Mira's POV: "Hmm goodmorning Manila!" Bati ko sa umaga at nagunat-unat. Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Medyo masakit pa rin ang katawan ko. "Damn ano ba 'yan! Wala nga pala ako sa Manila, hays." Singhal ko. Hays ano ba 'yan. Matanda na nga talaga ako ulyanin na ang lola niyo. Kailangan ko na yata magtake ng gamot. Dumeretso na ako sa banyo para maligo at magbihis. Makapagpaganda baka maraming fafa mamaya. Kailangan ko na magkajowa 323 years old na ako wala pa rin akong asawa. Susmaryosep ayokong mamatay ng virgin! Sayang ang magandang lahi 'no! Matapos kong maligo ay kaagad akong lumabas ng banyo para magbihis. Naglotion pa ako at tinapos ang seremonyas ko sa katawan bago lumabas. First day ko ngayon, bawal ang late. Naglalakad na ako rito ngayon sa hallway dala-dala a

