Mira's POV: Nagising ako dahil biglang lumikot itong katabi ko. Lumingon naman ako sa gilid ko at nakitang tulog na tulog pa si Laxon. Nakaunan ako sa braso niya at nakakumot kami. Pero wala kaming ginawang bata kagabi ha. Ang sarap naman ng ganito sa pakiramdam. Sana lagi na lang kaming ganito, sana forever na rin kami ni Laxon. Kinuha ko iyong cellphone ko at binuksan ang camera. Ang cute ni Laxon matulog, nakakunot pa ang kaniyang noo. Pinindot ko ang click kaso tumunog ito kaya biglang nagmulat si Laxon. Nagulat naman ako sa kaniya at napaatras. Muntik pa akong mahulog sa kama. "Admiring me? Baka matunaw ako niyan." Tanong sa akin ni Laxon at umupo. Nag-unat naman siya at nginisian ako. Wala kasi siyang damit pang-itaas kaya nakikita ko ang mapipintog niyang biceps. "Mataga

