Chapter 29 ~Vincent Castro alyas Boy Takbo~ “I love him…” Ang sarap pakinggan ng sinabi ni Freya. Hindi naman siguro dala lang ng kalasingan kaya niya iyon nasabi. “Pero… kahit pa mahal ko siya… he’s not for me…” dagdag pa niya. “Why naman anak?” tanong ni Mam Greta. “Mom… kasi…” Napatigil ako sa pag-abot ng doorknob. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong humila sa’kin para manatili. Para makinig. “…hindi kami pareho ng mundo.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. Napayuko ako, mahigpit ang hawak sa seradura. Sa lahat ng pwede niyang sabihin … iyon pa. Napapikit na lang ako. Tuluyan ko ng binitawan ang pinto. Tahimik akong tumalikod na parang walang narinig, parang walang sakit na naramdaman. Pero bawat hakbang ko palayo ay parang may tanikalang nak

