Part 6

2555 Words
Hindi agad siya nakapagsalita ng makaharap ito pakiramdam niya ay umurong ang dila niya hindi parin siya makapaniwala na nasa harapan na niya ang lalaki sa kinababaliwan niyang portrait. "Sir Harry?? Naku Sir gising napo pala kayo", biglang dating na saad ni Aling Becky, dito naman natuon ang tingin ng binata bago muling tumingin sa kanya, "Siya nga po pala si Celina Sir, p-pamangkin ko galing Manila. Wala kase siyang ibang matuluyan kaya kinupkop ko muna", wika ng ginang sabay lapit nito sa gawi niya, nagtataka pa siya na napatingin dito pero pinisil lang nito ang kamay niya "Ganon ba, nasan hoh pala si Boss B? may iuutos sana ako sa taas", saad nito saka muling tumingin sa kanya, akala niya ay magagalit ito gaya ng inaasahan niya pero mukhang mahinahon naman ito, "Nagpuntang bayan Sir, bibilhin niya raw yung iba niyong gamot ", saka naman ito napasulyap sa orasan nito "Oh late na pala, paakyat nalang ako ng pagkain Manang Becky", "Okay Sir, ihahanda ko napo ang tanghalian niyo", saad nito saka siya hinila papuntang kusina, sinundan lang sila ng tingin ng binata. "Manag becky bakit po kayo nagsinungaling kay Sir?", Maya-maya'y tanong niya habang hinahanda ang pagkain nito. "Kung sasabihin ko yung totoo baka hindi yun pumayag na manatili ka dito kaya pag tinanong ka niya ganon lang din ang sabihin mo okay??", napangiti naman siya dito at tumango "Salamat Manang becky, tatanawin ko po itong malaking utang na loob", "Ay naku bata ka basta't ayusin mo ang desisyon mo sa buhay hindi karin naman magtatagal dito diba? alam kong may pamilya na naghihintay sayo", "Pag nakauwi napo ang mga magulang ko sa bahay uuwi narin po ako Ate Becky", "Tama yan, eto pala ang mga gamot na kailangan inumin ni Sir Harry", "Pwede po bang ako nalang ang magdala niyan sa kanya?", "Sigurado kaba? baka matulala kalang ulit sa kagwapuhan ni Sir??", natawa naman siya dito "Hindi lang po kase ako makapaniwala na totoong tao yung nasa portrait", "Ganon ba, namangha ka e noh?", tumango tango naman siya, higit pa sa pagkamangha ang nararamdaman niya "O siya hanggat mainit pa itong sabaw, gusto kase ni Sir Harry ang ambiance sa taas kaya dun niya lage gusto kumaen. Mabait naman na amo yun, mabait na mayaman pa tapos gwapo pa oh diba swerte ng babaeng mamahalin niya", lalo lang siyang napangiti sa tinuran nito, "Wala po bang ibang kamag-anak dito si Sir?", "Nasa abroad ang buong pamilya niya, minsan lang din yan nagawi dito si Sir dahil madalas nasa Manila yan, nagpapagaling lang siya dito tapos niyan ay babalik na ulit siyang Manila", "G-Ganon ba," medyo nalungkot siya sa sinabi nito, ibig sabihin pala ay hindi rin ito dito magtatagal at babalik din sa lugar na inalisan niya. "Oh siya iakyat mo na ito una sa itaas at isusunod ko itong iba", napatango lang siya dito saka marahang kinuha ang tray na may lamang kanin at mainit na sabaw. Maingat siyang umakyat ng hagdan papunta sa silid nito, nakaawang naman ang pinto kaya dumiretso na siya papasok, malawak ang silid nito at sandaling naikot niya ang tingin sa paligid. "Please put it on the terrace, naroon ang lamesa", nagitla pa siya sa biglang pagsulpot nito sa tabi niya, agad naman siyang tumalima at sumunod dito kung san marahan itong naupo habang nakatunghay sa malawak na dagat, saka niya napansin ang maasul na dagat at ang ganda. "How old are you Celina? and what happened to your face?", tanong nito habang marahan niyang nilalapag ang plato at mangkok sa harapan nito, medyo nailang siya ng magtama ang tingin nila "T-Twenty f-Four po S-Sir, wala lang po itong nasa mukha ko", nauutal niya pang saad, "Are you still studying?", "Y-Yes Sir pero", natigilan siya, paano niya sasabihin dito ang totoo?? "Pero?", dugtong nito na lalong nagpakaba sa kanya, "Tumigil po ako", "You're so young, it's not too late to finish you're studies, and next time mag iingat ka", sabay ngiti nito na lalong nagpatulala sa kanya, concern ba agad ito sa sakanya? may parte tuloy niya ang palihim na nagdiriwang at kung ito siguro ang mag iinspire sa kanya na mag aral ay magagawa niyang hindi tamarin pumasok araw araw. "Yes Sir,,", pero nagawi ang tingin niya sa bandang tagiliran nito bumakat na kase sa puting t-shirt nito ang dugo kaya medyo nataranta rin siya "S-Sir ang sugat niyo dumudugo", napatingin din ito sa tinutukoy niya "Yeah, I'm waiting for Boss B,para tulungan akong palitan ang gasa", "Ako nalang", "Huh?", napatingin naman ito sa kanya, kinakabahan man ay nagawa niyang tingnan din ito sa mata, "Mukang matatagalan si Boss B Sir kaya ako nalang po ang magpapalit ng gasa, kung okay lang po sainyo", "Are you sure? masyadong malaki ang sugat ko at baka matakot ka", napailing naman siya, makakaya niya yun para dito "Hindi po Sir", "Alright,", anito saka marahang tumayo, sinundan niya lang ito habang papunta ito sa malaking kama at sa lamesa nito ay naroon ang mga gamit na kakailanganin niya. Pinagmasdan niya lang ito ng maupo ito sa kama, napatingin naman ito sa kanya kaya lumapit na siya sa tabi nito, pilit niyang pinakalma ang sarili dahil abot abot parin ang kaba niya. Wag lang sana mapansin nito ang panginginig ng kamay niya. "Are you sure you can??", "P-Po??", takang saad niya "You're trembling, okay lang naman Celina kung hindi mo-", "Kaya ko po, siguro mas mainam kung hihiga kayo Sir", tumalima naman ito sa sinabi niya, pero bago yun ay nagtungo sandali siya sa banyo nito para maghugas ng kamay saka siya lumapit ulit dito para tanggalin ang gasa nito. Nang sulyapan niya ito ay sa ibang direksyon ito nakatuon, maingat niya namang tinanggal ang gasa nito at napasinghap siya sa laki ng tahi nito. Hindi pa ganon kagaling ang sugat at sariwa pa, "Hindi ba dapat nasa Hospital pa kayo Sir nagpapagaling?", "I don't want to stay there long, ayoko sa Hospital", tugon lang nito habang naka tingin parin sa labas ng bintana, hindi na siya umimik pa at pinagpatuloy lang ang ginagawa, ang nasa isip niya ay ang swerte niya na matitigan ito ng malapitan hindi lang iyon nahawakan at napagsilbihan niya pa ito. Nasasabik na siyang maikwento ito sa kaibigan tiyak niyang hindi iyon maniniwala pag sinabi niyang natagpuan na niya ang lalaking akala niya ay imahinasyon lang. "Thank you Celina", narinig niyang saad nito matapos niyang mapalitan ng gasa ang sugat nito, ngumiti lang siya dito kahit siguro araw arawin niyang pagsilbihan ito ay walang problema sa kanya. Sakto namang pagdating sa silid ni Ate Becky dala ang ibang ulam at inumin. "Kumain na kayo Sir habang mainit pa itong niluto ko at uminom narin kayo ng gamot", Ngumiti naman ang binata saka tumayo at sandaling nagtungo sa closet nito. Kumilos naman siya para iligpit ang gasa na ipinalit niya, abot abot ang ligaya sa kanyang puso. Habang bumaba siya ng hagdan ay hindi niya mapigilang di mapangiti at kiligin, yung lalaki na akala niya ay imahinasyon lang ay totoo at nasa harapan niya ngayon. Tila ayaw na niyang bumalik at gusto niya na lang na nandito sa tabi nito . *** "Pare!", napalingon siya sa pagdating ng pinsan niyang si Vince, abala siya ngayon sa paghahanap sa dalaga at kagabi pa siya hindi mapakali sa kakahanap dito. "Vince may update naba??", "Wala parin, malapit ng mag 24hours pwede mo ng ireport sa mga pulis ang pagkawala ni Celina", wika nito sabay upo sa harapan niya, bumukas din ito ng isang can ng beer "Pinagtataguan niya ako at yun ang nasisiguro ko", "Pare you know Celina, lalo yung nagmamatigas pag pinagpipilitan mo ang ayaw niya", naikuyom niya naman ang hawak na beer at halos mayupi ito, hindi niya matanggap sa sarili na ayaw sa kanya ng dalaga. "I'm tired of holding back Vince, All I did para magustuhan niya, wala nakong problema kala tito and tita they want me for Celina siya nalang yung nagmamatigas", "What will you do? mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita", "I can find her, hindi niya ko matataguan. Maliit lang ang mundo para hindi ko siya makita", "Easyhan mo lang Pare, simulan mo ulit kunin ang loob niya, ligawan mo at hulihin ang kiliti niya aamo rin yun sayo", natawa lang siya sa tinuran nito, ilang taon na siyang nanunuyo sa dalaga at lahat na ginagawa niya para makuha lang ang atensyon nito pero nauuwi lang siya sa pagkabigo. Kahit anong gawin niyang panunuyo dito ay mas lalo lang nitong pinapamukha sa kanya na hindi siya nito gusto. Para siyang asong ulol na sunod ng sunod dito at kahit pa napapahiya na siya sa lahat para sa atensyon nito ay okay lang sa kanya. Minsan naaawa na siya sa sarili kung bakit hindi magawang tugunan nito ang pagmamahal niya at gusto niya nalang sumuko. Pero hindi makaya ng sarili niya na makitang nasa ibang lalaki ito, sobrang mahal niya si Celina at lahat ay gagawin niya mapasakanya lang ito. Malaking tulong sa kanya ang pagkakaibigan at business partners ng kanilang mga magulang. Abot kamay na niya ang dalaga sa ayaw man nito o gusto. After graduation nakaplano na ang kasal nila at siya mismo ang nag insist nito sa mga magulang niya. Alam rin ng mga ito kung gaano niya kamahal ang dalaga simula ng mga bata pa sila. Matututunan mo rin akong mahalin Celina, pinapangako ko yan.. saad ng isip niya bago muling ininom ang beer na hawak. "Nakausap ko narin ang kaibigan niya pero hindi rin nila alam kung nasan si Celina", muling saad ni Vince "Maybe, but I'm sure na hindi rin yon makakatiis na hindi tumawag sa best friend niya", "Ang inaalala ko pag nalaman nila tita na nawawala ang anak nila", "I'll take care of them,", kampanteng saad niya, hawak niya ang messenger account nito at siya ang nagrereply sa message ng mga magulang nito. Alam niyang hindi pa nakakausap ng dalaga ang kanyang mga magulang, masyadong nag iingat ito na magbukas ng telepono dahil anumang oras ay malalaman niya agad ang kinaroroonan nito. Bahagyang napangiti na lang siya sa kawalan, tiwala siya sa sarili na hindi magtatagal magkikita rin ulit sila ng dalaga. *** Isang araw na ang nakakalipas simula ng lisanin niya ang Manila, hindi niya pa nakokontak ang kaibigan at tiyak niyang nag aalala na ang mga ito sa kanya. Pinag iisipan niya pa kung bubuksan niya ba ang kanyang telepono o hindi. "Celina??," Napaangat ang tingin niya sa pinto ng dumungaw doon si Manang Becky, "Kakain na tayo hija halika na", Napatango naman siya at agad ibinalik ang telepono sa kanyang bag. Sumunod rin siya sa ginang papuntang kusina. "Ang sarap naman nito Becky putok batok na naman ako neto", masayang saad ni Boss B habang sumasandok ng malalaking hipon at alimango. Naupo naman sila ng ginang sa harap nito. "Kumain na po ba si Sir Harry?", "Tapos na Celina, napainom ko narin siya ng gamot at napalitan ng gasa ang sugat niya. Ewan ko ba sa Amo kong yun ayaw mag hired ng personal nurse pinagtatyagaan niya ang kagwapuhan ko", "Ano kaba naman Joselito ikaw na nagsabi na ayaw ni Sir Harry na may iba pang makaalam ng kondisyon niya", wika naman ng ginang "Ay Oo nga pala haha. Alam mo naman ako becky masyadong makakalimutin na. Pupunta ako mamayang Manila balak mo bang sumama Celina??", "Hah?? naku hindi Boss B. Dito lang ako", aniya sabay tuon ng tingin sa pagkain niya, "Ayaw mo ba talagang umuwi senyo? baka nag aalala na ang pamilya mo", napailing naman siya, napatingin pa siya ng biglang hampasin ito ng ginang sa braso "Hayaan mo na muna si Celina dito, pag gusto niyang umuwi, uuwi rin toh ", "Ikaw talaga becky, konsintidor rin sa mga batang suwail", "Kumain kana nga lang dyan! dami mo pang sinasabi sutil karin naman noong kabataan mo", "Nilalaglag mo na naman ako niyan eh. Total hindi kapa naman uuwi Celina ikaw muna bahala kay Sir Harry habang wala ako. Baka matagalan ako sa Manila kaya iiwan ko sayo ang pag aasikaso sa kanya", "P-Po??", "Ihahanda mo lang naman makakain niya at gamot, minsan kase wala sa oras yun uminom ng gamot pag di mo pinapaalala palibhasa patanda narin eh", "Ginaya mo pa sa katandaan mo si Sir Harry! ikaw lang naman itong makakalimutin!", giit naman ng ginang, napapangiti lang tuloy siya sa kakulitan ng dalawang ito habang sila'y kumakain. "Hah Celina? sayo ko muna ipapaubaya yung Amo ko", "Opo wala pong problema", nakangiting sagot niya "Good, good buti nalang din pala at nandito ka meron akong assistant", "Ah hehe, ilang taon na po pala si Sir Harry", curious naman na tanong niya na medyo kinakabahan pa, sandali namang natigilan ito at nag isip pa ng isasagot "Alam ko nasa kalendaryo pa ang edad ni Sir, nasa Trenta na siya pero mukha lang sixteen", Napatango lang siya dito saka ngumiti, anim na taon lang pala ang tanda nito sa kanya hindi na masama. Tsaka tama ito mukhang bata pa kung tingnan ang mukha ni Sir Harry. Mas lalo luminaw sa isip niya ang gwapong mukha nito kaya hindi niya maiwasan na palihim na kiligin dito. Hindi pa siya nakakarami ng subo pero pakiramdam niya ay busog na siya. Muli siyang nakaramdam ng tuwa ng maalala ang pagpalit niya ng gasa sa sugat nito. "Napapangiti ka dyan Celina, wag mo sabihing nagkakagusto ka kay Sir naku bata ka! hindi yon napatol sa bata", saad nito na kinalaki ng mata niya "Hindi naman ako bata Boss B!", "Edi may gusto ka nga kay Sir???", nagulat naman siya at natigagal dito, muli lang itong hinampas ng ginang sa braso "Ano kaba naman! pati si Celina pinag iisipan mo ng ganyan!" "Kesa naman ikaw ang pag isipan kong may gusto kay Sir Harry,", sabay tawa pa nito, natawa na lang din siya at muling binalik ang tuon sa pagkain, hindi naman siguro masamang magkagusto dito diba? dahil unang kita niya palang sa larawan nito ay nagkagusto na siya "Wala namang hindi magkakagusto kay Sir Harry, bulag nalang siguro ang hindi magkakagusto sa kanya", sabay na napatingin naman ang dalawa sa kanya, "Sinasabi mo ba na bulag si Mam Clara dahil di niya nagustuhan si Sir Harry??",- nanlaki ang mata niya sa sinabi nito "Hi-Hindi ah!! hindi ganon Boss B. may sariling dahilan si Mam Clara at marahil may ibang nakalaan para kay Sir Harry", tarantang sagot niya dito, totoo naman eh malay mo siya ang nakalaan para dito. Sana lang talaga! isip isip niya "Ah may punto ka bata," "Napaparami kana Joselito, mabuti pa tigilan mo na yan at baka tumaas pa ang altapresyon mo", "Titigil na nga becky, ginalingan mo kase masyado ang luto eh. Siya tapos na ko, Celina yung bilin ko sayo hah", "Oo naman Boss B ako ng bahala kay Sir Harry", "Lapad ng ngiti mo ah. kakaibang ngiti yan ha haha", Nahawakan niya naman ang bibig kung talaga bang malapad ang ngiti niya, masyado bang halata ang pagkagusto niya sa binata?? "Wag mong pansinin ang isang yun niloloko kalang niya", nakangiti namang wika ng ginang kaya napatango na lang din siya. Hindi tuloy siya nakakain ng maayos dahil masyado siyang dinadaga sa pangloloko nito. Pero hindi niya maalis ang kaligayahan sa sarili na malapit siya ngayon sa binata. Gusto niya pang manatili sa tabi nito at makilala ito ng lubusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD