Part 16

2127 Words
Pagbalik nila sa Rest House ay naamoy niya agad ang nilulutong Bulalo ni Manang Becky, agad siya nakaramdam ng gutom at gusto na niyang humigop ng mainit init na sabaw. "Magbanlaw kana Celina, ako ng bahala maghatid neto kay Sir Harry", tumango lang siya sa tinuran ni Manang Becky at nagmadali na pumasok sa kanilang silid. Pinili niyang suotin ang damit na binili ng binata isang light pink na dress. Nag polbos lang siya at lumabas na ng kanilang silid. Nakahain na ang pagkain ng dumating siya, "Dito kana maupo Celina", wika nito at pinaghila siya ng upuan, napatingin pa ito sa kanya bago lumipat ng kabilang pwesto "Salamat", nakangiting sagot ng makaupo "Makatitig ka naman kay Celina!, hala kumain na ng makauwi na kayo", Boss B habang humihigop ng sabaw, natawa nalang siya dito saka napatingin sa binata na nagkamot ulo lang, napabungisngis naman si Rose ng magtinginan sila "Akala ko kase lasing lang ako kagabi, maganda pala talaga si Celina", "Eh?", "Ang aga-aga mo mambola, lasing kapa ba??", sita ulit dito ni Boss B kaya napangiti lang ang binata, natawa nalang sila ulit dito at kumuha na siya ng sabaw gustong gusto na niya talaga humigop ng sabaw. "Hmm the best talaga ang luto niyo Manang Becky," natutuwang saad niya habang magana na kumakain, "Kaya nga pwede bang bumalik ulit dito sa susunod na araw tiyo?", ani naman ni Rose "Mga namimihasa ata kayo, tapos na birthday ko at babalik na kong Manila bukas", "Aalis na ulit kayo ni Sir Harry??", tanong niya, napatingin naman ito sa kanya "Nga pala, naalala mo ba pinag gagawa niyo kagabi Celina??", "Huh??", sandali namang natigilan siya at inalala ang ginawa kagabi hanggang sa napatingin siya kay Rose, baka may alam ito pero napangisi naman ito "Ayokong ipaalala Celina at nakakahiya,", "Hah?? bakit ano ba yon?", kabadong saad niya, "Wala yon Celina, wag mo pansinin ang sinasabi ni Tiyo. Kumain kana ulit", wika naman ni Kent, napatingin naman ulit siya kay Boss B "Hindi nga Boss B? may nakakahiya bakong ginawa kagabi?" "naku hindi naman Celina, wala namang nakakahiya magsabi ng nararamdaman mo tsaka alam na namin yon", "Hahhhh????", Napahagikhik naman ng tawa si Rose, lalo tuloy siyang kinabahan ano naman kaya yon? lasing na siya kagabi sila ni Rose at ang huli niyang natatandaan ay magkasama silang nakiagaw ng Mic dun sa mga kumakanta. Tapos sumigaw siya sa Mic "Mahal na mahal kita Sir Harryyy, wooohhhhh", Bigla nag init ang mukha niya, yun siguro ang tinutukoy nito. "ah, eh, hehe. nalasing talaga ko kagabi", saad niya sa mga ito, "Lumalamig na ang sabaw, kumain kana ulit Celina", saad sa kanya ni Manang Becky kaya sinunod niya nalang, pero natigilan naman ulit siya sabay tingin kay Boss B "Kailan po pala dumating si Sir Harry??", "Kagabi pa siya nandito" "Hah??", gulat niya na namang saad, hindi kaya nakita nito ang mga pinag gagawa niya? nagsasayaw lang naman sila kagabi sa harap ng bon fire mukha na silang baliw ni Rose pero tawa lang sila ng tawa. Tapos yung ginawa niyang pag sisigaw sa Mic, hindi kaya narinig din yon ni Sir Harry??? "Niloloko ka lang ni Tiyo Celina, umaga na dumating si Sir Harry", saad naman ni Kent kaya nakahinga siya ng maluwag, maigi naman kung ganon kundi nakakahiya talaga. "Ikaw naman, pinapakaba ko pa nga si Celina eh", "Makulit talaga yang tiyo namin Celina pagpasensyahan mo na", natatawang sabi naman ni Rose kaya napangiti lang siya. "Nakahinga rin ako ng maluwag", nakangiting wika niya. Matapos nilang kumain ay nagpaalam narin ang dalawa sa kanya. "Kita kits nalang ulit tayo Celina, sabihan mo ko pag nakauwi ka ng Manila hah?", napatango lang siya kay Rose habang nasa labas sila ng gate. "Oo naman, babalitaan kita. Mag iingat kayo", "Mag iingat karin. Celina. Hihintayin ka namin sa Manila". saad naman ni Kent "Mag iinuman ulit tayo hehe", Natawa lang siya dito,, "Nam B.B.I pa kayo kay Celina eh, siya mag iingat kayo sa pag uwi", "Bye Tiyo, mag iingat karin maraming nagmamahal sayo hahaha", "Alam ko loka,", Kumaway nalang siya ng makaalis ang motor ng mga ito. Papasok na sana siya sa loob ng gate ng makita niya sa taas ng Veranda ang binata na nakatunghay sa kanya, bigla tuloy kumabog ang dibdib niya at agad siyang nag iwas ng tingin. Kanina pa kaya ito dito? "Celina yung mga alaga mo naghihintay na", wika naman ni Boss B kaya napalingon siya dun sa limang pusa na nakaabang sa gilid ng daan, "Ay wait lang!", madali siyang pumasok sa loob at kinuha ang pagkain ng mga ito. Wala na sa taas ng Veranda ang binata ng muling tingnan niya, agad naman siya lumapit sa tabi ng mga pusa at binigyan ng pagkain ang mga ito. "Mukhang tumaba na ang mga pusang kalye na yan ah? sosyal cat food pa", napangiti lang siya kay Boss B, "Ang cute nga nila eh, pwede ba natin silang ampunin?", "Ay nako! hindi mahilig sa hayop si Sir Harry, lalo sa pusa", "Ay ganon ba. Iuuwi ko nalang sila sa Manila", nakangiting saad niya, "Husko kang bata ka. Bakit uuwi kana ba? nakabalik naba ang mga magulang mo?", umiling naman siya, wala pa siyang balita sa mga ito pero kailangan na niyang gumawa ng paraan para makausap ang mga ito at malaman kung kailan sila makakauwi. "Babalik narin namang Manila si Sir Harry diba Boss B?", "Uhm,, wala pa siyang binabanggit sakin pero hindi rin sya magtatagal dito dahil marami ng trabaho ang nakaabang sa kanya. May Business trip narin siya sa susunod na buwan", natahimik naman siya, Ano na ngayon ang gagawin niya?? *** Napahakbang siya sa labas ng Veranda ng makatanggap ng tawag galing sa tao na pinadala niya sa Macao kung saan nastranded ang mga magulang ng dalaga. "Yes Hello Dave,", Natigilan siya ng marinig ang sinasabi nito sa kabilang linya. "What?? How did that happen?? Do everything to find them,, yeah call me right away", napatingin siya sa baba kung san naron ang dalaga at abala sa mga pusang kalye. Ayon kay Dave bigla nawala ang mag-asawa sa Hotel na tinutuluyan ng mga ito. Tauhan niya ito na naka base sa Macao at inutusan niyang alamin ang kondisyon ng mag asawa kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi ang dalawa. May taong gumigipit sa mga ito at hindi binibigay sa mag asawa ang passbook para makabalik. Bigla siya nag alala para sa dalaga, kailangan niya bang ipaalam dito ang sitwasyon ng mga magulang nito? Pero kung malaman nito ang totoo ay aalis ito at babalik ng Manila, tiyak niyang manganganib ito sa taong humahanap dito. humakbang naman siya pabalik sa harap ng kanyang laptop. Isang email naman ang natanggap niya, mga impormasyon ng taong naghahanap sa dalaga. *** "Manang Becky?? pwede ba kong gumawa ng Pan cake? pang meryenda??" "Oo naman Celina, favorite na meryenda yan ni Sir Harry tapos partneran mo ng mainit na chocolate", napangiti naman siya sa Ginang, sakto lang din pala at gusto niyang akyatan ito ng makakain. "Sige po Manang,gusto niyo rin po ba ng mainit na chocolate?", "Ok lang ako hija", "Ako Celina kape,", biglang sulpot naman na saad ni Boss B, "Coming", nakangiti niyang saad, agad na niyang hinanda ang mga gagamitin niya sa pag gawa ng pan cake dinamihan niya ng itlog para mas malinamnam. Ilang sandali pa ay natapos rin siya sa pagluluto, binukod na niya ang dadalhin para sa binata, nilagay niya naman sa pinggan ang nakaseperate na pancake para kay Boss B kasama ng nirequest nitong kape. "Heto na Boss B. Happy Eating!!", "Aba, inspired ang bata ah!", Nginitian niya lang ito habang inaayos ang dadalhing tray para sa binata. Maingat siyang umakyat sa taas dala ang pan cake at mainit na chocolate nito. Agad naman siyang kumatok sa pinto nito, ilang sandali pa ay narinig na niya ang mga yabag nito papunta sa pinto, kinakabahan siya ng makita ito. "Oh Celina", "Dinalhan ko kayo ng meryenda Sir", kabadong saad niya, napangiti naman ito at pinapasok siya sa loob. maingat niyang pinatong ang tray sa lamesa nito. "Thank you", tumango naman siya dito, atleast kahit papano ay nasilayan niya ito ngayong araw. "T-Tawagin niyo lang po ako Sir pag may kailangan pa kayo", "Okay ka naba? hindi kaba nahirapan matulog sa buhanginan?", muntik pa siyang matawa sa sinabi nito, napakamot ulo nalang siya at napangiti dito "Hi-Hindi naman Sir hehe, makati lang", napamaang pa siya ng muling mapangiti ito, "Tungkol sa mga magulang mo Celina, hindi ko pa sila nakakausap hanggang ngayon. Pero hanggat wala pa sila magstay kalang dito ako ng bahala na magpaliwanag sa kanila", "S-Salamat Sir,," Abot langit ang ngiti niya ng makalabas siya sa silid nito, tila nawalan siya ng alalahanin oras na malaman ng kanyang mga magulang na nandito siya sa puder ng binata. Kinilig siya sa sinabi nitong ito na ang bahala na magpaliwanag, alam niyang magagalit ang Mommy niya sa ginawa niyang pag alis at tumigil pa siya sa pag-aaral pero gaya nga ng sinabi ng binata ito naraw ang bahala. Pakiramdam niya ang lumulutang siya sa ulap, labis siyang natutuwa. "Mukang kilig na kilig ka Celina ah", untag sa kanya ni Boss B ng makabalik siyang kusina. Nginitian niya lang ito, makita niya lang ang binata ay kinikilig na talaga siya "Masaya lang Boss B. magstay daw muna ako dito sabi ni Sir Harry", "Kaya pala ansaya mo. Heto pala may bibigay ako sayo para may magamit kang telepono", "Huh?" "Lumang cellphone ko yan at diko na ginagamit. Saiyo nalang para may magamit ka", sabay abot nito ng isang cellphone, natuwa naman siya dito at nakangiti na tinanggap ito "wow talaga boss b? sakin na toh? salamat hah?? ang bait niyo talaga", "Para kung sakaling tatawag ulit ung kaibigan mong mataba", natawa naman siya dito "Hindi yon mataba! sexy kaya yon", "Eh bat tawag mo Taba?" "Call sign namin yon Boss B" "Ganon? may pa ganon ganon pa pala mga kabataan ngayon", natawa na lang siya dito. "Salamat ulit Boss B", Kinabukasan ay maaga silang gumising ni Manang Becky para maghanda ng almusal, natulala pa siya ng makita ang binata habang pababa ng hagdan. Nakabihis ito ng puting polo at mukhang aalis, "Let's go kuya Bigs, may maaga akong meeting ngayon sa Makati at follow up check up", "Okay Sir, mag almusal po muna kayo", "Sa drive thru na tayo bumili ng kape, Manang kayo muna bahala dito ni Celina okay?", saad naman ng binata at tumingin sa kanila ng ginang. "Okay Sir", Ngumiti lang ang binata saka tumingin sa orasan nito at humakbang na paalis. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa sumakay na ito sa loob ng sasakyan, tinulungan niya ang ginang sa pagbukas ng gate. "Muka ka na namang malungkot Celina, balitaan kita pag uuwi kami ni Sir", napangiti lang siya kay Boss B at sumakay nadin ito sa loob ng sasakyan. Hanggang sa hinatid niya na lang ito ng tingin sa labas. "Celina tara mag almusal na tayo", "Opo Manang", Matapos nilang kumain ay ang ginang na ang nagpresinta maghugas ng pinagkainan nila. Nagdilig nalang siya ng mga halaman dahil nakalimutan niya ito diligan kahapon. Bigla naman nag ring ang cellphone na bigay sa kanya ni Boss B. Calling taba..... Tinapos niya muna ang pagdidilig bago ito sinagot, kagabi niya pa ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag niya hanggang sa nakatulog nalang tuloy siya. Hindi nga pala ito nasagot ng tawag pag hindi kakilala kaya nag iwan siya ng message dito na ito na ang gamit niyang number. "Oy! Hello taba. buti naman at napatawag ka! kagabi pako tawag ng tawag sayo eh!, akala ko kinalimutan mo nako" "Uy Celina taba!!! mabuti naman at natawagan na kita", may kabang saad nito sa kabilang linya, "Bakit anong nangyare? may balita kana ba? nagreply naba sayo ang Daddy??" "Celina makinig ka. Kailangan mo ng bumalik, sabi ni Angelo may pupuntang taga bangko sa bahay niyo at kukunin ang ilang properties na pag aari niyo, hinahanap nila ang owner ng bahay", "Ano?? papanong?? bakit???", gulat niyang saad, binundol narin siya ng kaba, may kinalaman ba ito kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi ang kanyang mga magulang?? "Kailangan mo ng bumalik para makausap yung mga tao na naghahanap kala tita at tito. Hihintayin kita ano makakauwi kaba ngayon?" "S-Sigurado kaba dyan? hindi kaya kagagawan lang yan ni Angelo?", "Hindi. Nakausap ko yung guard niyo maging si Ate Liza, totoong may taga bangko na naghahanap kala tita", Abot abot na ang kaba niya matapos marinig ang sinabi ng kaibigan, kailangan na niyang bumalik sa kanila, kailangan niyang malaman kung ano ng nangyayari sa bahay nila. "Oy taba? andyan kapa ba? mahihintay mo paba sila tita?", "Uuwi na ko,, pwede mo ba ko abangan sa Terminal ng mga bus??"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD