Kinabukasan ay maaga ulit siyang gumising at nag-asikaso para bumalik sa lugar na pinagkakitaan niya sa binata. May ilang araw nalang ang pananatili niya dito kaya kailangan na niyang makita at makausap ito. Kahit hindi pa siya masyado nakakabawi ng pahinga ay pinilit niya parin ang kumilos. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago muling umalis ng silid niya, sandali ulit siyang nag almusal bago sumakay sa pinarang taxi. Nanunuot ang sobrang lamig sa katawan niya ng makalabas siya ng sasakyan, pinasya niyang maghintay ulit sa labas ng building hindi niya alam kung anong oras ito darating pero nasisiguro niyang darating ito. Lumipas ang ilang oras, panay parin ang tanaw niya sa paligid at iniisa isa ang bawat taong nagdaraan. Maging ang bawat pagtigil ng mga sasakyan, anong o

