Isang linggo narin ang pananatili niya sa Rest House ng binata kasama ang driver nito na si Boss B at ang ginang. Nakagawian narin niya na asikasuhin ito mula sa almusal at pag inom nito ng gamot, siya narin ang nagboboluntaryo na maglinis ng sugat nito.
"Bakit hindi ka mag aral ulit Celina?", biglang wika sa kanya nito habang nilalagyan niya ng betadine ang tuyong sugat nito.
"Uhm, wala pa sa plano ko ngayon ang mag aral ulit Sir", sagot niya habang nakatuon ang tingin sa sugat nito na marahan niyang dinadampian ng bulak. Napaangat naman ang tingin niya dito at nagtama ang tingin nila, bigla siyang kinabahan kaya agad rin siyang nag iwas ng tingin
"Bakit naman? maraming opportunity ang naghihintay sayo",
"Hindi ko po kase alam kung ano talagang gusto ko, hindi ko rin naman kaya ang gusto ng mga magulang ko para sakin. Magiging isang kahihiyan lang ako sa kanila",
"Don't say that, isang araw marerealize mo rin kung ano ba talaga ang gusto mo. It's not too late",
Napangiti lang siya nang nakatingin dito, habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ito unti unti na niyang narerealize kung ano ang gusto niya. Ang manatili at makasama ito. Ayaw na niyang mag aral gusto niya nalang ang makasama ito dito.
"Malapit ng gumaling ang sugat ko and thank you sa tulong mo Celina,"
"Wala pong anuman yun Sir, hinayaan niyo naman po akong magstay dito eh",
"I have a offer for you", napamaang naman siya saka binundol ng kaba, ano kaya ang i-ooffer nito??
"Scholarship para makapag aral ka ulit, marami akong scholar students sa Manila makakapili ka ng mga University School na gusto mo pasukan",
"P-Po?? p-pero Sir", nauutal niyang saad pero nagitla siya ng hawakan nito ang isang kamay niya
"I know you can, someday you're parent's will be proud of you. Mabuti kang bata at naniniwala ako sa kakayahan mo",
"Pero Sir gusto ko lang dito, okay nakong pagsilbihan kayo",
"Huh??" takang saad nito
"Ah Ano kako okay lang naman ako Sir, baka hindi ko rin yan maipasa eh", kamot ulong saad niya, muli namang napangiti ito,
"Pag isipan mong maigi, by next month babalik narin akong Manila matutulungan kita sa pag asikaso ng mga requirements mo", wika nito bago nagpaalam sa kanya, naiwan tuloy siyang tulala at palaisipan sa kanya ang sinabi nito.
Aalis na ito next month pano na siya? ang dahilan ng pananatili niya dito ay makalayo kay Angelo at makasama ito pero pano na? Wala sa plano niya ang mag aral ulit, iniwan niya nga ang pag-aaral niya para makalayo at para dito pero ngayon na aalis na ulit ito ano ng magagawa niya?.
Sumakit ang ulo niya kakaisip ng susunod niyang gagawin, natagpuan niya nalang ang sarili na naglalakad papuntang dalampasigan.
"Ano na ngayong plano mo Celina?? hindi magtatagal aalis narin pala siya", malungkot na wika niya sa sarili habang nakatanaw sa maasul na dagat, wala pa siyang balita kung nakauwi naba ang mga magulang niya. Kung bumalik na kaya siya? magkikita pa naman sila ni Harry diba? pero pano kung hindi? pano kung pagbalik niya bigla nalang silang ikasal ni Angelo??
"Arrrghhh naman!!!", pasalampak na napaupo siya sa buhanginan .
"Oh alon lamunin mo nalang ako!!! kung di rin lang ako mapapasakamay ng taong mahal ko,, kunin mo nalang ako!!!!", parang baliw na sigaw niya, pero agad rin siyang napalingon sa paligid at baka may makarinig sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag ng mapansin na siya lang ang tao sa paligid.
"Oy Celina!!!",
Napalingon siya at nakita niya na papalapit sa gawi niya si Boos B, agad siyang tumayo at pinagpagan ang pwetan niyang puro buhangin.
"Boss B bakit po?",
"Pupunta akong bayan gusto mo bang sumama? sabi ni Sir Harry isama raw kita at baka naboboring kana dito",
"Hah talaga?? sige sama ako", nakangiti niyang saad dito pero di kalayuan ay natanaw niya sa labas ng veranda ang binata na nakatingin sa kanila. Nginitian niya lang ito saka sumunod sa kasama,
"Mag tricycle nalang tayo para matandaan mo ang daan papunta at pauwi",
"Walang problema Boss, ano palang bibilhin natin sa bayan?",
"Magpapadala lang ako ng pera sa pamilya ko, ilang araw narin kase akong hindi nakakauwi",
"Ganon po ba. Ang bait niyo po palang Ama",
"Kahit malalaki na ang mga anak ko ayoko parin silang kabayaan, gusto ko makita na maayos at maginhawa ang kanilang buhay", nakangiti saad nito habang papunta sila sa sakayan ng tricycle, bigla niya naalala ang kanyang mga magulang. Ganon din ang nais ng mga ito para sa kanya ang maging maayos ang kanyang buhay. Pero hindi sa piling ni Angelo, magiging maayos siya ng wala ito.
