“So papasok si Shawn mula doon sa main door, siya ang unang mag sasalita ‘di ba? Tapos tayong dalawa, dito sa likod manggagaling para imbis na sumabay sa kan’ya para hindi tayo dumugin ng mga tao. Si Roca rin ang tutulong sa atin mamaya sa pag manage ng media sa labas, I decided that she can help us, lalo na at pamilyar ka na rin naman sa kan’ya. Ready ka na ba mamaya? Nabasa mo na ‘yong flow ng magigign- Rui? Are you listening? Hello? Hoy, bakit nakatulala ka d’yan?” Leyla snapped her fingers right in front of Rui’s face. Hindi ito kumukurap at hindi rin siya sumasagot sa ano man na sabihin ni Leyla na balisa na nga sa pag aalala. Rui silently inched closer as if he’s about to whisper something and she moved closer. But as soon as she got a little closer to him, he pulled her closer and

