CHAPTER 3

915 Words
Mira's POV: "f**k, ang sakit ng ulo ko." Kakagising ko lang at parang pinupukpok ang ulo ko. Damn, nag-inom nga pala ako kahapon, hay buhay. Tapos naalala ko nasa tulay nga pala ako kahapon. Tatalon na sana ako tapos may pumigil sa 'kin, si Fafa Jack– "Oh my gosh! Nasaan ako? Tulong nakidnap ako!" Sigaw ko at napatayo sa couch. Natataranta na ako. Ano ba'ng ginawa ko, hindi ko pa maalala ang lahat! Gosh, hindi na talaga ako mag-iinom! "Oh my, hindi kaya nakuha niya na ang flower ko?!" Kabado kong sigaw. Lasing ako tapos sumama ako sa hindi ko naman kilala. Paano kung r****t siya o hindi kaya magnanakaw? Baka naman kidnapper o nagbebenta ng lamang loob? Damn, patay! "Agang-aga ang ingay mo. Ano ba'ng pinagsasa-sabi mo dyan!?" Sigaw ni Fafa Jack sa 'kin. Ideal boyfriend pala ang isang 'to. Ang pogi, fafable talaga at mukhang daks– erase erase, ang dumi na ng utak ko. "Hoy ikaw Jack, anong ginawa mo sa 'kin ha? I feel so harassed, pakiramdam ko rin nawawala na ang kaliwa kong kidney." Tanong ko sa kaniya. Aba, hindi na bale kung gwapo siya! Kung ganiyan din naman kabungangero ang asawa ko, h'wag na lang. Sayang ang beauty ko sa kaniya, tatanda ang itsura ako. "Excuse me, what? Hindi Jack ang pangalan ko! Wala akong ginawa sa'yo 'no, baka ikaw ang may ginawa sa 'kin last night." Sabi niya at may pagsmirk pa. Ano kayang ginawa ko kagabi? Jusmiyo, nakakahiya. "Please tell me Jack, may ginawa ba tayo kagabi, you know na, deflowering?" Tanong ko sa kaniya. Damn, please say no! "Sabing hindi nga ako si Jack! Mahiya ka nga, hindi kita type! Think of what you've done yesterday!" Sigaw niya sa 'kin. Hindi niya raw ako type? I'm so gorgeous kaya, duh! Laxon's POV: That woman, napakaingay niya! Walang tigil kakadada, dapat iniwan ko na siya sa daan kagabi, damn. Iiwan ko sana muna siya rito sa living room habang nag-iisip at pupunta na sana ako sa kusina nang makita ko ulit ang tribal tattoo niya, located on the middle portion of her right collarbone. "Did you run away from the academy? Wala ka nang takas ngayon because I am the principal's son, woman." Nakangising sabi ko. Akala niya ba may takas siya sa 'kin? Minamalas yata siya, tapos na ang maliligayang bakasyon niya rito sa Middle World. Tiyak mapaparusahan siya sa student council kapag nalaman na may estudyanteng tumakas. "Huh? Academy mo your face, hindi na ako nag-aaral!" She shouted. Akala niya rin ba mauuto niya ako? Mangarap siya. Lumapit ako sa kanya habang siya naman ay paatras nang paatras. There is only one thing I need to know kung totoo nga na tama ang hinala ko. "Huwag kang lalapit, marunong ako ng martial arts!" Sabi niya at nagflex pa ng muscles kuno. Her face is priceless, mukha siyang constipated! Lapit lang ako nang lapit hanggang wala na siyang maatrasan. I need to do it quickly dahil baka maunahan niya ako. "Sabing h'wag kang lumapit sa 'kin!" Sigaw niya. Ibinato naman niya 'yong vase na nasa lamesa sa direksyon ko. Tsk, wrong move, woman. Nang tatama na sa 'kin ang vase ay nagglitch ako. One of our powers. Poor woman, siguro isa siyang healer at nasa mababang antas ng Manta. "Tangina, anak ka ba ng projector!? Paano mo ginawa 'yon!?" Pasigaw niyang tanong. Is she an idiot? As if naman ngayon lang siya nakakita ng katulad ng kapangyarihan ko. Kalat kaya kami sa academy, madalas pa nga nag-eensayo ang grupo namin sa activity area. Mira's POV: "Tangina, anak ka ba ng projector!? Paano mo ginawa 'yon!?" Sumisigaw kong tanong. Anak ng betlog! Sa tagal kong nabubuhay ngayon lang ako nakakita no'n! Hindi ko alam kung lasing pa ba ako o namamalikmata. Ano ba'ng mayro'n sa isang 'to? Inusisa ko ang katawan niya kung paano niya nagagawa iyon. Hindi kaya bukod sa imortal na kagaya ko, may ibang nilalang pa na nabubuhay? Baka siguro kalahi siya ni San Goku, nakakapagteleport din. "Hoy umamin ka, kaano-ano mo si San Goku? Siguro isa ka ring Saiyan 'no? Hindi na rin ako magtataka kung nakakalipad ka! Pero alam mo, for your information, kahit anong powers mo, hindi ka tatalab sa beauty ko!" Lakas loob na sigaw ko sa kaniya. Akala niya ba matatalo niya ako? No way highway, hindi siya tatalab sa 'kin. I'm an immortal with a very beautiful face and sexy body. Baka madala ko sa karisma ang isang 'to at patakasin ako. "Enough for chit-chats woman, it’s time to go back to the academy." Sabi niya at akmang may kukunin sa bulsa. Nagready na ako ng eagle post at handang umatake nang hagisan niya ako ng glitters na white sa mukha. "Hatching! What the f**k, bakit mo ako hinagisan ng glitters! Ikaw patay ka sa 'kin betl–" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng unti-unti na kong bumagsak sa sahig. Hindi pala 'to kamag-anak ni San Goku, si Tinker Bell yata ang nanay niya. "Sleep well armalite woman. Tinablan ka ng sleeping dust. Now, sigurado na talaga ako." Sabi ni Fafa Jack. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, nakita ko siyang naglakad palayo. Jusko, baka nga ibenta ako ng isang 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD