2years Later... Mataman niyang pinagmamasdan ang suot suot na singsing, mula ng araw na matanggap niya ito ay lagi na niyang suot suot ito sa daliri. Napahinga pa siya ng malalim bago tumayo sa kinauupuan, nakarinig siya ng ilang katok sa pintuan kasabay ng pagpasok doon ng secretary niya. "Here's you're request Mr. Steve", wika nito saka inilapag sa ibabaw ng lamesa niya ang isang brown envelope, tumango naman siya saka ngumiti sa babae. "Thank you, Jane cancelled all my meeting tomorrow". aniya at binuksan ang laman ng brown envelope, "But Mr. Smith expecting you tomorrow Sir, they assume the renewal of contract from us", itinaas niya naman dito ang hawak na papel kaya natigilan ito, hawak na niya ang resignation letter niya na ipapasa sa Director. Tapos na ang contrata na napirmahan

