Part 9

2191 Words
Paakyat na siya ng hagdan bitbit ang isang basong gatas ng mapansin niya ang dalaga na papasok ng kusina. Sandali namang kumilos ang mga paa niya papunta sa gawi nito. Nakita niyang tahimik itong nakaupo at nakayuko sa hawak na telepono. Tatalikod na sana siya ng marinig niya ang pagsinghot nito kaya naman napatingin ulit siya dito, tahimik itong umiiyak at agad na nagpupunas ng pisngi. Inihakbang niya naman ang mga paa palapit dito saka marahan niyang inilapag ang isang basong gatas sa harapan nito. Tila nagulat naman ito sa pagdating niya. "Kailangan mo nyan", yun lang ang nasabi niya saka nagtungo sa lagayan ng mga baso at kumuha ulit ng isa pa. Binuksan niya ulit ang ref at muling nagsalin ng gatas. Nag-aalala na sinulyapan niya ulit ito, pinaka ayaw niya ang makakita ng babaeng lumuluha. "T-Thank you Sir", mahinang saad nito habang nakayuko, sandali namang natigilan siya at nakatitig lang dito. "Nabanggit sakin ni Kuya Bigs na sa Manila ka nakatira, gusto mo bang sumama sakin bukas pa Manila?" tanong niya, baka namimiss na nito ang pamilya at gusto ng umuwi, agad naman itong napalingon sa kanya "Aalis na kayo Sir??", "May aasikasuhin ako sa Manila pero babalik din naman ako agad", "Ah,, hindi pa ko pwedeng umuwi Sir", "May problema ba Celina?", tanong niya dito pero hindi lang ito umimik, sa ilang araw na pananatili nito dito sa Rest House ay hindi naman siya nagkaron ng problema sa dalaga, maasikaso ito pagdating sa kanya kasundo rin ito ng dalawa niyang kasama kaya naging palagay ang loob niya dito. Ang huling rinig niya lang kay Boss B ay may problema ito sa pamilya nito. Agad naman nitong ininom ang gatas at nakangiti na humarap sa kanya. "Salamat sa gatas Sir, matutulog na po ako. Matulog narin po kayo, maaga ko po kayong hahandaan ng almusal bukas", Natulala lang siya sa sinabi nito, sinundan niya lang ito ng tingin habang hinuhugasan nito ang baso at nagtuloy tuloy na palabas ng kusina. Ayaw man niyang aminin pero nakikita niya dito ang ginagawang pag aasikaso sa kanya noon ni Clara, ang pagiging maalalahanin nito pagdating sa kanya. Hindi siya si Clara,, Harry!!, kastigo niya sa sarili bago ininom ang gatas at pumanhik na sa taas. Nakahiga na siya sa kama pero ang isip niya ay nasa dalaga parin. Alam niyang masaya na si Clara sa piling ni Diego pero hanggang ngayon hindi parin maalis sa isipan niya ang mga pangarap na binuo niya para sa kanilang dalawa. Hanggang sa nakatulugan na niya ang kakaisip. Napamulat nalang siya ng makarinig ng katok at marahang pagbukas ng kanyang pinto. Alam niyang si Celina ito, ganito ito kaaga maghanda ng almusal niya. Ipinasya niya munang ipikit ang mga mata, pero di rin siya nakatiis na hindi magmulat para muling matunghayan ang maamong mukha nito. May bitbit na itong tray at langhap niya ang amoy ng aroma ng kape, ito ang lage niyang naaamoy sa tuwing nagdadala ito ng almusal. Napansin naman nito na nagising siya kaya napangiti ito sa kanya. "Goodmorning Sir, alas siete na po kase kaya inakyat ko na dito ang almusal niyo", saad nito habang isa isang nilalagay sa lamesa ang hinanda nitong almusal, "Thank you Celina," "Magpapaalam din po pala ako Sir, pupunta po ako ngayong bayan", napatango naman