Part 7

2149 Words
"Maganda yata ang mood mo Celina, kanina pa kita napapansin na nakangiti diyan", untag sa kanya ng ginang habang abala siyang nagdidilig ng mga halaman sa maliit nilang garden, "Ang gaganda po kase ng mga bulaklak Manang becky tapos tanaw ko pa di kalayuan yung maasul na dagat sobrang nakakarelax", aniya kahit ang totoo ay masaya dahil nagustuhan ng binata ang ginawa niyang lugaw. Hanggang ngayon ay kinikilig parin siya na kinain nito ang inihanda niya, "Kay Mam Clara ang mga bulaklak na iyan kaya gusto ni Sir Harry na naaalagaang maigi ang mga yan", "Talaga po?", tumango tango naman ang ginang "Ang totoo niyan si Mam Clara rin ang pumili ng Rest House na toh para kay Sir Harry, ineregalo niya ata ito Last year nung mag birthday si Sir", "Puro ala-ala po pala ito ni Mam Clara", ngumiti lang ang ginang bago nagpaalam sa kanya, hindi niya alam pero nakaramdam siya ng inggit sa babaeng minamahal nito. Matapos madiligan ang mga halaman ay pinatay na niya ang gripo pero nahagip ng tingin niya mula sa taas ng veranda ang binata na nakatunghay sa malawak na karagatan. Sandali niyang napagmasdan ito at kahit hindi ito magsalita bakas sa mga mata nito ang kakaibang lungkot. Nagitla naman siya ng bigla bumaba ang tingin nito sa kanya, agad siyang nag iwas ng tingin at madali na iniligpit ang hose na hawak hawak. Taranta na ipinulupot niya ito at agad ibinalik sa lagayan. Nahuli kaya siya nito ang palihim niyang pagtingin dito?? "Ays", dali dali siyang pumanhik sa loob pero agad din siyang natigilan ng makarinig ng busina sa labas ng gate. Nakasalubong niya naman si Ate Becky na nagmamadali para buksan yung gate. Isang pulang sasakyan ang pumasok sa loob at agad pumarada, hindi ito sasakyan ni Boss B marahil may inaasahang bisita si Sir Harry. "Hi Manang , how's my patient??", nakangiting saad nung lalaki na kakababa lang ng sasakyan, matangkad ito moreno at gwapo rin. "Ay kayo pala yan Doc, nasa taas po si Sir at nagpapahinga", "I'll just say hello if he's still alive, tigas ng ulo eh ayaw magpagaling sa Hospital", wika nito saka diretsong pumasok sa loob. Napangiti lang ang ginang dito, "Halika Celina tulungan mo kong handaan ng makakain si Doc", napatango lang siya dito at sumunod siya papuntang kusina. "Siya po ang Doctor ni Sir Harry??" aniya habang kumukuha ng dalawang baso "Siya nga, tumawag kanina si Joselito na pupunta si Doc para icheck ang lagay ni Sir Harry", "Ang bata niyang Doctor", napangiti naman ang ginang sa sinabi niya, "Kaya mo nabang iakyat ito sa taas? tatapusin ko lang itong niluluto ko", "Opo kaya ko napo", aniya at binitbit na ang hawak na tray kung saan may dalawang orange juice at sandwich. Maingat siyang pumanhik sa itaas papunta sa silid nito. *** Ilang katok ang narinig niya bago bumukas ang pinto ng kanyang silid, napaangat ang tingin niya ng pumasok sa loob ang hindi niya inaasahang bisita. "Oh Diego, what brings you here", tatayo pa sana siya pero ito na ang lumapit sa may gawi niya "Chinecheck ko kung humihinga kapa ba", Natawa naman siya sa tinuran nito saka ito naupo sa harapan niya. "What can I serve you?", "So this is your Rest House, maganda makakapagrelax at gagaling ka dito agad", "Yeah how is she?", aniya, hindi niya parin maalis sa isip ang pag-aalala kay Clara. Lagi niyang hinihiling na maging maayos na ang lagay nito. "Mabuti na ang lagay niya, kailangan niya pang tuluyan na magpagaling sa Hospital", "Good to hear", "Bakit hindi ka kumuha ng personal nurse na mag aasikaso sa sugat mo", "No need to that. Nariyan naman sila", saad ko saka napatingin sa pagdating ni Celina na may bitbit na tray. Maingat itong kumilos at inilapag sa harap nila ang tag isang baso ng orange juice at sandwich. "Nasa baba lang po ako Sir pag may kailangan kayo", tumango lang siya dito, saka ito marahang kumilos palabas. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng pinto. "Hindi rin ako magtatagal I just want to make sure na ok ang tahi mo and kung tenetake mo ang iyong medications", "Don't worry about me, everything is under my control. Just focus to Clara", "Yeah, magpalakas ka agad dahil aasahan pa kita sa mga susunod na buwan", napangiti na lang siya dito saka tumango. "Thank you", napatingin siya sa biglang sinaad nito pero seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya, "Ginawa ko yun hindi para sayo Diego, it's for Clara. Gusto kong maging maligaya siya", "I know, gusto ko lang personal na magpasalamat sayo sa lahat ng nagawa mo para kay Clara", para na namang may pumipiga sa dibdib niya pero alam niya sa sarili niyang tanggap na niya. Tanggap na niya ang pagkatalo sa babaeng inalagaan at minahal niya. "Lahat gagawin ko para kay Clara,", aniya na hindi tumitingin dito, "Mayabang ka pa rin", natawa lang siya dito, "Make her happy, after ko magpagaling magseset ako ng dinner for us", "Kahit hindi na, ireserved mo nalang sa kasalanan", "Ikaw yung mas mayabang dyan, pasalamat ka mahal ka ni Clara", "Yeah, thankful for that. And a blessing to have you, ginuide mo siya pabalik sakin", "Is that a joke??" "No it's real," sagot lang nito saka kinuha ang isang basong juice at ininom. "Bumalik ka ng manila at baka hinahanap kana ni Clara, dinayo mo pa talaga ako dito", "Aalis na talaga ako, don't forget my instructions", "Hssh, fine", "I'll go first,", saad nito sabay tayo, tumango lang siya dito "Hindi na kita maihahatid kaya mo na yan", "Ofcourse,", Inihatid niya lang ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng kanyang silid. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago muling tumingin sa labas ng Veranda. Marahan siyang tumayo at dumungaw sa labas, nakita niya pa ang papaalis na sasakyan nito. Ang payapang karagatan sa ngayon ang nagpapakalma ng mga nararamdaman niya. Kasabay ng paghilom nitong sugat niya ay nasisiguro niyang gagaling din ang sugat sa puso niya. Muli siyang napalingon ng maramdaman ang pagbukas ng kanyang pinto. Ang dalaga ulit habang bitbit ang isang baso ng tubig. "Sir Harry oras na po para sa gamot niyo", malumanay na wika nito ng makalapit sa tabi niya. "Thank you Celina, hindi pa ba nakakabalik si Boss B?", umiling naman ito "Medyo matatagalan daw po siya Sir, kaya sakin niya po muna iniwan ang pag aasikaso sainyo", "Uhm, okay lang naman ako. Ilagay mo nalang dyan", "Bababa po ako after niyo mainom ito Sir, baka po kase makalimutan niyo inumin eh", tila batang saad nito, muntik pa siyang matawa dito kaya kinuha niya nalang ang gamot na dala nito saka nito inabot sa kanya ang isang basong tubig. "Ganon naba ako katanda sa paningin mo?", nanlaki naman ang mata nito at nataranta pa "Naku hindi Sir!! hindi nga po kayo halatang trenta eh. muka lang po kayong sixteen", "How do you know my age?", "ah? eh. nabanggit lang po ni Boss B", napangiti lang siya dito, "Paki ligpit nalang ito Celina and tatawagin nalang kita pag may kailangan ako", "O-Okay Sir", Mabilis naman na kumilos ito bitbit ang ilang baso saka lumabas ng kanyang silid. Ilang linggo pa siyang mag iistay dito para sa fully recovery niya, gustuhin man niyang bumalik na sa pagtatrabaho ay okupado naman ang isip niya hindi rin siya makapag focus. Kaya naisipan niya munang bigyan ng pahinga ang sarili, hindi lang ang isip niya kundi ang puso. *** "Boss B. buti dumating na kayo!!", nakangiti niyang salubong dito ng makababa ito ng sasakyan "Oh ikaw pala Celina, nagawa mo ba ng maayos yung bilin ko??", "Oo naman Boss, aalis kaba ulit bukas??", "Aba nawiwili ka ata sa pag-aasikaso mo kay Sir Harry ah", "Hindi naman po mahirap pagsilbihan si Sir Harry eh", nakangiting saad niya "Kakaiba na yang ngiti mo bata, oh teka nasan pala si Becky?", "Nagpunta lang pong bayan may bibilhin daw siya, walang maiwan kay Sir kaya hindi na niya ko sinama", "Ganon ba, o siya akyat muna ko sa taas", "Teka lang Boss B. may pantawag kaba? pwede ba makitawag?", "Tatawagan mo naba ang pamilya mo at magpapasundo kana?", "Naku hindi!! hindi pa ko uuwi, tatawagan ko lang ung kaibigan ko", tarantang saad niya, natawa lang ito "Oh heto unli call and text yan, ibalik mo nalang sakin mamaya pagbaba ko", "S-Salamat boss B", aniya ng iabot nito sa kanya ang telepono. Agad niya naman dinialled ang number ng kaibigan, ilang beses itong nag ring bago may sumagot kaya sandali siyang nagtungo sa may garden. "Hello Ara???", "Yes Hello Sino toh??", "Taba Ara ako toh!!!!", "Taba Ara?? Teka??? ikaw ba yan Celina??", Napangiti siya ng mabosesan siya ng kaibigan, bigla niya tuloy namiss ito yakapin "Ako nga taba!!! kamusta dyan?? anong balita?? tumawag ba sayo sila Mom??", "Huy taba ilang araw ka ng pinaghahanap nila Angelo! pati kami hindi tinitigilan sa paghahanap sayo nasan kaba?? kailan ka babalik???", "Nasa malayong lugar ako taba. Hindi ko alam kung kailan ako babalik", "Nabalitaan ko yung aksidente niyo bago ka nawala. Okay ka lang ba?? pisti ka talaga pinag-aalala mo ko", naiiyak na saad nito sa kabilang linya, "Okay lang ako taba wag kang mag-alala. Hindi ako pwedeng mahanap ni Angelo lalo na ngayon", "Ano bang plano mo taba? hindi ka makakagraduate niyan sa ginagawa mo", "Ayoko rin naman grumaduate kung kay Angelo lang din naman ang bagsak ko", "Pwede mo pa makausap sila tita, hindi pa huli ang lahat taba,, bumalik kana,, akala ko tuloy kung napano kana ii", "Pero teka tumawag ako para sabihin na totoo siya taba!!!", "Anong totoo??", "Yung lalaki sa portrait!! totoong tao siya at hindi ka maniniwala pero nandito ako ngayon kasama siya", may galak na saad niya dito, "Huweh?? okay ka lang ba talaga?? pano naman mangyayari yun??" "Basta mahabang kwento. Tatawag ulit ako sayo sa susunod. Hindi ko pwedeng gamitin ang phone ko dahil matetrace lang ni Angelo ang kinaroroonan ko" "Seryoso kana ba dyan sa ginagawa mo?? alam mong hindi titigil ung tao kakahanap sayo", "Hindi niya ko pwedeng mahanap. Uuwi lang ako pag nakabalik na sila Mom at Dad okay??", "Okay sige mag iingat ka, wag mo kakalimutang tawagan ako ulit", "Oo naman ikaw pa. Mag iingat karin taba", aniya bago inoff ang tawag dito, bigla nawala ang saya na naramdaman niya sa kaalamang hindi natigil ang binata sa kakanap sa kanya. "Celina okay kana ba sa cellphone ko?", biglang untag ni Boss B sa gawi niya, napatango naman siya sabay abot dito "Salamat Boss B", "Ano nangyari sa tinawagan mo? pinapauwi kana ba nila?", "H-Hindi pa, wag na nga raw ako umuwi eh", "Mabuti pala kung ganon, hanap ka pala ni Sir Harry Celina", "Ah hah? talaga? aakyat ako sa taas??", "Joke lang haha. Ikaw naman di mabiro. Tara samahan mo kong kumain sa kusina may dala akong buko pie", "Niloloko mo naman ako Boss B eh.", nakanguso niyang saad dito habang papunta silang kusina, patawa tawa lang ito "Napaghahalataan ka kase masyado pero ok lang yan. Ganyan talaga pag puppy love", "Puppy love?? hindi ba true love??" "Masyado ka namang mabilis bata ka, heto buko pie ikain mo muna yan", "Hindi naman na kase ko bata Boss B. Gusto ba ni Sir Harry itong buko pie?", "Oo favorite niya yan", anito habang nanguya "Dadalhan ko siya", "Nadalhan ko na siya niyan," "Ay bayan,,", mahinang saad niya bago kumagat, gusto niya pa naman na laging nasisilayan ito mawala man lang yung agam agam sa kanyang puso. "Hindi sa chismoso ako Celina pero narinig ko kase usapan niyo kanina, may tinataguan kaba kaya ayaw mong umuwi??", muntik pa siyang mabilaukan sa sinabi nito, agad naman siya nitong inabutan ng tubig kaya ininom niya agad "May tinataguan ka nga noh? bombay ba yan oh ano??", "Hindi ah! mahirap kaseng ipaliwanag Boss B at baka hindi mo rin ako maintindihan", "Ano kaba namang bata ka, chappy lang ako minsan pero nakakaintindi toh. Nasayo kung gusto mo ishare di naman ako chismoso eh", sandali pa siyang natigilan, hindi niya alam kung magagawa niya bang sabihin dito ang tunay niyang dahilan. "Pasensya na Boss B. pero pag nakauwi na ang mga magulang ko samin babalik narin ako ng Manila", "O sige bata, hindi naman kita pwedeng pigilan sa gusto mo eh malaki kana kaya mo na yan", napangiti naman siya dito "Pero pwede naman po akong bumalik dito para bisitahin si Sir Harry diba??" "Naku lakas tama mo talaga sa Amo ko, okay lang crush lang naman yan. Crush eh paghanga naman", "Pano kung hindi lang Crush??", natatawang saad niya "May iba paba???", nagtatakang saad nito sa kanya, napahagikhik lang siya ng tawa. Pero natigilan din siya paano nga kung hindi lang paghanga ang nararamdaman niya dito? hindi malabo na mapamahal siya dito pero ang malabo ay ang nararamdaman nito. Kilala niya ang babae na minamahal nito at kung sakali man magagawa kaya nitong magmahal ng iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD