"Ladies and Gentlemen, welcome to Los Angeles International Airport where the local time is 9:45PM. The outside temperature is 8 degree celcius. For your comfort and safety please remain with your seatbelt fastened until the aircraft comes to a complete stop and the seatbelt sign has bren swithed off", Marahan siyang napamulat matapos marinig ang announcement ng attendant. Napaunat pa siya mula sa kinauupuan, pakiramdam niya ay nanakit ang buong likod niya sa haba ng byahe. Nang buksan niya ang takip ng bintana ay napasinghap pa siya ng makita ang maraming ilaw mula sa mga naglalakihang mga building, nakalanding na ang eroplanong sinasakyan niya! Muli umahon ang kakaibang kaba at excitement sa dibdib niya, sa wakas ay nakarating narin siya. Walang laman ang isip niya kundi ang muling pagk

