"Nak ng tupa, bakit may babae dito??",
Napadilat siya ng marinig ang boses ng lalaki, hindi narin umaandar ang sasakyan. Nang mag angat siya ng tingin ay nakatunghay sa kanya ang mukha ng isang lalaki at ginang.
"Sos maryosep!! bakit ka nag uwi ng babae dito Joselito!!",
"Hindi ko nga alam eh!! teka ngaaa!! ineng ok ka lang ba??",
Napabangon naman siya at parehas siyang inalalayan ng dalawa na makatayo paalis sa compartment na siniksikan niya. Medyo sumakit pa ang buong katawan niya kaya sandali niyang pinag iinat ang mga braso niya saka nilibot ang tingin sa paligid.
"N-Nasan po ako???", aniya sa dalawa na nakatunghay sa kanya
"Nandito ka sa Batangas ineng, teka sino ka ba? at anong ginagawa mo sa loob ng compartment?",
"Umayos ka Joselito baka naman babae mo ito at iniuwi mo pa dito mahiya ka kay Sir!!!", singit naman ng Ginang, napailing nalang tuloy siya hindi niya alam kung pano magpapaliwanag sa mga ito
"Uy becky chismis yan! bagahe lang ang nilagay ko dyan kagabi diko alam bat biglang nagkaron ng babae,",
Muli naman nagawi ang tingin sa kanya ng Ginang at nang mapansin nito ang Gasa na nasa noo niya
"Okay kalang ba Ineng? ano bang nangyari sayo at may mga galos ka at pasa? saan kaba galing??",
"Ang mabuti pa becky ikaw na muna bahala sa kanya at baka makita pa siya ni Sir Harry parehas tayong malilintikan",
"Dinamay mo pa ako! Eh ikaw ang may bitbit sa batang ito",
"Hindi ko nga yan binitbit! ano kaba? pagkatapos ng operasyon ni Sir Harry umalis na kami agad ng hospital!", muling saad nito,
"Anong pangalan mo Ineng? at pano ka napunta sa sasakyan nito?",
"Ahm ako po si Celina, pasensya na po sa abala kuya??",
"Boss B, kilala ako bilang Boss B",
"Pasensya napo Boss B, wala po kase akong ibang mapagtaguan kagabi sa humahabol sakin kaya naisip ko magtago sa compartment ng sasakyan niyo",
"Ano kamo?? may mga humahabol sayo??", may pag aalalang saad naman ng Ginang,
"Lumang tugtugin nayan Ineng, usong uso yan sa Manila. Manila Boy ako kaya alam ko",
"H-Hindi po ako ganon Boss B. pakiusap pwedeng dito po muna ako sainyo?? promise magbabait po ako",
"Hindi kaya hawak ka ng sindikato?? naku naman mapapahamak pa kami sayo lalo akong malalagot nito kay Sir Harry", problemadong saad pa nito
"Sir Harry?? siya ba yung gwapong lalaki kagabi??",
"Oh bat mo alam??? sabi na eh sindikato ka. Umamin ka, spy ka ng mga kalaban ni sir noh???"
"Hi-Hindi !!",
Bigla naman itong hinampas sa braso ng ginang.
"Magtigil ka nga! kung ano ano na ang lumalabas sa bibig mo. Ikaw ang nagdala dito sa batang ito kaya kargo mo siya!",
"Anong ako?? ididiin mo na naman ako niyan becky wala nga akong alam dyan. Ang mabuti pa Ineng ibabalik na kita kung san ka man galing",
"Hindi ayoko po!!! dito nalang ako Boss B. ayokong bumalik ng Manila", kinakabahang saad niya
"Siguro may ginawa kang kalokohan don noh? umamin kana hanggat maaga pa",
"Wala akong ginagawa, ang gusto ko lang ay lumayo kaya please po hayaan niyo muna ako dito", naluluhang saad niya dito, natigilan naman ang mga ito habang nakatitig lang sa kanya.
"Ako ng bahala sa kanya!! Di kana nahabag sa bata!! halika Celina pumasok tayo sa loob, alam kong gutom kana at sabihin mo sakin ang nangyare", wika naman ng ginang at iginaya siya papasok sa loob
"Ay naku becky ikaw na may pananagutan sa batang yan ah? pag nagtanong si Sir Harry ikaw ang sasagot", pahabol na saad pa nito habang papasok sila sa loob ng kusina. Mabait ang ginang sa kanya at pinaghandaan siya nito ng makakain, dala ng gutom ay hindi na siya nag alangan pa sa inihanda nito habang ito ay nakamasid lang sa kanya.
"Alam kong hindi ka masamang tao Ineng pero nakakapagtaka lang na mapadpad ka dito lulan ng sasakyan nila Sir Harry",
"Uhm ang totoo po niyan kalalabas ko lang ng hospital dahil sa aksidente. Tinakasan ko yung kasama ko", simula niya habang nakatitig sa mga mata nito, mataman naman itong nakikinig sa kanya
"Kaya sariwa pa ang sugat sayong noo at ang mga pasa mo sa braso",
"Labag po sa loob ko ang sumama sa taong pinagkatiwalaan ng mga magulang ko sakin, kaya po napagdesisyunan kong umalis",
"Eh paano ka naman napunta sa compartment ng sasakyan??", biglang singit naman ni Boss B sa gawi niya,
"Nakita ko po kase kayo kagabi na papaalis na, wala po akong ibang choice kundi magtago sa compartment ng sasakyan niyo para matakasan ko yung naghahanap sakin",
"Hindi kaya mag-alala na ang mga magulang mo Ineng? bakit hindi mo ipaliwanag sa kanila na labag sa loob mo ang sumama sa taong yun",
"Hindi po nila maiintindihan, at nasa malayong lugar po ang mga magulang ko",
"Totoo ba yang sinasabi mo Ineng??", muling saad pa ng lalaki
"Hindi po ako nagsisinungaling", aniya, nilakihan naman ito ng mata ng ginang ng mapansin na namamasa na ang kanyang mga mata.
"Anong plano mo sa kanya becky?",
"Pakiusap Boss B, ate becky hayaan niyo po muna ako dito, magtatrabaho po ako at hindi magiging pabigat sainyo", muling saad niya, sandali namang natahimik ang ginang na tila nag iisip
"Sigurado kaba sa desisyon mong yan Ineng? malayo ang lugar na ito at wala kang kakilala dito", sunod sunod naman ang pagtango niya, buo na ang desisyon niya ngayong nandito na rin lang siya.
"Ikaw becky sigurado ba dyan? paano pag nagtanong si Sir Harry kung sino ang batang ito?",
"Ako ng bahala magpaliwanag kay Sir Harry, siya lubayan mo muna ang batang ito at natatrauma na sayo",
"Grabe ka sakin becky nag iingat lang naman ako! lalo ngayon na nagpapagaling pa si Sir Harry, ayoko siyang bigyan ng alalahanin",
"May sakit po si Sir Harry??",
"Kilala mo si Sir Harry?",
Napatango naman siya dito, bigla na naman nag iba ang mukha nito na may pagdududa.
"Teka paano mo naman nakilala si Sir Harry?? kung hindi ka talaga ispiya??,"
"Hindi nga po ako Ispiya, sandali", aniya saka binuksan ang bag pack niya, kinuha niya sa loob ng wallet niya ang picture ng pina laminate niyang portrait ng binata.
"Oh ano yan??? bakit ka may larawan ng boss ko???", anito sabay kuha sa hawak niyang larawan
"Nakadisplay ang portrait ni Sir Harry sa Arts Gallery kaya naman trending siya sa mga studyante at halos pantasya ng lahat",
"Totoo nga ang sinasabi nung kaibigan ni Clara, masyadong popular ang kagwapuhan ni Sir Harry. Wag mong sabihin na pinapantasya mo rin siya bata ka",
Bigla nag init ang mukha niya kaya agad siyang napaiwas ng tingin dito saka hinablot ang picture na hawak nito.
"Maraming nagkakagusto sa kanya at isa ako noon sa may gustong bumili ng portrait niya",
"Huh??? isa ka sa mga yon?? panalo talaga si Sir",
"Pero hindi for sale ang portrait niya sa Arts Gallery kaya palihim ko nalang iyon pinicturan",
"Naku, lagot ka niyan kay Mam Clara hahaha",
"Mam Clara?? girlfriend ba yun ni Sir Harry??",
"Hindi niya lang yun girlfriend, mapapangasawa",
"Huh mapapangasawa???", gulat na saad niya,
"Bat gulat na gulat ka naman, nagseselos kabang bata ka??",
"N-Nagtatanong lang",
"Ang bibig mo Joselito mamaya niyan marinig ka ni Sir", saway naman dito ng Ginang
"Hay kase naman becky ako ang nalulungkot sa love life netong mahal kong amo. Oy Celina wag kang maingay ah atin atin lang ito",
"S-Syempre hindi",
"Ano bang nangyari kay Sir Harry at Mam Clara? akala ko ba ay engage na sila at magpapakasal na??",
Bigla kumabog ang dibdib niya ng marinig ang tungkol sa kasal, ibig sabihin ang lalaking nagugustuhan niya ay ikakasal narin dapat?
"Uy becky chismiss talaga toh, tutal para narin malaman mo sasabihin ko na nga",
"Ang ano nga kase??"
"Eto na nga, hindi na matutuloy ang kasal nila Sir Harry at Clara dahil tinangay nung Doctor si Mam Clara at pagbalik kasal na yung dalawa",
"Hah????"
"Makareak ka naman becky, diba? ayon sila pala ang tunay na nagmamahalan kaya walang nagawa si Sir kundi palayain si Clara",
"Ang lungkot naman, tapos ano pang nangyare?",
"Malubha na ang sakit ni Mam Clara at kailangan na niya ng agarang Kidney Transplant. Wala na silang choice kundi si Sir Harry na ang naging Donor kahit labag sa kagustuhan ni Mam Clara",
"Hah?? okay naba ngayon si Sir?? walang alam ngayon si Mam Clara??",
"Oo at hindi niya pwedeng malaman becky, yun ang huling pakiusap ni Sir bago kami umalis ng Hospital",
"Nakakaawa naman si Sir Harry, siguro kailangan kong magluto ng paborito niyang ulam para tuluyan na siyang gumaling",
"Mabuti pa nga becky dahil dito niya rin gusto magpagaling, sakto bata pwede kang maging assistant ni Sir Harry habang nandito ka",
"Hah? assistant??",
"Ayaw mo ba?",
"Hi-Hindi, g-gusto ko kapalit ng pag stay ko dito",
"Good, good. Ayaw ni Sir ng maraming tao dito sa Rest House niya okay na siguro tayong tatlo. Matutulungan mo rin sa gawaing bahay etong si becky dahil masyadong matanda na at hirap na ang buto buto",
"Anong sinasabi mo dyan Joselito???",
"Maka Joselito ka naman, siya maiwan ko muna kayo. Ikaw ng bahala sa batang toh becky at aalis muna ko sandali para bumili ng mga gamot ni Sir",
"Oh siya umalis kana! Celina hija pagkatapos mo dyan pwede ka magpahinga sandali doon sa silid ko",
"Salamat Manang becky magpapalit lang hoh ako at tutulong din ng gawain dito sainyo",
"Sa lagay mong yan ay tila kailangan mo pa ng pahinga, okay lang naman ako dito",
Ngumiti lang siya sa ginang at nagtungo na sa silid na tinuro nito para makapagpalit ng damit. Maswerte parin siya at mabubuting tao ang nakatagpo niya at hindi lang yon makikilala na niya pa personal ang lalaking nagugustuhan niya. Paano na pag nakaharap na niya ito?? nasasabik na siyang mangyari iyon, pero ng maalala niya ang kwento tungkol dito ay nakaramdam siya ng lungkot.
Mabuti na lang at dala niya parin ang bag pack niya kaya may ilang damit siyang baon. Saka na niya tatawagan ang kaibigan pag nakapag charge na siya pero kung bubuksan niya ito tiyak matetrace ang kinaroroonan niya, alam niyang magaling sa ganong bagay si Angelo at lahat gagawin nito makita lang siya. Bandang huli pinili niya nalang na itago ang cellphone niya, pagkakuha niya ng damit ay dumiretso siya sa banyo para makaligo. Napagmasdan niya pa sandali sa salamin ang hitsura niya bukod sa benda na nasa noo niya ay may pasa rin pala sa ilalim ng mata niya at labi, nakakaramdam parin siya ng pananakit ng katawan pero kaya niya naman tiisin. May agam agam man sa puso niya sa naging desisyon niya ay kailangan na niya itong panindigan dahil mas hindi niya kakayanin kung sa poder siya ng binata mananatili, maigi na sa lugar na malayo at ibang mga tao ang kakilala. Kung sa pag-aaral niya naman ay wala na siyang paki-alam kung hindi man siya grumaduate dahil kung gagraduate man siya sa pagpapakasal lang din kay Angelo ang babagsakan niya at nasisigurado niya yun.
Matapos niyang makaligo at makapag palit ng damit ay agad na siyang lumabas sa silid ng ginang. Natigilan pa siya ng mapaangat ang tingin niya mula sa taas ng hagdan, kumabog ang dibdib niya sa kaba at lalo siyang napako sa kinatatayuan ng makita ang lalaki na nakamata sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagtataka ng makita siya, marahan naman itong kumilos pababa ng hagdan pakiramdam niya tuloy ay kakapusin siya ng hininga habang papalapit ito sa kanya. Ang mukha nito sa personal at sa portrait ay iisa, hindi siya ngayon nananaginip dahil nasa harapan na niya ang lalaking gustong gusto niya. Humahanga siya sa gumuhit nito dahil kuhang kuha ang bawat anggulo ng mukha nito.
"Who are you?",