Part 15

2607 Words
Nagsimula na silang mag ihaw habang abala naman sa pag vivideoke ang magkumpare, nakapwesto narin ang mga ito sa nakabukod na lamesa habang katuwang niya naman si Manang Becky at Rose sa pag iihaw. Nag eenjoy naman siyang kasama ang mga ito at masaya siya na makita na nag eenjoy si Boss B sa kaarawan nito. "Tara na Celina, sempre kailangan mag enjoy din tayo para matikman mo na itong lambanog na galing pang Quezon", aya sa kanya ni Rose sabay kuha sa kamay niya, nag alangan siyang iwan si Manang Becky pero tumango lang ito saka ngumiti sa kanya, Nakabukod din ang lamesa nilang apat "Babe eto oh tikman mo kung ok na ang timpla", wika ng kasintahan nito saka inabot ang maliit na baso na may laman ng alak. "Ok na babe, maupo kana Celina", "Eto Celina ng matikman mo, hindi ka naman ba laging binubulyawan ng tiyo namin? madalas kase pasigaw yan kung kumausap" saad sa kanya ni Kent ng makaupo siya, kinuha niya naman ang baso na bigay nito saka ngumiti "Minsan pero literal na ata sa kanya yon, mabait naman si Boss B at para ko naring tatay na nanenermon ", "Ganyan lang yan si Tiyo pero mabait talaga yan lalo pag tulog hahaha", nagkatawanan naman sila sa tinuran ni Rose, nang inumin niya ang lasa ng lambanog ay pasado naman sa panlasa niya ayon sa mga ito ay may halo itong Mountain dew. Maya maya naman ay napansin niyang papalapit sa kanila si Boss B, halata niyang may amats na ito dahil medyo mapungay na ang mga mata "Oy mga bata kayo, ngayon ko lang kayo papayagang uminom ah??", "Oo naman tiyo birthday mo naman eh, hayaan mo rin kami mag enjoy", -Rose "Sige enjoy lang kayo, Celina enjoy lang hah? mababait ang mga pamangkin ko na yan", "Sempre mana kami sayo Tiyo", "Good, good,, Happy Birthday to me", saad lang nito bago tumalikod. Nagpatuloy lang ulit sila sa pag inom hanggang tinawag naman sila ni Manang Becky para kantahan daw ng happy birthday si Boss B, sinindihan narin nito ang kandila sa cake nito. Happy Birthday... Happy Birthday... Happy Birthday to youuu "Oh make a wish tiyo,,", Nakangiti na pumikit naman ito saka nito hinipan ang kandila nagpalakpakan naman sila. "Salamat sainyo, kahit wala dito ang mga anak ko masaya ako. Masaya ako na maayos ang sitwasyon nila, at masaya ako na nandito kayo para samahan ako sa kaarawan ko. Yun lang salamat", "Iiyak na yan!!! iiyak na yan!!!", kantyaw naman dito ni Rose, pero natawa lang ito pero bakas ang pamamasa ng mga mata nito. Bakit kaya mas pinili nito na dito magcelebrate kesa umuwi sa mga anak nito? pero sabagay may kanya kanya silang dahilan gaya niya kung bakit rin siya nandito. Minsan naisip niya rin ang pagiging makasarili sa desisyong ginawa, may tampo man siya sa mga magulang ay hindi niya magawang magalit ng tuluyan sa mga ito. At pinapangako niya na pag nakauwi na ang mga ito ay babawi siya at itatama na ang desisyon sa buhay. Parang gusto niya rin tuloy damayan sa pag iyak si Boss B, "Nagdadrama na naman ang tiyo tara mag inom na ulit tayo Celina", aya ulit sa kanya ni Rose, masaya ang salo salo nila na may halong inuman, hanggang sa hindi na nila namalayan ang oras mabilis niyang nakasundo si Rose dahil may pagka madaldal din ito at marami silang napagkwentuhan. Nag iinit na ang pisngi niya at ramdam na niya ang alak sa sistema niya, hanggang sa nagkaayaan sila nito na lumublob sa dagat para maibsan ang pagkalango. Ngayon niya lang naranasan ang ganitong experience kaya nag enjoy talaga siya. Pag nakauwi na siya at maayos na ang lahat yayayain niya rin si Ara at ipapakilala niya dito si Rose. Tiyak niyang magkakasundo rin ang mga ito gaya nila. Tuloy lang ang kasiyahan nila hanggang sa lumubog ang araw, unang nagpaalam na umuwi ang kasintahan nitong si Jimmy dahil may pasok paraw ito. Silang tatlo nalang ang naiwan na nag iinuman, nakilala niya namang maigi ang binatang si Kent napag alaman niyang hindi lang ito scholar ni Sir Harry kundi empleyado rin ito sa kumpanya nito na nakabase sa Manila. Mabilis talaga siyang magkainteres pag tungkol sa binata napahanga tuloy siya lalo dito ng mapag alaman niyang marami itong natutulungan na matapos nitong mapag aral ay nagkakaroon ng pwesto sa kumpanya na hawak nito. Hindi talaga nito basta basta pinapabayaan ang mga tao na nasa paligid nito, gaya niya sa onteng panahon na nasa puder siya nito ay hindi rin siya pinabayaan nito. Naalala niya pa ng masundo siya nito sa presinto, wala siyang ideya na ito ang magtutubos non sa kanya kaya sobrang ligaya niya sa tuwing maaalala iyon. "Kaya kung ako sayo Celina tanggapin mo narin ang inaalok ni Sir, hindi ka magsisisi", muling wika sa kanya ni Rose, napangiti lang siya dito "May gusto kase akong gawin bukod sa mag aral", sagot niya naman, alam niyang may amats na siya dahil nagiging madaldal narin siya pagdating dito, habang ang binata naman ay nakayukyok na sa isang tabi, mukang nakatulog na ito gusto niya tuloy ito batukan akala niya pa naman malakas ito mag inom. "Ano naman yon? ako ayoko rin mag aral eh mas gusto ko magtrabaho kasama si Jimmy", "Mahal na mahal mo siya noh?" "Ganon na nga, wala nakong pakialam sa lahat basta masaya ako na kasama niya. Pinaghahandaan na namin ngayon ang planong magpakasal", napangiti naman siya dito saka ininom ang alak na nasa kanyang baso. Masarap parin sa panlasa niya ito at kahit nagiging dalawa na ang paningin niya ay gusto niya parin uminom, ngayon niya nalang ulit naranasan ang malasing "Ikaw ba Celina wala kang nagugustuhan?", pag-iiba nito ng usapan na nagpangiti sa kanya ng maalala ang binata, unang kita niya palang sa portrait nito ay humanga na siya at habang tumatagal ay mas lalo na niya itong nagugustuhan "Meron, kaya ako nandito dahil sa taong yon" sabay tawa niyang saad, lalo naman lumapad ang pagkakangiti nito "Talaga ba? hulaan ko kung sino si Sir Harry ba yan??" kinililig na saad nito kaya napahagikhik narin siya "Pano mo nalaman?", "Imposible naman kase kung kay tiyo hahaha. Tsaka kanina mo pa siya bukam bibig, Pero wala namang hindi magkakagusto kay Sir Harry, humahanga rin ako sa kanya pero mas mahal ko si Jimmy sempre", "Tama ka, nakakalungkot nga na wala siya ngayon at mukhang mag iistay na siya sa Manila. Hindi ko alam kung dapat paba ko manatili dito", "Bakit hindi mo siya sundan? diba sabi mo sa Manila karin nakatira??", napailing naman siya dito, "Hindi pa ko pwedeng umuwi samin,, hanggat wala ang mga magulang ko", "Ay ganon ba, Pero alam ko broken hearted ngayon ang Sir Harry, engaged na sana sila at ikakasal na pero hindi na natuloy", napag alaman niya nga rin yon kay Boss B at alam niyang sobrang sakit nun para sa binata. "Kung ako lang yon hindi ko magagawang biguin siya", napahagikhik naman si Rose sa kanya kakatawa. May tama na talaga siya, wala na siyang nasa isip ngayon kundi ang binata at hindi na niya malihim ang pagkagusto dito panatag naman siya sa dalaga kaya nasasabi niya kung ano ang saloobin niya "Tagay pa tayo Celina, minsan lang mangyari toh kaya lubusin na natin" "Oo naman lalo na ngayon na medyo nalulungkot ako", aniya sabay lagok ng alak na nasa baso niya, malakas na natawa lang sa kanya ito. Kung ano ano na ang napag uusapan nila at puro pagtawa lang ginagawa nila. Hindi na niya namalayan na madilim na sa paligid, parehas silang lasing na lasing ni Rose at nagagawa na nilang mangagaw ng Microphone sa kumakanta. "Mahal na mahal kita Sir Harryyy whoooooo", sigaw niya sa micropono, inagaw naman sa kanya ni Rose ang mic at ito naman ang nagkakanta, wala na sa katinuan ang pinang gagawa nila dahil sa kalasingan. Huling natatandaan niya ay magkaakbay sila ng dalaga at sabay na lumublob sa dagat. *** Mag uumaga na ng makabalik siya sa Rest House, hindi sana siya uuwi pero may nagtutulak sa kanya na bumiyahe. Magdamag siyang hindi nakatulog at ang nasa isip niya ay ang naiwan na dalaga. Nagkita sila ng taong inutusan niyang mag imbistiga sa personla background nito, napag alaman niyang nag iisang anak ito ng mag asawang negosyante na nasa business trip ngayon at ang Ama nito ang nag email sa kanya kamakailan lang at nagsend sa kanya ng proposals. May problemang kinakaharap ngayon ang kumpanya ng mga ito at pinag iisipan niya pa kung tatanggapin ang alok nito pero ng maalala niya ang dalaga bigla siyang nag-alala. Marahil wala pa itong alam sa sitwasyon na kinakaharap ng kanyang mga magulang. Nakuha niya rin ang ibang impormasyon dito nung gabi kung pano ito napunta sa compartment ng sasakyan nila. Halos sabay silang nadischarge nito sa hospital at gaya ng sinasabi nito meron itong tao na tinatakasan matapos ang aksidente na nakuha nito. Ito pa ang patuloy niyang pinapaalam kung sino ang tao na pilit tinatakasan ng dalaga, sa ngayon ang nais niya muna ay makapagpahinga tila nasanay na ang katawan niya dito sa Rest House mas dito siya nakakapagpahinga at napapanatag kung saan wala masyadong tao na nakapaligid sa kanya. Bukod kay Manang Becky, Kuya Bigs at Celina. Sandaling niyang ipinarada ang sasakyan habang nasa labas ng gate ay rinig niya pa ang videoke doon sa may kubo, mukhang magdamag ang naging kasiyahan ng mga ito. Agad naman siyang pinagbuksan ng gate ni Manang Becky halatang kakagising lang din nito at nagulat pa sa pag dating niya ang alam nga pala ng mga ito ay sa susunod na araw pa ang balik niya. "G-Goodmorning Sir, napaaga po ata ang balik niyo", salubong nito ng makababa siya ng sasakyan, dito nalang siguro siya magpapahinga dahil wala pa siyang maayos na tulog. "Kape po kayo Sir??", "Tsaa nalang Manang, gising na po ba si Celina? pasuyo akyat niya nalang sa taas", napakagat labi naman ang ginang kaya nagtatakang napatingin siya dito, may nangyari na naman kaya dito habang wala siya "Ako nalang po mag aakyat Sir, ang batang yun kase hindi pa bumabalik. Naroon pa sa kubo", saad nito saka nagtungo sa kusina, napatango nalang siya buti naman at nakisaya ito pero umabot naman ata umaga ang kasiyahan ng mga ito. Nagpasya nalang siyang umakyat sandali para magpalit ng damit, nawala ang antok niya kaya nagpasya siyang bumaba para tingnan ang mga ito. Hindi na niya hinintay si Manang Becky at nagtungo agad ang mga paa niya papunta sa kubo. Nagkakantahan pa ang ilan ng madatnan niya, agad naman siyang binati ng mga ito, "Goodmorning Sir!", "Goodmorning", nakangiti niyang saad saka nagtungo sa kubo kung san tanaw niya si Kuya Bigs, inikot niya ang tingin sa paligid pero hindi niya napansin ang dalaga. "S-Sir Harry??? Sir Harry kayo pala!", gulat na salubong sakanya nito, "Belated Happy Birthday Kuya Bigs, mukhang nag enjoy kayo ah", "Salamat Sir, Akala ko bukas pa ang uwi niyo Sir??", "May nakalimutan akong", natigilan siya at napakunot noo ng magawi ang tingin niya dun sa buhanginan, nandon ang dalaga at natutulog may kumot din na nakatakip dito, nagtataka na napasulyap siya kay Kuya Bigs, nagtatanong ang mga mata niya kung bakit ganon ang sitwasyon ng dalaga, "Ay naku ka!! Celina!!!", dali dali naman itong nilapitan ni Kuya Bigs, "Uy Celina gising!!, tumayo kana dyan parang awa mo na!!" "Uhmm, ayoko!!, hindi ako sasama!!", anito habang nakapikit, pag kukunin ni Kuya Bigs ang kamay nito ay tinutulak nito. Humakbang naman siya palapit para matingnan ito mukhang nalasing ito ng maigi "Celina tayo na dyan! husko kang bata ka malilintikan ako sayo,, dali na,, ", "Ayaw!!! kay Zer lang ak sa-sama", nabubulol lang wika nito, ayaw talaga nitong magpahawak at nanatili lang nakapikit ang mga mata. "Naku naman!!! kagabi pa ito Sir ayaw