Tapos na niyang ayusin ang mga gamit niya, mamayang gabi ay flight na niya pabalik ng pilipinas. Ito na ang huling araw niya dito at nabigo siya na makausap ang binata. Pero nagawa niya namang makita ito mula sa malayo. Unti unti na niyang tinanggap sa sarili ang kabiguan. At least sinubukan niya, malungkot siyang napangiti habang pinagmamasdan ang lucky coin na galing dito. Muli lang kumirot ang dibdib niya kasabay ng pagbagsakan ng luha niya. Agad na siyang nag ayos para lumabas, muli niya tiningnan ang address card na hawak. Naisipan niyang dumaan dito bago siya tuluyang umuwi ng pilipinas. Pagtigil ng taxi sa harap ng hotel ay ibinigay niya dito ang Address na kinaroroonan ng Ninang at Ninong niya. Mahigit kalahating oras ang byahe niya hanggang sa makarating siya sa tapat ng may kala

