Sela's POV: "Mj, hoy Mj, gumising ka na si Sela 'to." Naisip kong puntahan si Mj dito sa classroom nila. Buti na lang at pumunta ako rito dahil naabutan ko siyang tulog na tulog at may bubble gum pa sa buhok. Hays, kawawa naman siya. Kaklase niya pa yata 'yong tatlong bruha ng academy. Wala na talagang magawang maganda ang tatlong 'yon. "Mj pst, gising ka na tayo na lang nandito oh. Masyado yatang masarap ang tulog mo ah." Gising ko sa kaniya at niyugyog. Jusko, ang hirap pala niyang gisingin. Nagconcentrate ako at umisip ng paraan paano siya gigisingin. Ang ganda-ganda kaso tulog mantika. "Mj gising ang daming pogi! Bilis makakalayo na!" Sigaw ko at hinampas ang lamesa niya. Aba si gaga, biglang tumayo! Sabi ko n eh! "Ha nasaan! Halika tingnan natin bilis!" Sabi niya at hinil