"Natigilan ka Celina siguro namimiss mo na ang iyong mga magulang. Ang mga anak talaga kayang tiisin ang magulang nila pero walang magulang na kayang tiisin ang anak",
"Tama po kayo Boss B. namimiss ko na ang Mommy at Daddy",
"Waw pangmayaman ah, siguro tama ang naiisip ko na anak mayaman ka", natawa lang siya dito
"Naku hindi Boss simpleng pamilya lang kami, nagsusumikap sa negosyo ang mga magulang ko para sa kinabukasan ko",
"Yun naman pala maswerte kang bata ka bat kailangan mo pang maglayas tiyak nag aalala na ang mga magulang mo nyan", hindi nalang siya umimik pa sa sinabi nito, hindi na niya kayang sabihin ang pangalawa niyang dahilan hanggang sa nakarating sila sa bayan.
"Dito madalas na namamalengke si Becky ng mga supply sa bahay. Mura at sariwa mga paninda dito", napatango lang siya habang naglalakad sila papasok sa pamilihan
"Banda doon palaisdaan tapos mga karnehan at gulayan, hindi ka maliligaw dito basta't magtatanong tanong ka lang",
"Wala naman kayong balak na iligaw ako diba Boss B?",
"Ano kaba namang bata ka, ano ka pusa para iligaw edi nalagot ako kay Sir Harry niyan", napangiti naman siya sa tinuran nito, pakiramdam niya tuloy ay may konteng pag asa na niya para sa binata. Nauna silang nagpunta sa Cebuana kung san nagpadala ito ng pera, sandaling hinintay niya lang ito sa may labas.
"Anong gusto mong kainin Celina? o gustong bilhin libre na kita",
"Talaga?? libre mo ko non Boss B", aniya sabay turo sa tindahan ng Mangrae, favorite nilang mag kaibigan iyon tuwing mag mamall sila, namimiss niya na naman tuloy ito.
"Sus yan lang pala",
"Bilhan rin natin si Ate Becky at gusto kaya yan ni Sir Harry??",
"Hindi yun mahilig sa matamis pero pag galing kay Clara hindi yun humihindee, kuya apat na order nga po",
"Malay mo naman gusto niya kahit sa iba galing",
"Malay mo nga naman lalo pag galing sayo", natatawang saad pa nito, nag init tuloy ang pisngi niya, hindi naman masamang umasa basta wag lang masasaktan.
"Oh may gusto kapa bang bilhin? mga damit mo wala kabang balak na dagdagan? kulang nalang ipasuot sayo ni Becky mga daster niya eh",
"Eh? may baon naman akong mga damit Boss B, tsaka ok lang onte hindi marami nilalabhan ko",
"Ano kaba sayang itong binigay na budget ni Sir pambili ng damit mo at kung anong mga gusto mo" natigilan naman siya sa sinabi nito
"Huh? bigay ni Sir Harry??",
"Oy kilig siya, ganon lang talaga si Sir Harry. Pag mabait ka sa kanya susuklian niya ang kabutihan mo. Total pinangatawanan mo rin naman ang pagiging dakilang Nurse sa kanya, ikaw na nga ang hinahanap minsan at hindi na ako", tila nagningning naman ang mga mata niya sa narinig dito,
"Totoo ba yan Boss B? hindi yan joke??",
"Sempre joke lang haha baka umasa kana nyan eh", napasimangot naman siya dito
"Ang huling babae na napalapit ng husto sa puso ni Sir Harry ay si Mam Clara, sa ngayon wala pa kong masabi",
"May iba pabang babae na malapit kay Sir??",
"Dito wala bukod sayo pero sa Manila nako marami, left and right tapos mga modelo pa na ang gaganda", sandali namang natigilan siya,
"Uhm ganon ba, tiyak matatalino rin ang mga yun",
"Ay sinabi mo pa. Yung iba mga attorney, businessman at diko na mabilang", napatingin naman ito sa kanya ng matahimik siya, wala pala siyang panama sa mga babae na nasa paligid nito lalo pag bumalik na itong manila.
