Chapter 22 ~Vince Castro alyas Boy Takbo~ “Mahal mo ba ko, Freya?” At dahil nag confess na ako sa kanya at sumuko na sa deal namin na kung sino ang unang ma-in love… Oo na. Umaamin na ako. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin, bukod sa physically at sxually attracted ako sa kanya ay nakuha niya na rin ang loob ko. Pinagkakatiwala ko na ang lahat sa kanya. Ang future ko, ang sarili ko, at ang puso ko. Iniwas niya ang tingin sa akin matapos kong tanungin kung mahal niya ba ako. Hinuli ko ang baba niya upang mag tama muli ang aming tingin. Sincere ako sa inamin ko kaya gusto ko rin kahit paano kung ano ang tunay niyang nararamdaman para sa akin. “Naiintindihan ko naman, mam. Kung ang sagot mo ay ‘hindi’---” “Ah no!” sabat niya. “I mean, hindi ba masyadong mabilis, it’s been two or th

