Ilang oras na siyang nandoon sa Presinto at ayaw pa siyang paalisin ng mga ito hanggat walang natubos sa kanya. Malaking halaga ang hinihingi sa kanya nung manyak na driver dahil sa nasira nitong sasakyan. Kung makakapagwithdraw nga lang siya ay baka sinampal na niya ito ng bentemil.
"Ginagabi kana dito Miss bakit kase ayaw mo magbigay ng contact person na tutubos sayo. Aabutin ka dito ng umaga niyan",
"Wala nga akong kakilala dito Sir, dayo lang po ako dito",
"Eh pano ka namin matutulungan niyan. Kahit isa wala kabang kakilala? o kaya Address nung tinutuluyan mo", wika ulit nung isang Pulis
"Hindi ko rin po alam ang Address ni Sir Harry",
"Sir Harry? anong apelyido non?",
Napakamot ulo naman siya, bakit nga ba hindi niya inalam ang apelyido nito? maging ang buong pangalan ni Boss B at Manang Becky ay hindi niya rin alam. Sumasakit na talaga ang ulo niya dagdag pa ang kumakalam niyang sikmura.
"Hindi mo rin alam? tsk tsk. Mahihirapan tayo niyan Miss",
Isinandal niya nalang ang ulo sa pader at ipinikit ang mga mata, siguro ay nag-aalala na sa kanya ngayon si Manang Becky, yung panglahok nila sa caldereta ay nasa kanya pa. Napadilat siya ng maalala ang binata, nakauwi na kaya ngayon sila Sir Harry? hinahanap kaya nila ako?? Muli naman ang pagkalam ng sikmura niya nagugutom na talaga siya.
"Celina Galvez, abswelto kana naroon na sa labas ang sundo mo", narinig niyang saad nung isang officer kaya napatayo siya.
"Huh?? may sumundo sakin Sir? sino anong pangalan??", kabadong saad niya, hindi naman siguro si Angelo diba?? kundi katapusan na niya
"Ang mabuti pa puntahan mo nalang sa labas, binayaran narin niya ang damaged na ginawa mo dun sa dalawang sasakyan",
"Huh?", dali dali naman siyang kumilos palabas ng quarters at baka magbago pa ang isip ng mga ito. Pagdating sa labas ay isang matangkad na lalaki ang nakita niya habang nakatalikod at kausap ang isang officer. Namasa ang mga mata niya ng makilala ang kabuuan nito,
"S-Sir Harry!!!",
Nabitawan niya ang bitbit na supot at agad sinalubong ng yakap ang binata. Hindi na niya napigilan ang sarili na mapaiyak habang nakayakap dito.
"Everything is fine Celina, makakauwi kana", napaangat naman ang tingin niya saka humiwalay ng yakap dito. Hindi niya akalain na ito ang sasagip sa kanya, hulog talaga ito ng langit, kaya siguro hindi siya masyadong nag aalala dahil masasagip siya nito
"I want to file a case against that rude driver, I will send my lawyer right now", muling baling ng binata sa Officer na kausap nito, halos mapanganga naman ito .
"Sir Harry, okay na po yun",
"Let's go", saad lang nito saka kinuha ang braso niya, pero binalikan niya ulit dampot ang nabitawang supot kaya napatingin ito doon.
"What is that?",
"Y-Yung pinabiling carrot at patatas ni Manag becky Sir",
"The Heck, nag-aalala na sila Kuya Bigs at Manang
becky sayo", saad nito habang papunta sila sa parkingan.
"I'm sorry Sir", pinagbuksan naman siya nito ng sasakyan kaya agad na siyang sumakay sa loob. Hindi niya tuloy magawang tingnan ito ng habang binabaybay nila ang daan pauwi. Nanatili siyang tahimik dahil nahihiya siya sa mga nangyari.
"Don't blame yourself Celina, the important thing is you are safe", marahan namang napaangat ang tingin niya dito, hindi lang ito saksakan ng gwapo kundi napakabait pa. gusto niya tuloy ulit maiyak sa kabila ng nangyari ay maswerte parin siya gusto niya sanang itanong kung pano nito nalaman ang kinaroroonan niya pero pinili niya nalang ang manahimik,
"Thank you Sir, hindi po ba kayo nagagalit sakin?",
"No, I'm not. I just remembered something",
"Huh?", saka niya nasilayan ang malungkot na ngiti nito habang nakatuon ang tingin sa pagmamaneho.
"Whenever they could not find her, sa presinto ko siya laging natatagpuan",
Napamaang lang siya dito, hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito pero ng masilayan niya ang malungkot na mga ngiti nito ay nasisiguro niyang importanteng tao ito sa binata, hanggang sa makauwi sila pareho sa Rest House.
"Celina !!! salamat naman at nakauwi kang bata ka!!", salubong sa kanya ni Manang Becky na agad siyang niyakap
"Pambihira kang bata ka muntik nakong makarating ng Quezon Province kakahanap sayo! akala ko ba alam mo na ang daan pauwi??", saad naman sa kanya ni Boss B
"May nangyare po kase Boss B, Manang Becky pasensya napo", sabay naman napatingin ang dalawa sa pagbukas ng sasakyan at lumabas don ang binata.
"Si Sir Harry ang nakahanap sayo??",
"Aakyat lang ako para magpalit, sabay sabay na tayong maghapunan sa kusina", wika lang ng binata saka iniabot kay Boss B ang hawak nitong Susi, sinundan lang nila ito ng tingin habang paakyat ito ng hagdan.
"Ano bang nangyari Celina? san ka ba napunta?", ani ng ginang habang papunta silang kusina,
"At bitbit mo parin itong Carrots at Patatas mo? pambihira ka talagang bata. Pero himala na napagdrive mo si Sir Harry",
"Huh?", takang saad niya pero hindi na siya sinagot nito kaya kinuwento niya nalang sa dalawa ang nangyari. Nang bumaba ang binata ay sabay sabay na silang naghapunan, medyo nanibago pa siya dahil ito ang unang beses na nakasabay nilang kumain ang binata madalas kase ay doon ito kumakain mag isa sa silid nito.
"Ako ng bahala dito Celina alam kong napagod ka maghapon magpahinga kana",
"Ilalagay ko lang po itong basura sa labas Manang Becky" paalam niya dito saka kinuha ang Garbage Bag,maaga naman itong dadaan ng truck kinabukasan. Napangiti pa siya ng makita ang dalawang puting pusa na laging nag aabang sa labas ng gate nila, madali siyang bumalik sa loob at kinuha ang binili niyang cat food na nasa loob ng bag niya. Lumabas din siya agad dun sa dalawang pusa na nakaabang at parehas na binigyan ito ng pagkain
"Yan, kayo talaga ang naalala ko bilhan ng pagkain ng mapunta ako sa bayan", magiliw na saad niya habang hinahaplos haplos ang ulo ng dalawang pusa.
"Oy Celina! ano pabang ginagawa mo dyan sa labas? baka mawala kana naman", narinig niya pang saad ni Boss B kaya napatayo na siya,
"Bukas ulit guys, wag kayong mag alala marami pako niyan", aniya saka humakbang na papasok ng gate pero ng mapaangat ang tingin niya ay napansin niya ang binata sa Veranda at matamang nakamasid sa kanya. Kanina pa kaya siya nakikita nito? nakaramdam siya ng hiya kaya napayuko nalang siya at pumasok na sa loob ng gate.
"Magpahinga kana Celina, hayaan mo sa susunod hindi na kita hahayaan na mag isang magpunta sa bayan, hindi ka naman ba nasaktan?", wika ng ginang sa kanya ng makapasok siya sa silid nila.
"Hindi naman po Manang Becky, maraming salamat po at napakabuti niyo sakin",
"Wala iyon Celina, hindi kana iba samin dito para kana rin naming pamilya ni Joselito. Maingay lang ang bibig nun pero labis labis ang pag aalala non saiyo",
Napangiti lang siya dito, lubos niyang pinagpapasalamat na sa mabubuting tao siya napunta sa ginawa niyang paglalayas. Kinabukasan ay maaga siyang gumising para maghanda ng almusal. Siya ang toka sa pagsasaing, sa ilang linggo niyang pananatili ay natuto rin siyang magsaing sa rice cooker hindi lang yon natuto rin siyang maglaba ng sarili niyang damit at gumising ng maaga. Kabaliktaran ng buhay niya dati na tanghali kung gumising, may naglalaba ng kanyang mga damit at naghahanda ng makakakain. Hindi niya akalain na darating siya ganitong sitwasyon kaya niya naman palang mag adjust para sa sarili niya.
"Ang aga mong nakatulala dyan Celina, masarap ngayon mag jogging sa dalampasigan pampalakas ng buto buto", untag sa kanya ni Boss B, saka niya napansin na nakaporma pang jogging ito
"Osige sama ako Boss B",
"Ang bilis mo talagang kausap bata ka, oh tara na sandali lang naman tayo",
Sinabayan niya lang ito sa pag jajogging nito at tama ito ang sarap sa pakiramdam ang maglakad lakad ng ganon kaaga sa dalampasigan.
"Wow ang sarap maligo dito tapos meron pang kubo dun oh! pwede rin tayo mag ihaw ng pusit at isda Boss B!", exited na saad niya ng matanaw di kalayuan ang isang kubo
"Wag ka mag alala dyan ko gaganapin ang birthday ko Celina, mangyayari talaga yang gusto mo"
"Wahh talaga? kelan ba ang birthday mo?? bukas naba??"
"Next year pa wag kang excited", natatawang saad nito
"Ay naman eh, pwede naman diba kahit hindi mo birthday??",
"Hindi pwede dahil luluwas na ulit kami ng Manila ni Sir Harry",
"hah?? pero babalik pa naman ulit kayo diba??",
"Naku yon ang hindi ko sigurado Celina, ang alam ko dun na ulit mag iistay si Sir", natigilan naman siya sa narinig, dumating na yata ung araw na ikakalungkot niya ang pag alis ng binata at hindi niya pa alam ang sunod na gagawin.
Hanggang sa nakabalik na sila sa Rest house ay tahimik lang siya, natigilan pa siya ng makita ang binata mukang nag jogging din ito di kalayuan.
"Celina", napalingon naman siya dito
"Sir??",
"Napag isipan mo naba ang offer kong scholarship sayo?", napatitig lang siya dito, pano niya sasabihin na ayaw na niyang mag-aral? at gusto niya lang ay nasa tabi nito.
"Uhm, Sir pwedeng iba nalang ioffer niyo?"
"Huh?", bakas ang pagtataka sa mukhang reak nito, napakamot ulo naman siya
"Kailangan niyo po ba ng Personal Assistant? o kaya yayabels, pwede ako Sir?? ayoko na po kase talagang mag-aral eh", nagulat pa siya ng biglang matawa ito
"Seriously Celina??", akala siguro nito ay nagpapatawa o nagbibiro siya pero ito lang ang way niya para hindi mawalay dito.
"I'll think about it, but I hope you're just kidding", saad pa nito bago pumasok sa loob ng gate, napailing naman siya,
"Mukha bakong nagbibiro??, hays naman!",
***
Abala siya sa paghuhugas ng pinggan ng makarinig siya ng ugong ng sasakyan mula sa labas, sabik na sumilip siya sa may bintana at nakita niya ang binata na kadarating lang. Napahinga siya ng maluwag, buong akala niya ay luluwas na ulit itong Manila at don na mag-iistay. Binibiro na naman siguro siya ni Boss B.
"Oy Celina busy kaba??", napalingon siya ng marinig ang boses nito
"Boss B!, hindi naman tinatapos ko lang etong hugasin",
"Sakto dalian mo dyan at marami akong pasalubong sayo",
"Hah?" takang saad niya saka minadali ang ginagawa. Tinapos niya muna banlawan ang mga baso saka nilagay sa lagayan nito, agad rin siyang nagpunas ng kamay at naghubad ng Apron.
"Sakto matutuwa ka dito sa mga pinamili namin",
"Ano bang mga yan Boss B? may pagkain ba??", aniya ng makalapit dito saka niya napansin ang maraming mga paperbag na dala nito.
"Gutom kana naman ba? walang pagkain dito eh, puro damit itong pinamili namin ni Sir",
"Hah damit??"
"Oh eto, sayo lahat ng yan. Dahil mabait kang bata may reward ka, pakibigay mo nalang etong tatlong paper bag kay becky para sa kanya yan", anito habang inaabot sa kanya ang mga paper bag, agad niya naman sinilip ang laman at puro mga damit ito
"Ang dami naman nito Boss B, ang bait niyo talaga nag-abala pa kayong bilhan ako", natutuwang saad niya dito habang isa isang tinitingnan ang laman ng bag
"Naku hindi ako ang bumili niyan Celina, ako lang ang nagbitbit pero si Sir Harry ang bumili niyan para sayo, napansin niya siguro na paulit ulit ang damit mo",
"hah?, ah,, he he", napakamot ulo lang siya, pero masaya siya na naisipan pa nitong bilhan siya ng mga gamit, nahihiya na talaga siya dito.
"Napag isipan mo naba ang inaalok sayo ni Sir?? pagkakataon mo na yun Celina. Alam mo ba na maraming kabataan na natutulungan yan si Sir? isa na doon si Mam Clara", napailing naman siya dito
"Sabi ni Sir Harry pag iisipan niya raw ung offer ko",
"Anong offer?" napangiti naman siya dito
"Na maging Personal Assistant niya o kaya maging Yaya",
"Nak ng tipaklong kang bata ka! pag aaral inooffer sayo tapos pagiging yaya lang ang gusto mo??"
"Si Sir Harry naman ang pagsisilbihan ko kaya okay lang sakin Boss B, suportahan mo naman ako", aniya dito, napakamot ulo naman ito
"Mababaliw ako sayong bata ka, kung ako magulang mo baka nadagukan na kita. Siya ipasok mo na muna yang mga yan sa kwarto mo",
"Salamat Boss B" nakangiti niyang saad dito bago niya ito iniwan bitbit ang maraming paper bag papasok ng silid niya.
Tama ang naiisip niya para hindi siya mahiwalay sa binata, mag aaplay siyang personal assistant o di kaya ay yaya nito. Oras na pumayag ang binata ay wala na siyang problema, sasama na siya dito kahit san pa ito magpunta. Pero bigla niya naisip ang mga magulang, pag nakabalik na ang mga ito galing business trip ay sasabihin niyang nagtatrabaho siya na hayaan na muna siyang gawin niya ang gusto niya. At hindi siya papayag na mapakasal kay Angelo, mas gugustuhin niya nalang na pagsilbihan habangbuhay si Sir Harry kesa ang makasal sa lalaking hindi niya mahal.