“You can’t wear a business attire on the press conference. Alam na ng mga tao na secretary ka ni Rui, hindi mo na kailangan ipagdiinan pa sa kanila ‘yon. Ngayon, kung usapang asawa, dapat mukha kang Madam kapag sinabi niyo na ang sikreto nin’yo,” Patricia said with her eyebrows furrowed. Kakarinig palang niya mula sa mag asawa na gusto na nilang sabihin sa publiko ang totoong relasyon nilang dalawa, at hindi siya makakapayag na gagawin nila ito nang hindi nakaporma si Leyla. Siya pa naman ang pinaka kikay sa kanilang magkakaibigan, hindi niya talaga maaatim na pabayaan ang kan’yang daughter in law na makunan ng media suot ang ordinaryo niyang suot araw- araw sa opisina. “Ma, hindi naman na siguro importante ‘yong isusuot ko ‘di ba?” natatawang tanong ni Leyla. Panandaliang napahinto siya