"Bakit kase kailangang bumalik pa ng Manila ni Sir?", wala sa sariling saad niya
"Hindi lang sa Manila niya kailangan bumalik Celina, ang buhay ni Sir nasa iba't ibang sulok ng mundo. Kung ngayon nandito siya baka sa mga susunod na araw o buwan ay nasa North Pole naman siya",
"Grabe naman yon! nagjojoke kalang diba?",
"Sa lahat ng sinabi kong joke yun ang pinaka totoo, diko na nga mabilang sa daliri kung ilang bansa naba ang napuntahan namin na magkasama",
"T-Talaga? e diba Assistant mo naman ako? edi pwede mo ko isama,?" bigla naman itong natawa sa sinabi niya
"Ikaw talagang bata ka, akala mo siguro nag eenjoy lang kami don. Siguro ako Oo enjoy pero si Sir puro trabaho inaatupag non",
Muli siyang natahimik hanggang sa makabalik na sila nito sa Rest House na tinutuluyan nila. Agad siyang pumanhik sa itaas upang iabot ang dala niyang Mangrae. Nagulat pa siya ng akmang kakatok siya ay bigla namang bukas ng pinto nito.
"Oh Celina? may kailangan kaba?", napatingin naman ito sa iniabot niyang supot
"Para sayo Sir Harry, hindi yan masyado matamis sakto lang",
Napatingin naman ito sa kanya at dun sa inaabot niya, akala niya ay hindi nito tatanggapin ang alok niya pero agad naman nitong kinuha.
"Salamat, nakapamili karin ba ng ilang damit mo?", umiling naman siya, masyado siyang nalungkot sa naging usapan nila ni Boss B kaya nawala na sa isip niya ang mamili ng damit.
"Sa susunod nalang po Sir, sakto pa naman yung mga damit ko. Salamat din po", tumango lang ito saka muling pumasok sa loob, nasundan niya lang ito ng tingin at kumilos narin siya pababa.
"Oy Celina, ano kinuha ba ni Sir?", salubong sa kanya ni Boss B, marahan lang siyang tumango at bumalik ng kusina.
Tinulungan na niya maghanda ng hapunan ang Ginang, matapos nilang makapagluto ay inihanda niya narin ang pagkain ng binata. Nakagawian na niyang hatiran ito ng pagkain pagpatak ng alas sais, maging ang mga gamot na iinumin nito. Nagitla pa siya ng biglang lumabas ito mula sa banyo.
"Maaga ata ang dinner natin ngayon?", saad nito
"Mabilis pong natapos ang niluto ni Ate Becky",
"Sa baba na sana ako kakain eh para sumabay senyo",
"P-Po?",
"Pero ayos lang. Nandito narin naman yan", nakangiti pang wika nito at naupo na dun sa lamesa. Pinagmasdan niya lang ito, ilang araw na siyang nanatili sa poder nito pero hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala. Parang kailan lang para siyang baliw na pabalik balik sa Arts Gallery para sa kinalolokohan niyang portrait na hindi for sale pero ngayon nasa harapan na niya ito at buhay na kumakain.
"Celina? ikaw ba ay kumain na?",
"Ah? ah Oo Sir,, baba narin po pala ako", aniya at madaling pumanhik palabas ng silid nito. Para siguro siyang ewan ngayon sa harap nito.
Hating gabi na pero hindi siya dinadalaw ng antok, inaamin niya sa sarili na masyado na siyang nalilibang dito. Hindi na niya alam kung ano ng nangyayari sa iniwan niya. Tiyak bagsak na naman siya sa mga subjects na naiwan niya, wala na talaga siyang pag asa na makagraduate pa. Muli siya napapihit pakaliwa, nang di siya mapakali ay isinilip niya pababa ang ulo sa kama ng ginang. Double Deck kase ang kama nila at siya ang nasa itaas. Mahimbing na itong natutulog habang siya ay paikot ikot pa sa kama. Bandang huli ay dinampot niya bag pack niya at kinuha ang kanyang cellphone.
Kailangan na niyang makausap ang mga magulang niya, tiyak niyang nag-aalala na ang mga ito sa kanya at kahit anong gawin niya hindi niya parin matiis ang mga ito. Namimiss na niya ang mga ito, dali dali niyang inopen ang telepono. Wala pang segundo ay sunod sunod na ang mga message na pumasok sa cellphone niya. Pero inuna niyang buksan ang messenger niya. Isang linggo narin ang nakakalipas ng huli silang makapag usap ng kanyang Ina. Pero ganon nalang ang pagtataka niya ng mabasa ang conversation nila ng Ina.
"Hindi?? papanong???",
Don't worry Mom, okay lang ako with Angelo hindi niya ko pinabayaan.
I'm with him Ma, wag kayong mag alala Miss ko na kayo ni Dad.
Napabalikwas siya ng bangon matapos mabasa ang conversation nila ng kanyang Ina, hindi siya makapaniwala na nahack nito ang account niya at ito ang kumakausap sa kanyang mga magulang. Naikuyom niya ang palad, dali dali niya namang deneactivate ang sariling account. Hindi niya akalain na magagawa ng binata na panghimasukan ang personal na account niya, somosobra na ito!. Marahan siyang bumama ng kanyang kama bitbit ang kanyang cellphone, agad niyang tinanggal ang sim nito at tinapon sa basurahan. Pupunta nalang siyang bayan bukas para bumili ng bagong Sim ng sa ganon matawagan niya narin ang kaibigan.
***