Laxon's POV:
"Sleepwell armalite woman. Tinablan ka ng sleeping dust, now sigurado na talaga ako." Bulong ko habang nakatingin sa nakahandusay niyang katawan sa sahig.
Sabi na nga ba, isa siguro 'to sa mga pasaway na estudyante sa academy. Mga mahihilig magcutting classes, kaya walang natututunan tsk.
Pumunta na ako sa kusina para magtimpla ng kape. I like the aroma of black coffee in the morning.
I'm done preparing my coffee at akmang iinom na ng may tumawag.
"Nice timing, sino ba 'to?" Bwiset kong sinagot ang natawag sa cellphone ko.
Who's this motherfucker? It's an unregistered number. Hindi kaya sila Malford lang 'to or Shin na trip magprank call?
"Hello is this Mr. Laxon M. West?" Tanong ng isang babae sa kabilang linya.
Hmm, siguro isa 'to sa mga taga academy. Ambilis naman nilang nalaman na nasa akin na ang pasaway na 'yon.
"Yes speaking, what do you need?" Sagot ko sa kung sinong istorbo na 'to at uminom ng kape.
"This is Ms. Fei Xing your father's secretary po, pinapatawag ho kayo ng ama niyo rito sa academy. Patungkol daw ho sa panibagong problemang kinakaharap ng council." Sagot ni Ms. Xing sa kabilang linya.
Maybe it's because of the students. Yeah right, ano pa nga ba.
"Ok, tell him I'll be there before dinner with a guest." Sabi ko kay Ms. Fei bago ibinaba ang tawag. Tsk, patay ka ngayong babae ka.
-Few hours later-
Maggagabi na ngayon at malapit na kami sa Academy. Kanina ko pa siya ginigising pero ayaw niyang gumising. Napakatulog mantika, gusto ko na siyang itapon sa bintana.
Ilang oras lang naman ang tinatagal ng sleeping dust, binabangungot na yata ang isang 'to.
Dahil ang tagal niyang gumising, kumuha ako ng bottled water at ibinuhos 'yon sa kaniya.
"Puta, sinong nagbuhos!?" Sigaw niya habang nanlalaki ang butas ng ilong. Mukha na siyang basang sisiw, pft.
Deretso lang akong nakatingin sa daan at hindi na pinansin ang pinagsasa-sabi niya.
Maya-maya ay kinukulbit na niya ako nang kinukulbit kaya pinansin ko na, kulang yata sa atensyon.
"What?" Bored na tanong ko dito. Hindi ko pa rin siya binabalingan ng tingin.
"Ako si Mira Jane, Mj na lang for short. Ikaw, anong pangalan mo?" Nagpapakilala hindi ko naman tinatanong. But it was a nice name.
"Laxon," Tipid na sagot ko dito at pinagpatuloy ang pagmamaneho.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya sa 'kin.
Curiousity was written all over her face. Hindi niya ba alam ang daan papunta sa academy?
"Here," Sabi ko at lumabas na ng kotse. Sumunod na rin siyang lumabas.
"Wow, ang ganda! Nasa Neverland ba tayo? Hari na ba si Peter Pan? Ipakilala mo naman ako sa nanay mong si Tinker Bell oh! Sabihin mo ship ko talaga sila ni Peter Pan do'n sa movie, ayaw ko kay Wendy kasi iniwan si Peter kagigil! Alam mo ba lahat na lang ng nagiging boyfriend ko iniiwan ako, kaya ayaw ko sa mga---"
"Can you shut up? Hindi ako fairy at hindi ko nanay si Tinker Bell! I don't care about Peter Pan and your nonsense love life. Panget ka kasi kaya ka iniiwan." Putol ko sa pagsesentimyento niya.
She's so noisy! Nakakairita na!
"Edi h'wag! Kala mo porket kamukha mo si Fafa Jack type na kita! In your betlog, duh!" She said.
What does betlog means? Maybe it's a salitang kalye, halata naman sa bibig niya na may pagkabungangera at bastos.
"Just shut up and follow me." Utos ko sa kaniya.
Baka dumugo na ang eardrums ko sa dami ng sinasabi niya, idagdag mo pang nakakairita ang boses niya.
Papunta na ko sa may gate nang Academy ng bigla siyang sumakay ng kotse. Bobo ba 'to?
"Hoy, dito sa Academy hindi sa kotse. Kung hindi ka ba naman kalahating tanga rin." Sabi ko kay Mira at sumilip sa may bintana ng kotse ko.
Mira's POV:
"Hoy dito sa Academy hindi sa kotse. Kung hindi ka ba naman kalahating tanga rin." Sabi ni Fafa Jack at sumilip pa.
"Edi uuwi! Alam mo kung anong tawag sa gagawin ko? Carnapping ulol, ciao!" Sigaw ko.
Ang tanga naman niya!
Pinaharurot ko na 'tong bugatti niya palabas ng academy pero nagsasara na 'yong gate! s**t!
"Hey, stop! My car!" Sigaw ni Landon sa 'kin.
Landon ba ang pangalan niya o Lander? Ay ewan.
"Neknek mo babye-"
Damn, babangga na ako sa gate hindi ako makakaabot! Worst, nakalimutan ko pa magsuot ng seat belt!
Parang slow motion ang lahat ng hindi gumana ang air bag kaya dere-deretso ako sa windshield ng kotse at nagshoot palabas.
"Puta 'yong kotse ko!"
"Puta aray!"
Sabay naming sigaw ni Lander. Tangina, 'yong kotse pa talaga ng mas inalala niya!