siya dito, "Magpasama ka kay Manang Becky para hindi ka maligaw", "Alam ko na po ang papunta don Sir tinuro napo sakin ni Boss B", "Sure ka?", tumango tango naman ito kaya sumangayon nalang din siya. "Okay, hindi kaba sasama sakin sa Manila?", sandali namang natigilan ito saka nag iwas ng tingin. "Hindi na muna Sir, mag iingat po kayo", saad lang nito saka nagpaalam na sa kanya, sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng pinto. Matapos makapag almusal ay nag asikaso na siya dahil luluwas sila ng Manila. "Let's go Kuya Bigs",aniya ng makababa ng hagdan habang inaayos ang neck tie niya, hinanap pa ng mga mata niya ang dalaga pero wala ito, "Si Celina po ba? nagpaalam po papuntang bayan may importante lang daw siyang bibilhin", "Sigurado kang alam non ang daan pauwi?", "Oo naman Sir takot lang nun di makauwi senyo", sabay ngisi pa nito, napangiti na lang siya saka sumakay sa loob ng sasakyan. "May binabanggit bang problema si Celina sainyo Kuya Bigs?", "Wala Sir ayaw nga magbanggit ng batang yun", napatango nalang siya dito pero bigla niya naalala ang pag iyak nito kagabi. Paano nito nagagawang gumising na tila walang problema. *** Pagdating sa bayan ay nakabili rin agad siya ng bagong Sim Card, saulo niya naman ang number ng kanyang kaibigan kaya ito ang una niyang tinawagan. Sinabi niya dito ang natuklasan niya kay Angelo, ang pag gamit nito sa account niya at pagpapanggap na siya. Huli na niya naisip na baka matrace nito ang lokasyon niya kahit pa magpalit siya ng sim card. "Posible parin ba yun??", aniya habang kausap parin sa kabilang linya ang kaibigan "Kailangan mo parin makasigurado taba. At kahit anong mangyari wag mo munang gagamitin ang mga access cards mo", Napabuntong hininga naman siya. "Mauubusan nako ng Cash", "Magtipid tipid kana muna, diba kamo libre lamon ka naman dun sa bahay ni Sir Harry. Excited narin akong makilala siya yiii baka siya na ang foreves mo", napangiti naman siya dito "Pwedeng umasa pero bawal masaktan taba,", "Bakit naman?? sa tono mo parang wala kana agad pag-asa sa kanya, kung kailan abot kamay mo na siya?" "Abot kamay pero ang hirap angkinin, pero pagsisikapan ko parin. Inaagahan ko lagi ang pag gising sa umaga para paghandaan siya ng almusal", "Naks naman, ang sweet mo sa ganon taba. Ewan ko lang kung dipa yun magayuma", "Gayuma? epektib ba yon?" "Oo naman. Nainlab sakin si Ram sa pag aasikaso at pagiging sweet ko sa kanya", sabay hagikhik pa nito "So sinasabi mo na ginayuma mo si Ram??", "Tangeks hindi ganon noh hihi, o sya taba malapit na magstart klase ko. Bumalik kana kase para may karamay ako", "Hindi pa sa ngayon taba. Kaya mo yan lakasan mo lang ang loob mo. Ilang buwan nalang gagraduate kana", "Ays ewan ko sayo nakakainis ka talaga. Sha bye na. bumili ka ng keypad na cellphone atleast yun dika matetrace ni Angelo", "Naisip ko narin yan pero sabi ko nga sayo wala nakong Cash", "Naku naman, pinag gagawa mo ba kase. Hindi rin naman kita mapapadalhan dahil dimo nga kamo alam address niyan", "Okay lang taba. pagdumating si Boss B makikitawag nalang ulit ako sa kanya. Okay??" "Copy taba. bye na Mag iingat ka", "Bye", aniya at enend call na ang tawag dito. Pabalik na siya sa sakayan ng maalala na niya ang pinabili na gulay ni Ate Becky, buti nalang at naalala niya pa. Ilang carrots at patatas lang naman ito para sa lulutuin nilang caldereta. Paborito daw kase ito ni Sir Harry kaya naman ito ang ihahanda nila sa hapunan. Matapos niyang makabili ng kakailanganin ay nagtungo na siya sa sakayan. Mahal ang singil sa kanya sa tricycle kaya naisipan niya nalang ang mag jeep, sa front seat na siya nakaupo. "Manong paki baba lang po ako dun sa kanto ng Resort ah", aniya sa may edad ng driver tumango lang ito saka ngumiti sa kanya. "Ala eh bago kalang dito Ineng noh?", "Uhm Opo, taga Manila po kase ako at nadayo lang dito", sagot niya muka naman kaseng mabait ito "Namimiss ko ang aking Apo, doon kase siya nagtatrabaho sa Manila at buwanan kung umuwi", Napangiti lang siya dito habang matamang nakikinig sa kwento nito habang silang nasa byahe. "Mukhang madalang ang pasahero ngayon, siguro pagkahatid ko sa kanto ng bababaan mo ay gagarahe nako", "Maigi rin hoh yun Manong para makapagpahinga kayo", nakangiting sagot niya naman dito, siya nalang din kase ang natitirang pasahero. Aandar na sana ulit ang sasakyan nito ng biglang bumusina ang isang jeep sa gilid ni Manong. "Oy tatang, ganda niyang pasahero mo ah. Ala ey naka jackpot ka mukang makinis at sariwa", wika ng driver na nakangisi pa sa kanila, "Ay nako ang lalaking ito, hindi na talaga nagbago", naiiling nalang na saad ng matanda bago muling pinaandar ang sasakyan. Sinamaan niya lang ng tingin ang driver na hanggang ngayon ay nakangisi sa kanya at mukhang kakain ng buhay "Wala hoh talagang pinipili ang mga taong manyak eh noh", "Pagpasensyahan mo na Ineng, tayo na't ihahatid na kita", "Oy tatang sandali! pagarahe narin naman ako ngayon pakilala mo muna ako dyan sa sariwang dilag", habol pang saad nito habang sinasabayan sila sa pag andar, hindi lang ito iniimik ni Manong at itinuon lang ang tingin sa pagmamaneho, nang sulyapan niya ang driver sa kabila ay hindi maalis ang ngisi nito na nakakakilabot. "Miss pwede ba magpakilala?? sakin kana sumabay dadalhin kitang langit", wika pa nito, "Wag mo lang siyang pansinin Ineng, ganyan talaga yan pag hindi nakakatira", "Hoh?," Pero nagulat sila pareho ng bigla nitong banggain ang sasakyan nila at hindi tinitigilan sa pagbunggo habang umaandar. Kalmado parin naman sa pagmamaneho ang matanda at sandaling binagalan ang pagpapatakbo. "Ano bang problema ng isang toh?", angil niyang saad habang nakahawak sa unahan, "Wag ang batang ito Edgar, lumugar ka sa ayos", saad dito ng matanda, hindi parin kasi sila tinatantanan nito. "Ipakilala mo na kase ko dyan sa Chicks na kasama mo, magbabayad naman ako ng mahal eh. Magkano ba Miss??", Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha, matalim ang mata na tiningnan niya ito. "Ang lakas naman ng loob mo na presyuhan ako eh muka ka ngang hindi naliligo???", singhal niya dito pero humalakhak lang ito at muling binangga ang sasakyan nila, muntik pa tuloy siyang tumalsik, "Ineng ok ka lang ba??", "Nakakapikon na talaga ang mukang shokoy na yan Manong, pasensya na po kung magagawa ko toh", aniya saka kinabig ang manubela na hawak ng matanda yung sasakyan naman nila ngayon ang bumabangga dito hanggang sa sinagad niya dahilan para masiksik nila ito sa gilid ng kalsada, sumalansan ang sasakyan nito sa poste at nagkayupi yupi ang unahan nito. Ilang sasakyan narin ang naabala nila dahilan para magkaron ng traffic, hanggang sa natagpuan niya nalang ang sarili na nasa presinto. Bitbit ang kanyang bag pack at pinamili ay naroon silang tatlo sa loob ng presinto. Laking pasalamat niya na naireport niya rin ang kamanyakan ng driver na toh at maging ang tunay na nangyari kung bakit sila humantong sa ganon. Pero binalikan naman siya ng reklamo nito sa naging damage ng pampasaherong jeep nito, maging ang sasakyan ng matanda ay matindi rin ang naging sira ng unahan. *** Pabalik na sila sa Rest House ng bigla naman ang pag traffic, sobrang bagal ng pag usad ng mga sasakyan kaya panay na ang sulyap niya sa kanyang relo. "Oh hello becky, ano kamo?? kaninang umaga pa yon ah?? sigurado kaba? baka nandyan lang sa kwarto natutulog,,, malapit na kami ni Sir Harry medyo natraffic lang,,, ok sige sige,, pambihira", narinig niyang saad nito mula sa kabilang linya, "Anong nangyari Kuya Bigs?" "Ays, si Celina Sir hindi paraw umuuwi hanggang ngayon. Nag-aalala na etong si Becky dahil wala raw siyang malalahok na carrot at patatas sa caldereta niya", Natigilan naman siya, pagtingin niya sa orasan niya ay pasado alas sais na ng gabi. "Hindi kaya umuwi na yon ng Manila? pero imposible dahil ayaw pa nun umuwi sa kanila. Imposible rin naman na maligaw un dahil takot lang non di makauwi", "Wala kabang number ni Celina Kuya Bigs?" "Naku Sir wala namang cellphone yun. Nakikitawag nga lang yun minsan sakin. Pambihirang bata oh, ngayon pa talaga na sobrang traffic, saan natin hahanapin yon ngayon", Sandali naman siyang napaisip kung wala pa itong balak na umuwi ng Manila saan naman kaya ito pupunta? kung naligaw naman ito magagawa nitong makapagtanong para makauwi pabalik, pero ang hindi niya sigurado ay kung alam ba nito ang address nila. Ang katabing Resort nila ang tanging landmark nito kaya imposible na hindi ito makakauwi pabalik. Hanggang sa nalagpasan nila ang traffic na nasa unahan, tila may banggaan ng dalawang jeep na hanggang ngayon ay hindi pa naaalis. Nakarating sila sa Rest house na wala parin ang dalaga. "Nandyan napo pala kayo Sir Harry, sandali po at ihahanda ko na ang hapunan", salubong sa kanya ni Manang becky pero bakas parin sa mukha nito ang pag-aalala sa hindi parin umuuwi na dalaga. "Sir magmomotor po muna ako at hahanapin si Celina, baka napano na ang batang yon kargo ko pa naman un", "Sige Kuya Bigs, balitaan mo agad ako", aniya saka umakyat sa taas, habang nagtatangal siya ng neck tie ay bigla niya naalala ang madalas rin na pagkawala ng kanyang lola. Sa presinto niya ito lagi natatagpuan. Nang maisip ang pinakamalapit na presinto ay mabilis na kumilos ang mga paa niya pababa ng hagdan. "Manang Becky nakaalis naba si Kuya bigs?," "Oo Sir ngayon ngayon lang", "Manang pabukas ng gate, may sisiguraduhin lang ako sandali", napasunod naman ang ginang kaya tumungo na siya sa loob ng sasakyan. Pagkasakay niya sa loob ay saka niya naisip na ngayon nalang ulit siya makakapagmaneho mag isa, wala na siyang choice kailangan niyang subukan kung don niya rin ba ito matatagpuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD