Part 13

1741 Words
Palabas na siya ng kalsada ng mahagip ng tingin niya ang babaeng naglalakad na tila wala sa sarili. Sandali siyang tumigil at pinagmasdan maigi ang kabuuan nito. Hindi siya pwedeng magkamali, si Celina ito pero ang pinagtataka niya ay kung anong nangyari dito. Nagmamadali na pinihit niya pabalik ang sasakyan at agad na itinigil. Mabilis rin siyang bumaba para salubungin ito ramdam niyang may kakaibang nangyari dito. "Celina", Tumigil naman ito sa paglakad at nag angat ng tingin sa kanya. Halatang kagagaling lang nito sa pag iyak pero napamaang siya ng mapansin ang sugat sa gilid ng labi nito. Pakiramdam niya ay may kung anong kumirot sa dibdib niya ng makita ang sitwasyon ng dalaga. "Sir Harry!!", Agad itong kumilos patakbo at yumakap sa kanya, narinig niya nalang ang mahinang hikbi nito. Naangat niya naman ang dalawang kamay pahawak sa balikat nito. "Anong nangyari?? naligaw kaba ulit?", namamasa ang mga mata na tumingin naman ito sa kanya saka ito pilit na ngumiti sabay tango. "Akala ko hindi nako makakabalik, pero buti nalang may mabait na driver na naghatid sakin dito", sagot nito sa pagitan ng pagluha, pilit pa itong ngumiti sa kanya pero alam niyang may iba pa itong hindi sinasabi, meron itong nililihim at hindi mapapalagay ang kalooban niya na hindi ito alamin. "Umuwi na tayo", saad niya lang dito saka marahan itong hinila papunta sa sasakyan. Nang makasakay sa loob ay napansin niya pa ang pantal sa braso nito na agad naman nitong tinakpan. Wala silang imikan habang papauwi minabuti niya naman na tawagan si Kuya Bigs para sabihin na natagpuan na niya ang dalaga. *** "Celinaaa!!!!", agad siyang sinalubong ng nag aalalang ginang. "Manang becky", yumakap naman siya dito, buong akala niya ay hindi na siya makakauwi sa mga ito "Ano kaba namang bata ka!! anong nangyari hah?? sabi mo babalikan mo kami sa gulayan??", "Pambihira Celinaaaa!!! gusto mo talaga atakihin ako, yan ba ang bwena mano mong regalo sakin?? pambihirang bata toh" napalingon naman siya ng marinig ang malakas na boses ni Boss B, hindi niya mapigilang hindi mapaluha sa harap ng mga ito matapos ang nangyari. "S-Sorry Boss B,, pinag alala ko na naman kayo. S-Sorry", "Ano bang nangyari Celina? at bakit ka may sugat sa labi?", "Ano?? nakipagbugbugan kaba?? sino naman ang nanakit sayo??", umiling naman siya sa mga ito, magsasalita pa sana siya ng mahagip ng tingin niya ang binata na nakamata sa kanya. Seryoso ang mukha nito at hindi niya malaman kung ano ang iniisip, pinunasan niya lang ang naglandas na luha sa kanyang pisngi saka sandaling nagpaalam sa mga ito para pumasok sa kanyang kwarto. "Lumabas ka mamaya para kumain, malapit narin matapos itong niluluto ko", narinig niya pang saad ni Mang Becky, nanghihina na napaupo siya sa kama matapos niyang maisara ang pinto ng kwarto. Ngayong alam na ni Angelo ang kinaroroonan niya hindi na mahirap dito ang tuntunin siya. Laking pasalamat niya na hinayaan siyang makatakas ni Vince. Sandali siyang nagpahinga at nagtungo sa banyo para maligo. Napahawak nalang siya sa sugatang labi niya, maging sa braso niya na may bakat pa ng pantal sa higpit ng pagkakahawak nito kanina. Ngayon niya rin naramdaman ang pananakit ng anit niya dahil sa paghablot ng buhok niya kanina. Malungkot na napangiti nalang siya hindi niya akalain na magagawa ng binata ang saktan siya. Ang dating maginoo at mabait na pagkatao nito ay tila naglaho. Matapos niyang makapagbihis ay dinampot niya ang kanyang bag pack at kinuha ang cellphone niya. Dumiretso siya sa labas ng gate kung san naron ang basurahan at agad niyang tinapon doon ang gamit na cellphone. Tiyak niyang dahil dito kaya nalaman ng binata ang kinaroroonan niya, natatandaan niyang sa palengke niya huling nagamit ito kaya marahil doon ang eksaktong address na nakuha nito. Nagulat pa siya ng pagpihit niya paharap ay nakatayo sa harapan niya ang seryosong mukha ng binata. "Sir Harry?", "Sumunod ka sakin", walang emosyong saad nito bago tumalikod papasok sa loob, agad naman siyang tumalima at kinakabahan na sinundan ito paakyat sa silid nito. Nang makarating siya sa tapat ng pinto nito ay nag alangan pa siya kung papasok o hindi, kinakabahan siya inaasahan na niyang magtatanong na ito kung ano ang tunay na nangyari. Wala na siyang choice kundi sabihin dito ang totoong dahilan. Marahan siyang kumilos papasok sa loob ng silid nito, nakita niya naman na nakaupo na ito sa mesa nito kaya lumapit na siya dito. Sumenyas naman ito na maupo siya sa upuan kaharap nito kaya agad niyang ginawa. Nakayuko siya habang kaharap ito, hindi niya ngayon magawang salubungin ang tingin nito. Nagawi naman ang tingin niya sa Id na nasa lamesa nito, kumilos naman ang kamay nito para ilapit sa kanya. Nagtataka tuloy siya kung paano napunta dito ang Id niya, "I want you to tell me the truth Celina, para matulungan kita. Sinabi na sakin nila Manang Becky at Kuya Bigs kung paano ka napunta dito", mahinahong saad nito kaya napatingin siya dito, sandali siyang natahimik at kinapa ang mga dapat niya ng sabihin dito. "I'm sorry Sir kung pati kayo nadamay sa problema ko", simula niya habang mataman naman itong nakikinig at naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "Umalis ako samin dahil gusto kong lumayo sa taong pinagkakatiwalaan ng parent's ko. Hindi ako uuwi hanggat hindi pa sila bumabalik", Marahan naman itong napatango habang tuloy na nakikinig sa kanya. "Kanina sa palengke, hindi ko akalain na makikita nila ako doon, kaya pinilit ko ulit na tumakas,," natigilan siya kasabay ng muling pagtulo ng kanyang luha, muli umahon ang takot sa kanyang dibdib ng maalala ang pananakit sa kanya ng binata kaya napatitig ito sa kanya "Nagawa kang saktan ng taong pinagkakatiwalaan ng mga magulang mo??".,biglang tanong nito kaya tumango siya "Nagpumiglas ako para hindi niya ko maisama pauwi, wala nakong tiwala sa kanya at alam kong sasaktan niya lang ulit ako kaya hindi nako magtitiwala pa sa kanya. Kaya hindi ako uuwi", aniya saka pinunasan ang luha sa pisngi. "Ang mga magulang mo, nasan sila?" "Nasa ibang bansa Sir, may business trip sila at mukhang nagkaproblema kaya hindi pa nila magawang makauwi", Muli naman itong napatango sa sinabi niya, bigla siyang nag-alala hindi kaya paalisin na siya nito? "Sir?? pwede bang magstay muna ako dito?? wag mo muna akong paalisin", pakiusap na saad niya, "I will help you to talk to your parent's, nang malaman nila ang katotohanan sa taong pinagkakatiwalaan nila sayo", napakurap naman siya habang titig na titig dito, lalo tuloy niyang nagugustuhan ito sa kabutihinang pinapakita nito sa kanya. "T-Thank you Sir", "Take a rest", marahan lang siyag tumango saka nagpaalam dito. Masyadong madrama ang araw na toh sa kanya, ilang beses na siyang umiiyak at pakiramdam niya ay naubusan na siya ng tubig sa katawan. Pero guminhawa naman ang pakiramdam niya na nasabi sa binata ang problema niya, umaasa siya sa tulong na sinabi nito. *** "Kasalanan mo toh Vince, hinayaan mong makatakas si Celina", angil niya sa kaibigan habang binabaybay nila ang daan pabalik sa Hotel na pinagcheck inan nila,inabot na sila ng gabi kakahanap dito pero hindi na nila makita ni anino ng dalaga. "Sinabi ko naman sayo Pare easyhan mo lang, pero anong ginawa mo?? sinaktan mo pa", "Alam mong kahit anong gawin ko na pakiusap ko sa babaeng yun magmamatigas parin yun", hindi niya narin mapigilan ang sarili kanina na hindi ito saktan, "Mali parin ang ginawa mo, tingin mo papalagpasin ni Tito Julius pag nalaman niya ang pananakit mo kay Celina?", sinamaan niya naman ng tingin ito "Wala na siyang magagawa Vince, bank crupt na ang negosyo nila at tanging si Celina lang ang makakasagip sa kanila oras na maikasal nila kami", "Anong ibig mong sabihin??", takang saad nito, napangiti naman siya ng nakakaloko. Alam niyang malapit ng malugi ang negosyo ng mga magulang nito, hindi rin agad agad na makakauwi ang mag asawa pabalik ng pilipinas dahil pinapahold niya sa mga stock holders ang Visa ng mag asawa hanggat hindi nababalik ng mga ito ang ilang financials na nagamit. Wala ng kakayahan na mabayaran nito ang ilang stock holders kaya malaking problema ang kinakaharap ng mga ito ngayon. Kaya naman magagawa niya ang gusto niya at ngayon palang ay tinuturing na niyang pag-aari si Celina, sa kanyang mga kamay rin naman ito babagsak. Bandang huli wala ng ibang pagpipilian ang mga magulang nito kundi ang ipakasal sila para maisalba ang kanilang kumpanya na balang araw ay mapapasakamay niya rin naman. Siya ang inaasahan ng mga ito na magtataguyod sa kanilang negosyo dahil alam niyang walang kakayahan ang dalaga. Maganda lang ito at nakakaakit tama lang ito na manatili sa bahay upang pagsilbihan siya at ng kanilang magiging Anak. Alam niyang walang hilig sa pagnenegosyo si Celina at hindi niya rin alam kung ano ba gusto nito bukod sa masarap at marangyang buhay. Kaya niya naman ibigay yun sa dalaga at gagawin niya ang lahat ng gusto nito basta't mahalin lang siya nito. Sa tuwing naiisip niya ang damdamin sa kanya ng dalaga ay kumikirot ang puso niya, handa niya namang gawin ang lahat mapaligaya lang ito pero ang hindi niya maintindihan kung bakit parang hindi parin siya sapat, bakit hindi siya magawang mahalin nito samantalang sobra niya itong mahal. Nagagawa na nga niya itong saktan sa labis niyang pagmamahal. Nagsisisi rin naman siya pero wala na siyang magagawa masyadong matigas ito. Hindi siya papayag na hindi matuloy ang kasal nito pagkatapos ng graduation, gagawin niya ang lahat mapasakamay lang ang dalaga. Hindi niya man matagpuan ito sa ngayon pero pinapangako niya na ito na mismo ang lalapit sa kanya. Ilang buwan nalang at graduation na nila, sa ginagawa nito ay mas lalo lang itong hindi makakagraduate pero walang magbabago sa kanyang plano na maikasal dito sa lalong madaling panahon. Sisiguraduhin niya na isa sa mga araw na toh ay babalik ang dalaga sa kanya. "Mabuti pa sigurong hayaan mo munang makapag isip si Celina, magpahinga karin. Nadadala kalang ng emosyon mo kaya mo siya nasasaktan", muling saad ng kanyang pinsan sa kanya, "Tama ka, kahit naman anong gawin niyang pagtatago. Kusa rin siyang uuwi", sabay ngisi niya, sisiguraduhin niyang sa ginawa nito ay mas lalong hindi makakauwi ang mga magulang nito at pagdumating ang araw na mawawala na sa kanila ang lahat wala na itong pagpipilian kundi ang bumalik. Nasisiguro niyang wala itong kakayahan na maisalba ang kahat at sa kamay niya lang ito babagsak. "Sakin din ang punta mo Celina kahit anong gawin mong paglayo mapapasakin kapa rin",
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD