bc

Words We Can't Take Back

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
single mother
drama
sweet
bxg
bold
campus
highschool
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Kaylee Rayne S. Dela Vega is a brave and untouchable woman. The smart and tough one, she has the angelic face that everyone couldn't resist to stare at. She grew up in San Lazaro Village, an orphan one who never stops from fighting alone. She's been enduring all the pain and longingly all the time.Asher Gideon P. Alvarez, the man who doesn't know how to commit his defeat in a fight. A man who never begs or is pleased with something or someone. But what if his weakness came in? Will he still fight?

chap-preview
Free preview
Prologue
Kaylee's POV Ang sabi nila pag mayaman ka madali na lang para sayo makuha ang lahat, mga mamahalinlg damit, masasarap na pagkain, magagarang kotse, at mga tunay na gintong alahas. Pag mahirap ka, isang kahid, isang tuka ka. Utang dito, utang doon maitawid lang ang pang-araw araw. Ngunit ano nga ba ang magagawa ng yaman kapag nag-aagaw buhay ka na at walang doctor ang makakapagpagamot sa’yo? Bata pa lang ay pangarap ko na ang pagiging doctor, kahit alam kong imposibleng makamit ko ito ay pinipilit ko pa rin dahil alam kong kaya ko. Apat na taong-gulang pa lamang ako ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon upang makilala ang pamilya ko. Ang sabi nang mga nakasama ko sa bahay-ampunan ay patay na ang mga ito. Nasa gitna ako ng pagninilay-nilay nang bigla kong marinig ang boses ng ka-dorm mate ko, kakauwi lang nila galing Mall. Nauna silang mamili saakin dahil Senior High na sila samantalang last year ko na sa HS ngayong taon. Napapaisip tuloy ako kung sino ang makakasama ko sa pag-marcha. Pwede kaya si Tita Cristine? Sasamahan nya kaya ako? “Kaylee! Bumaba ka muna dyan, baka hindi ka pa kumakain saluhan mo na kami!” Itinigil ko muna ang pagninilay-nilay at bumaba para kumain, nagugutom na rin ako at kailangan ko nang matulog dahil pupunta ako sa School bukas para mag-enroll. “Wow! Favorite ko!” sigaw ko nang makita ang ulam naming Menudo. “Ayan din naman ang ulam natin nung Sabado peronkung maka-wow ka wagas,” sermon ni ate Rhian. Naglapag ito ng plato, kutsara at tinidor sa harap ko bago sumandok ng kanin. “Nga pala, oh allowance mo para next week. Pagpasensyahan mo na hindi pa ko nasahod,” saad nito bago iabot sakin ang isang libo. “Salamat ate, titipirin ko to para sa dalawang liggo” saad ko na syang ikinabilis ng pag-iling nito. “H'wag na bibigyan na lang kita pagkatapos ng isa pang linggo. Wag mo tipirin ang sarili mo, kaya ka pumapayat e,” sermon nanaman nito. Napangiwi naman ako sa komento nito saakin, masakit sya magsalita paminsan-minsan pero hindi naman yung talagang masakit, hm, ano sakto lang. Sa aming tatlo na magkasama sa dorm, si ate Cristine ang talagang nakaka-kabisa sa mga galawan namin, alam nya kung kailan namin sya kailangan at hindi. Sya rin ang nagsisilbing nanay namin dito sa dorm, kahit medyo masungit sya minsan, e mahal namin sya. “Oo nga pala, nakapag-enroll ka na ba, Kai?” Biglaang pagsali ni ate Ella sa guluhan namin, kumakain ito habang tinatanong ako kaya naman biglaan akong napahinto sa pagsubo ng kutsara. “Bukas pa po ako mag-eenroll, ate sasama ka po ba?” tanong ko rito. “Tignan natin, by the way yung kapatid ng kaklase ko mag-eenroll na rin bukas kaya baka magkasabay na kayo,” saad nito. Agad akong napaisip. Ha? Sino dun? Marami na kong nakilala na kapatid ng mga kaklase nila ate, bago ba to? “Sige, ate,” nasabi ko na lamang at ipinagpatuloy ang pagkain. “Sa susunod ipalaminate na natin ang mga certificates mo at ayusin natin ang mga medals mo sa dingding para maganda tignan,” saad nito at tumahimik na pagkatapos. Matapos ang isang oras na pagsasalo namin sa hapagkainan ay ako na ang nagpresinta na maghugas ng mga plato, alam ko rin kaseng pagod sila. KINABUKASAN. Ala-sais pa lang ng umaga gising na ‘ko, mahaba ang pila sa eskwulahan kaya kailangan agahan namin nang kasama ko. Pagkalabas ko pa lamang nang kwarto ay humalimuyak na ang amoy ng niluluto ni ate Ella. Habang si ate Rhian naman ay abala sa pag-aayos ng bahay. “Maupo ka na, Kai para makakain na. Mabagal ka pa naman kumilos baka abutan ka ng traffic sa daan pag nahuli ka ng sakay mamaya,” saad ni ate Ella. Hinanda ko na ang mga kubyertos at kutsara’t tinidor, nagtimpla na rin ako nang kape para saaming tatlo. Ganito ang eksena namin sa araw-araw, si ate Ella lagi ang taga-luto, si ate Rhian naman sa Plantsahin at paglilinis at ako naman taga-hugas ng plato. Pare-pareho kaming lumaki sa bahay ampunan, ni minsan hindi ko sila nakitang umiyak para lang sa isang maliit na bagay. Masasabi kong napakatatag nila at sila pa ang tumayong nanay at tatay ko sa lahat ng oras. Nang mag-legal age si ate Rhian, kinuha nya kami ni ate Ella. 18 years old sya at 17 years old naman si ate Ella sa mga panahon na yun, 15 years old lang ako. Hindi ko alam kung paano nila ako nakayanang pag-aralin. Pareho silang nagpa-part time, nang magpaalam ako sakanila na gusto ko rin ay hindi sila pumayag. Waitress si ate Rhian sa isang mamahaling restaurant habang make-up artist si ate Ella sa isang agency. “Anong strand kukunin mo, Kai?” tanong ni ate Rhian habang kumakain kami ng agahan. “STEM po,” sagot ko. Tumango ito at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kami ay hinugasan ko na ang mga plato atsaka naligo. Simpleng lavender off shoulder top lang ang suot ko at high waist black trouser, tinernohan ko ito ng khaki 2 inches heels para komportable kahit papaano. Nakalugay lang ang buhok ko, nakaayos ang bangs at nag-suot ako ng simpleng white hair band. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ko sa kwarto ko, nadatnan ko sila ate sa sala nanonood ng TV habang kumakain ng kitchirya. Napatingin ang mga ito saakin at ngumiti. “Dalagang-dalaga na ang bunso natin Ella, mamaya malalaman natin may boyfriend na yan,” komento ni ate Rhian, kitang-kita sa mga mata nito ang saya. “Sana hindi mo kami kalimutan ha, Kai” dagdag ni ate Ella. Napangiti na lamang ako at niyakap sila, sana kapag pwede na kong makabawi sakanila, pwede pa. Ayokong mahuli, kailangan kong agahan para makabawi pa ko sakanila pag nakamit ko na ang pangarap ko. “Una na ‘ko, mga ate,” paalam ko at dali-dali na kong umalis. Pumara na ako ng tricycle para mabilis, nag-ipon talaga ako para hindi ko na magagalawa ang binigay nila ate. Mamimili rin kase ako mamaya kasama ang matalik na kaibigan kong si Chelsea. Maya-maya lamang ay nakarating na ako sa SLU. San Lazaro University, ang dream school ko simula pagkabata. Mahal rin kase ang tuition fee nila dito, kaya pinagbutihan ko noong Junior High para makapasa ako sa Scholar List Program. “Kaylee!” Habang nililibot ko ang mga mata ko ay may narinig akong sigaw nang isang babae, boses pa lamang ay kilala ko na kung sino ito. Chelsea Leigh Hernandez. Nilapitan ako nito at hinila papunta sa pwesto nila ng mga kasama nya, hindi ako familiar sa mga ito kaya agaran akong nakaramdam ng hiya. “Guys, this is Kaylee my best friend since elementary, please be nice to her” pagpapakilala ni Chelsea saakin. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nakatingin na silang lahat saakin. Dalawa lang na babae sila Chelsea at apat na lalaki. “Hindi mo naman sinabing may maganda kang babae, Che,” komento nung lalaking kulay light brown ang buhok. Sabi nung narinig ko na Felix ang ngalan. “I’m David, single and ready to mingle,” pakilala nung lalaking may pagka-playboy ang aura. “K-Kaylee, nice meeting you,” nauutal kong banggit sa pangalan ko. “I’m Fiona, tama sila ang ganda mo,” nakangiting pakilala saakin nung isang babae. Sakto lang ang buhok nito, straight at naka layer cut. Nakasuot ito ng brown high waist trouser, white tube crop top at polo ang nagsisilbing jacket nya habang naka-luhgay ang buhok nito. “Bro, Owen bakit ‘di ka nagsasalita?” tanong nung David. “Syempre, ikaw ba naman may kaharap na Maria Clara makakapag-salita ka ba agad?” pang-aasar nung tinawag nilang Felix. Agad ko namang tinignan yung lalaking nakasalamin at nagkatagpo ang mga mata natin. He's handsome, he has the calming aura and you can feel his comfortable presence. “Shut up. She's not beautiful.” saad nito at nauna nang pumasok. Nakaramdam ako ng hapdi sa narinig ko mula sakanya, maya-maya naman ay nag-aya na silang pumasok dahil nagsisidatingan narin ang iba. TO BE FOLLOWED.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
617.9K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.9K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.2K
bc

The Lone Alpha

read
125.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
822.7K
bc

Bad Boy Biker

read
8.8K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook