"Oy Celina tayo na, magcocommute lang ulit tayo para kung sakaling matyempuhan natin ung nambastos sayo ay ibabalibag ko dito sa muscle ko", natawa naman siya sa tinuran ni Kuya Bigs habang papalabas sila ng gate
"Humahambog na naman ang matanda",
"Aba becky wala yatang inaatrasan etong muscle ko, nung kabataan ko kahit siga walang palag", nagkatawan lang sila ng ginang habang nag aabang ng tricycle.
"Ewan ko pa kung mawala kapa ulit Celina, dalwa dalawa na kaming kasama mo",
"Sempre hindi, marami po ba tayong bibilhin Manang Becky?",
"Ay Oo Celina, hindi ba nababanggit sayo ni Joselito na tatanda na naman siya ng isang taon?",
"Hah? Birthday mo Boss B??", nanlalaki ang matang wika niya dito
"Oo sweet sixteen, sabi ko naman sayo mangyayari yung gusto mo gawin dun sa kubo eh".
"Sabi mo next year pa, pa humble ka talaga kahit kelan Boss B", natatawang saad niya dito
"Kaya wag kang maingay, magcecelebrate tayo bukas darating ang isang pamangkin ko at tiyak makakasundo mo yon"
"Talaga? ibig sabihin hindi kayo aalis bukas ni Sir Harry??", may galak na tanong niya,
"Ako hindi aalis dahil birthday ko, pero si Sir alam ko may meeting siya bukas"
"Uhm ganon ba", mahinang saad niya, akala niya pa naman ay makakasama nila ito sa kasiyahan.
"Ikaw naman Celina bigla bigla nalulungkot pag aalis si Sir Harry, mas gusto mo pa ata ang sumama sa kanya kesa magcelebrate ng birthday ko",
"Ay sus makapagdrama naman ang matanda", singit naman ni Manang Becky kaya natawa lang siya
"Sempre hindi Boss B. special na araw mo yun kaya hindi pwedeng wala ako. Basta marami kang ihahandang foods ah",
"Oo naman maliit na bagay, ikaw pa eh malakas kana saking bata ka",
Nagkatawanan lang ulit sila hanggang sa makarating sila sa palengke. Nakabuntot lang siya sa dalawa habang abala ang mga ito mamili ng Karne at Isda maging mga gulay na gagamitin panglahok. Nawili naman siya habang nag iikot ikot sila sa loob ng palengke, ngayon niya lang nagawa ito sa tanang buhay niya kahit na masikip at maraming tao ay naaliw siya. Hindi naman binibitawan ng ginang ang kamay niya at para siyang bata na hila hila nito kahit san sila magpunta. Hanggang sa nakarating naman sila sa palaisdaan, aliw na aliw siya sa mga naglalakihang alimango. Paborito ito ni Boss B kaya marami itong binili na hipon at alimango na bukod sa malalaki ay mataba rin daw.
"Dagdagan mo rin Ate ng isang kilong pusit, masarap yan ihawin pampulutan", nakangiting saad nito sa tindera
"Mukang mapapasabak ka sa inuman ah",
"Darating yung iba kong kumpare alam mo na onteng kasiyahan lang", nakangiti na pinagmasdan niya naman ito, siguro ang cool maging tatay ni Boss B, sa way ng pakikitungo nito sa kanya ay para na niya rin itong Ama na parang kaibigan.Sobra siyang natutuwa na nakilala niya ito.
"Ikaw Celina may gusto kabang bilhin? sabihin mo na habang nandito pa tayo", wika nito habang papalabas sila ng isdaan, sandaling napaisip naman siya at luminga linga, naghahanap siya ng tindahan na pwedeng mabilhan ng pangregalo niya man lang dito. Buti nalang at may natitira pa siyang isang libo na cash.
"Pupunta lang ako sandali doon Manang Becky may bibilhin lang po ako", turo niya bandang dulo kung saan may tindang mga damit.
"O sige dito ka namin hihintayin sa gulayan", sagot ng ginang kaya nagtungo na siya sa bandang looban na puro damitan at sapatos naman ang mga tinda. Hindi naman ito masyadong malayo sa tindahan ng gulay at tanaw niya lang ang mga ito. Pagdating niya doon ay tabi tabi ang tindahan ng mga damit, naghanap siya ng t-shirt na pwede niyang mairegalo kay Boss B.
"Hi Mam, ano pong hanap?", nakangiting salubong sa kanya ng tindera, gumanting ngiti lang siya habang tumitingin sa mga display ng mga ito. Sa tingin niya ay Medium ang size ni Boss B, nagpunta pa siya sa kabilang pwesto ng mahagip ng tingin niya ang isang Asul na Polo Shirt.
"Miss magkano po ang Isa?",
"350 po Mam ano pong size?",
"Ah bigyan mo ko ng dalawang pares Miss, Medium Size", nakangiting saad niya, kumilos naman ito para kumuha ng polo na napili niya
"Miss may available ba kayong pambalot? ipangreregalo ko sana?",
"Opo Mam meron po kami, twenty pesos po", napatango nalang siya dito saka niya iniabot ang pambayad. Inabutan naman siya nito ng sukli habang hinihintay niyang matapos ito sa paglagay ng tshirt sa pambalot. Muli niya naman inikot ang tingin sa paligid ng tindahan, marami ring magagandang nakadisplay pero sapat lang ang cash na hawak niya. Nang mapatingin naman siya parkingan ay ilang lalaki ang nakita niyang naglalakad papunta sa gawi niya. Gayon nalang ang panlalaki ng mga mata niya at pag ahon ng kaba niya ng makilala ang isa sa mga ito.
Bigla siyang nanlamig sa kinatatayuan ng magtama ang tingin nila sa isa't isa,
"Mam eto na po",
Tinuro ng isang lalaki ang direksyon niya kaya dali dali niyang kinuha ang inabot ng babae at mabilis na nagtatakbo.
"Celinaaaa!!!!!",
Malakas na sigaw ni Angelo, pero mabilis ang mga paa na nagtatakbo siya palayo sa mga ito. Abot abot na ang kanyang kaba hindi siya pwedeng maabutan ng mga ito. Hindi na niya alam kung ano na itong napasukan niya pero puro gulayan ang nadadaanan niya, pilit din siyang nakikisiksik sa maraming tao, habang tumatakbo ay panay ang tingin niya sa likuran pero nagulat siya ng isang kamay ang humablot sa braso niya. Nagulat pa siya ng makaharap ang mukha ng binata.
"Hanggang kailan mo ba ako balak pagtaguan ", hinahapong saad ng malamig na tinig nito
"A-Angelo??"
"Let's go. Uuwi na tayo", may diin na saad nito habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya
"Bitiwan mo ko Angelo ayokong sumama sayo!!!"
Natigilan naman ito at galit na sinalubong ang tingin niya.
"Wag mong ubusin ang pasensya ko Celina, pagod nako sa kakahanap sayo", anito saka siya muling kinaladkad, halos madapa na siya sa lakas ng pagkakahila nito, naiiyak narin siya sa takot at kaba pakiramdam niya ay hindi na ito ang Angelo na nakilala niya.
"Ano ba!!! pabayaan mo nako Angelo!! hindi ako sasama sayo!!!! uuwi lang ako samin pag nakabalik na sila Daddy!!!" saad niya habang nagpupumiglas masakit narin ang braso niya sa higpit ng pagkakahawak nito
"Sabing tumigil ka eh!!!",
Nagulat pa siya ng lumapat sa pisngi niya ang palad nito, pakiramdam niya ay nahilo siya sa lakas ng pagkakasampal sa kanya, tuluyan na siyang napaiyak ng malasahan ang dugo sa bibig niya.
"Uuwi na tayo naintindihan mo?!!? iuuwi na kita sa ayaw mo man o gusto!!!" malakas pang sigaw nito habang nanlilisik ang mga mata,
"Halimaw ka!!! bitiwan mo ko!!! nasasaktan ako!!!!" aniya at nagpumiglas ulit dito ngunit hinablot lang nito ang buhok niya
"Tumigil kana kundi sasama kana sakin," saad nito saka siya muling kinaladkad papunta sa parkingan. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak, hindi siya pwedeng maisama nito ayaw niyang sumama dahil pakiramdam niya ay sasaktan lang siya nito.
Di kalayuan ay nakita niya si Vince habang nakamata lang sa kanila.
"Vince tulungan mo ko!! ayokong sumama!!! Vince sinasaktan ako ni Angelo!!!" hinging tulong niya dito habang umiiyak,
"Masasaktan ka ulit pag hindi ka pa tumigil!!!!", malakas na hiyaw naman nito sa kanya,
"Angelo wala sa usapan na sasaktan mo si Celina",
"Manahimik ka, tayo na",
Akmang kakaladkarin na naman siya nito ng agad siyang kumilos para bayagan ito. Napaimpit naman ito sa sakit at napaluhod, nabitawan nito ang pagkakahawak sa braso niya kaya agad siyang nakatakbo palayo sa mga ito.
"Ahhggg, Celinaaaa!!!!"
Sigaw nito pero kumaripas na ulit siya ng takbo, nang lumingon siya ay si Vince naman ang mabilis na tumatakbo at hinahabol siya.
"Oh hindeee!!!",
Mas binilisan niya ang pagtakbo papasok sa mga bangketa. Sinikap niyang bilisan pa ang takbo hanggang sa makapasok siya sa tindahan ng mga karne kung san maraming mga tao. Pilit siyang nakisiksik sa mga ito para makalabas papunta sa prutasan. Kailangan niyang makaalis ng palengke bahala na kahit saan basta hindi lang siya maabutan ng mga ito. Hindi na niya alam kung nasaan siya dahil kung saan saan rin siya nagsusumuot makalayo lang sa mga ito. Tingin niya ay nasa kabilang bahagi na siya ng palengke, pawisan at hinihingal na siya pero hindi siya pwedeng tumigil. Pagod narin ang mga paa niya kakatakbo pero natigilan pa siya ng makita ang lalaki na hinihingal at nakaabang sa kanya. Nagbagsakan ulit ang mga luha niya at patakbo na tinalikuran ito pero masyadong mabilis ito at naabutan siya. Agad siyang nahawakan nito sa braso.
"Parang awa mo na Vince ayoko ngang sumama!!!!", umiiyak niyang singhal dito
"Celina,, sandali",
"Please Vince hayaan mo na ko,, sasaktan lang ako ni Angelo please pabayaan mo na kong makatakas",
"I'm sorry, hindi ko akalain na magagawa ka niyang saktan", natigilan naman siya, bakas sa mga mata nito ang awa para sa kanya,,
"Hayaan mo nakong makalayo Vince",
Nagulat pa siya ng hilahin siya nito patakbo,
"Vince!!!",
"Trust me", saad lang nito habang tumatakbo sila, napanatag naman siya habang papunta sila sa hindi niya alam na lugar, ilang iskinita ang pinasukan nila hanggang sa mapansin niya ang kabilang kalsada. Malayo layo na ito sa palengke,
"Hanggang dito nalang Celina, kailangan ko ng bumalik kay Angelo," hinahapong saad nito, hindi siya makapaniwala na nagawa siyang tulungan nito.
"S-Salamat,"
"Mag iingat ka, alis nako", sinundan niya lang ito ng tingin habang natakbo papalayo. Nakahinga naman siya ng maluwag at nanghihina napaupo sa isang tabi. Buong akala niya ay katapusan na niya, hanggang ngayon ay nanginginig parin ang mga kamay at tuhod niya sa takot. Hindi niya alam kung ano ng nangyayari sa binata at nagagawa na nitong saktan siya. Ngayong alam na niya ang tinatagong kasamaan nito ay mas lalong hindi siya papayag na maikasal dito.
Ilang oras siyang nagpalipas sa lugar na pinag iwanan sa kanya ni Vince, nakakita siya ng bakanteng pwesto ng tindahan ng isawan at walang tao kaya dun siya pansamantalang nagtago. Para siyang paslit na nawawala, muli bumagsak ang mga luha niya sa pisngi. Wala siyang ideya kung anong lugar ito natatakot siyang kumilos at baka makita niya lang ulit sa paligid ang binata.
"Daddy", humihikbi niyang saad, muli niyang pinakalma sa iyak ang sarili at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi, malapit ng mag dilim kailangan niyang lakasan ang loob para makabalik sa tinutuluyan. Pero hindi niya alam ang daan pabalik, hanggang sa napagpasyahan na niyang tumayo at maglakad. May mga nakikita siyang tricycle, inayos niya ang sarili para makapagtanong sa mga ito kung saan ang sakayan.
***
Gabi na ng makauwi siya sa Rest house pero nagtataka siya kung bakit walang ilaw ang buong bahay. Sandaling nagpark siya sa gilid ng makita ang isang tricyle nakita niyang bumaba doon si Manang Becky at nagmamadali na binuksan ang gate, pero nagtaka siya kung bakit nag iisa ito.
Agad niya naman binusinahan ito kaya napalapit sa gawi niya.
"Ay Sir Harry nariyan napo pala kayo, pasensya napo ginabi na ko ng dating", tarantang saad nito bitbit ang maraming supot
"Nasan si Kuya Bigs at Celina Manang??", problemado na humarap naman ito sa kanya na halos mabitawan na ang mga bitbit
"Yun nga po Sir eh, pauwi na sana kami pero bigla naman nawala si Celina, ang batang yun hindi namin mahanap hanap. Nagpaiwan si Joselito at hinahanap parin si Celina",
Napakunot noo naman siya saan na naman kaya ito napunta?,
"Buksan ko po muna ang gate Sir para po maipasok niyo na ang sasakyan", sinundan niya lang ito ng tingin habang binubuksan nito ang gate, napahinga naman siya ng malalim. Bakit ba lagi nalang itong nawawala? kusa namang kumilos ang kamay niya at inistart ang makina ng sasakyan. Hindi mapapanatag ang kalooban niya kung sa puder niya ito mapapahamak lalo pa at napag alaman niya na lumayas ito sa taong pinagkakatiwalaan ng magulang nito.
Nagtaka nalang ang ginang sa biglang pag alis ng sasakyan ng binata. Agad niya naman sinagot ang tawag sa kanyang telepono
"Heloo? nakita mo na ba??? ano kamo??? naku naman Joselito!!! nasubukan mo naba sa presinto??? si Sir Harry?? oo nandito na siya pero bigla din umalis... Siya sige na ikutin mo ulit!!!",
problemado na inoff nito ang telepono at muling sinara ang gate.