Laxon's POV: Nandito na kami ngayon sa portal. Babalik na kami sa Middle World. Tumawag kasi ulit si dad, hindi na raw pwedeng ipagpabukas pa ang uwi namin, delikado na. At isa pa, mahina ang barrier ng school dahil nasa amin pa ang gems. "Laxon, tara na?" Yaya sa akin ni Mira at hinawakan ang kamay ko. Nakababa na kaming lahat sa SUV at may naghihintay sa amin na bus sa kabila. Ito na, babalik na ulit kami. "All of you, pumasok na sa portal!" Sigaw ko. Sunod-sunod naman kaming pumasok sa portal. Hawak ko naman ang kamay ni Mira. Bitbit naman nila Kill at Ruko ang mga gems. "Ilag!" Biglang sigaw ni Kill. Sabay naman kaming yumuko ni Mira. May palasong lumipad sa direksyon namin, s**t. May mga kalaban! Sino naman kaya ang mga iyon? Hindi kaya natunugan kami ng grupo nila Arima? I