magpahawak kahit kanino, kaya hinayaan muna namin siya makapagpahinga,, mabuti pa Sir mag almusal po muna kayo, nalasing po kase si Celina kagabi at hindi ko na naawat", paliwanag naman neto sa kanya, muli lang niyang sinulyapan ang dalaga na natutulog parin sa buhanginan parang hindi nito alintana ang sitwasyon "Okay lang ba si Celina dyan?", "Hindi nga Sir eh, pero ayaw magpahawak kagabi pa yan nagpupumiglas", problemadong saad nito bago tiningnan ulit ang dalaga. "Oy mars!!! Mars gising na!!! nandyan si Sir Harry nakakahiya ka!!", sabay silang napatingin sa dalaga na lumapit dito, kakagising lang den nito at mukhang lasing pa, "Hah? S-Sino??", "Pambihira bat dyan ka naman natulog, ayan oh si Sir Harry nasa harapan mo", pabulong na saad pa nito pero rinig naman sa kanya, tumalima naman ang dalaga at inalalayan nito na makabangon, puro buhangin ang damit nito at pupungas pungas na tumingin sa paligid, *** "Hay sa wakas gumising kaden Celina, pambihira ka talaga ano okay kana ba??", saad ni Boss B ng makalapit sa kanya, napailing lang siya, hindi siya okay ramdam niyang hilo pa siya at parang bumabaliktad ang sikmura niya. Nananaginip lang ba siya na nariyan daw si Sir Harry?? pero ng mag angat siya ng tingin napakurap siya at natulala, nasa harapan niya ito at matamang nakatingin sa kanya. Bigla siya kinabahan at gusto niya nalang lumubog sa lupa ng makita nito ang sitwasyon niya, kailan pa ito nandito?? "Oy mars okay kanaba??", saad naman sa kanya ni Rose, naging Mars na tawagan nila dahil usapan nila kagabi ay kukunin raw siyang ninang nito, naramdaman niya naman na susuka siya kaya agad siyang napatayo at tumakbo palayo para sumuka. Sinundan naman agad siya nito na may dalang tubig. "Over hang yan Mars hehehe", "Namamalik mata ba ko?? o talagang si Sir Harry yon??", "Hindi ka namamalikmata Mars! si Sir Harry talaga yun", natatawa pang saad neto, "Hah??? pero bakitt????,, oh hindeeee", aniya at nanlalambot na napaupo pasalampak sa buhanginan, naduduwal ulit siya "Okay lang yan Mars, mabait naman yon si Sir, medyo nagulat lang siguro na nandatnan ka niyang ganon", Naipikit niya ang mga mata, masakit pa ang ulo niya at ramdam niya pa ang alak na nananalaytay sa kanya. "Ayoko na!! dina ko uulit Mars!!", aniya dito "Hindi ang saya nga Mars eh, may kumare na agad ako kahit wala pang baby hahaha", natawa nalang siya dito, pero mas masaya siya ng mapag alaman na nandito ngayon ang binata. Kahit medyo lango pa ay napatayo naman siya, "Oh pasasaan ka??", "Magsuswimming pampawala ng lasing!", "Sige swimming kalang Mars!", nang bumalik ito sa kubo ay pinasya niyang maglublob sandali, hindi niya pa magawang bumalik doon dahil nahihiya siya kay Sir Harry mukha siyang ewan na madatnan nito na ganon ang sitwasyon niya. Ilang sandali siyang nagbabad sa tubig dagat bago naisipang umahon. Tirik narin ang araw at medyo gumaan na ang pakiramdam niya, napansin niya rin na nagliligpit na sila Boss B at Rose kaya lumapit na siya sa mga ito para tumulong. "Oy Celina Okay kana ba? nalasing karaw kagabi nakatulog na kase ako", untag sa kanya ni Kent, napatango lang siya dito at ngumiti "Dinaig niyo pa kami sa pag inom mga bata kayo!, ah siya dalian niyo na magligpit nakakahiya kay Sir Harry", "Okay lang yun tiyo at burthday mo naman!", wika naman ni Rose dito, "Isa kapa! tinalo mo pa ang tatay mo sa pag iinom pambihirang mga bata", "Minsan lang naman magsaya ang mga bata Joselito para namang hindi ka nagdaan sa ganyan", natatawa namang saad ni Manang Becky, napangiti lang siya dito napakanawain talaga nito, bigla niya naman naalala ang binata "Ah Manang Becky? si Sir Harry po?", "Nasa silid na niya at nagpapahinga", tumango nalang siya habang naglalakad sila pabalik, masaya siya na nandito na ito ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD