw at lalaki mo ang kumalat sa social media?” madiin at puno ng panlilinlang ang boses ni Silas, bawat salita ay parang tinatarak. Biglang nanginig si Althea, ramdam ang bigat ng boses nito. “Napakahayop mo talaga!” sigaw niya, halos mabasag ang tinig sa galit at takot. Tumayo si Silas at dahan-dahang lumapit. Hindi siya kumurap, matalim ang titig, malamig ang mga mata pero halatang may halong pag-aangkin. Huminto siya sa harap ni Althea na nakaupo sa kama, saka yumuko—halos magdikit ang kanilang mukha. Inilapat niya ang kamay sa gilid ng kama para hindi ito makaalis. Ramdam ni Althea ang mainit na hininga niya sa pisngi, na lalo lang nagpa-kaba sa kanya. “Mas mabuti nang ako ang kasama mo sa bawat usapan…” mahinang bulong ni Silas, “…kaysa ibang lalaki ang pinagkakaguluhan nila kasama ka.” Hinawakan niya bigla ang baba ni Althea at pinilit na tumingin ito sa kanya. “Kaya si Rod na hinihintay mong ilayo ka sa akin…” dumilim ang boses ni Silas, “…hinding-hindi na magpapakita pa sa’yo.” Nanlaki ang mga mata ni Althea. Kinilabutan siya sa sinabi nito, agad niyang itinabig ang kamay ni Silas. “Napakahayop mo talaga!!” sigaw niya, halos mangiyak-ngiyak habang nagpupumiglas. Pero mas lalo lang siyang diniinan ni Silas. Bigla niya itong naitulak pahiga sa kama. Yumuko siya, matalim ang tingin, halos nakadikit ang labi sa tainga ni Althea. “Subukan mong magsigaw…” bulong niya, malamig at mabigat, “…mas lalo lang tayong pag-uusapan ng lahat.” Sa labas ng clinic, halos manginig sa kaba sina Carlo at Jasmine. Ramdam nila ang tensyon sa loob, at kahit hindi klaro ang lahat ng ginagawa, malinaw na naririnig nila ang bawat salita. Napatakip ng bibig si Jasmine, halos mapaiyak, habang si Carlo ay nakuyom ang kamao, pigil ang sarili. “Ano’ng ginagawa niya…?” mahina nitong bulong, halatang puno ng takot. Ngunit wala silang nagawa. Ang dalawang alalay ni Silas ay nakabantay lang sa may pintuan, tahimik ngunit imposibleng lapitan. Para bang sinasabi ng presensya nila na walang makikialam. Kaya ang dalawa, walang nagawa kundi manatiling nakatayo—naghihintay, kinakabahan, at umaasang matapos na ang nangyayari sa loob. Nanlilisik ang mga mata ni Silas habang mahigpit na nakakapit sa pulsuhan ni Althea. Ramdam ni Althea ang hapdi ng pagkakahawak nito, halos bumaon ang mga daliri sa balat niya. Pilit siyang nagpupumiglas, pero mas lalo lang humihigpit ang hawak ng Gobernador. Dumikit ang mukha ni Silas sa kanya, halos maglapat ang kanilang mga hininga. Mabigat ang tinig nito, mababa at puno ng pagbabanta. “Sisiguraduhin ko… walang makakalapit sa’yo, Althea. Kahit sino. Kahit siya.” Lalong kumabog ang dibdib ni Althea. Halos hindi siya makahinga sa bigat ng presensya nito, at ang malamig na boses ni Silas ay parang isang sumpa na bumabalot sa buong pagkatao niya. Pilit niyang kinuyom ang kamao at itinulak siya, nanginginig sa galit at takot. “Hindi mo ako pag-aari!” mariin niyang sigaw, halos mangiyak. Ngunit hindi kumurap si Silas. Bagkus, mas lalo pa niyang hinapit ang pulsuhan nito, inilapit ang mukha, at bumulong nang mariin, bawat salita ay parang pako na bumabaon sa isip ni Althea. “Maling isipin na makakatakas ka. Hangga’t ako si Silas… at ikaw si Althea… sa akin ka.” Nanlaki ang mga mata ni Althea, halos manginig ang buong katawan niya, pero pinilit niyang buuin ang tinig. “H-hinding-hindi mangyayari iyon!” mariin niyang sigaw, kahit ramdam niyang nanginginig ang boses niya sa takot at galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD