Mira's POV:
"Puta aray!" Tangina ang sakit no'n ah!
Kahit naman hindi ako namamatay, nakakaramdam ako ng sakit. Hindi ako manhid noh, medyo lang naman.
"Lander tulong! Hindi ako makaalis dito!" Sumigaw na ako ng napakalakas to the nth power. Sana naman tulungan niya ako, bwiset.
"Laxon nga ang pangalan ko hindi Lander!" Sigaw sa akin ni Lander este Laxon pala.
Pero imbis na tulungan niya ako, inuna niya pa 'yong kotse niya! Letse naman oh, hindi man lang ba siya naaawa sa akin?
"My poor car." Sabi ni Laxon.
May paghaplos pa siya sa kotse niya. Aba nagpout pa 'nak ng putcha, bakla ba siya? Sayang ang lahi niya ha!
"Hoy tulungan mo naman ako dito!" Sigaw ko.
Nagagalit na talaga ako promise. Hindi lang halata kasi pinaglihi talaga ako sa kagandahan. Kung tutuusin kasalanan naman ito ni Laxon, bakit miya ba kasi ako dinala rito?
"Bahala ka sa buhay mo! Patay ka ngayon papalapit na si Ma'am Rin." Sabi ni Laxon sa akin at nagwalk-out.
"Urgh! Bahala na nga, fuck." Pagsuko ko.
Kaya mo 'to Mira-cute let's go! Mas malala pa ang mga nakaraang ginawa ko, mild pa lang 'to. Walang tutulong ngayon kaya bawal ang arte.
Ginalaw ko nang ginalaw ang katawan ko para makaalis sa windshield nitong kotse niya. Kalahati ng katawan ko ang nasa labas at kalahati naman ang nasa loob. My poor sexy body, kawawa naman.
I'm doing my best matanggal lang ako sa windshield na 'to. Tapos may naririnig akong mga bubuyog. Bzzzl bzz daw?
"Okay let's do this Mira-cute, ito ang plano natin self ha. Pupush natin paunahan ang ating magagagandang paa para magshoot tayo dito sa salamin. Okay game in one, two-"
"*ぎとは*ですか!? / What is the commotion all about!?" Sigaw ng babaeng hulk mula sa likod. s**t 'yong plano ko nganga!
"Puta!"
Dahil sa lakas ng sigaw ni Lady Hulk nadulas ako sa tinutungtungan ko at bumagsak. In the end, tumusok 'yong salamin ng windshield sa tyan ko. Ang hapdi at ang sakit, napakagat labi na lang ako.
Aalis na ako dito sa may kotse dahil baka sumabog pa, baka makalbo na naman ako. Mas madaling magpagaling sugat kaysa magpatubo ng buhok, aabutin na naman ito ng taon.
Lumabas ako ng kotse ni Lander este Laxon nga ng paika-ika. May nakatusok pang malaking parte ng windshield sa tyan ko. Mukha akong gaganap sa horror movie.
"Yow wazzup mga pipol!" Bati ko sa mga estudyante at kumaway pa with matching kindat.
Daming tao! Akala ko kanina mga bubuyog eh. Dami ring Fafa wah madaming choices!
( • O • )
Lahat sila ganiyan ang reaksyon sa 'kin. Masyado ba akong maganda? Siguro nastar struck sila. I know naman na maganda ako, duh. Masyado naman akong overwhelmed, grabe sila ha.
"*てことだ!*オフィスに*きなさい!/ Oh my God! Go to the office now!" Sigaw ulit ni Lasy Hulk.
Nagninihonggo siya? Hindi na ko gaano marunong magnihonggo dahil dito na ko sa Pilipinas nagtayo ng business. Medyo nakalimutan ko na rin dahil matagal-tagal na noong huli kong nagamit ang lenggwaheng 'yon.
Pero impyernes ang ganda naman pala ni lady hulk. Kamukha niya 'yong babaeng may antenna sa ulo. Iyong nasa guardians of the galaxy.
Nasaan na kaya si Laxon? Kakainis talaga siya iniwanan ako. May mga lalaking lumapit sa akin na siguro mga guard dito. Hinawakan nila ko sa magkabilang braso at hinila kung saan.
Grabe naman sila, hindi man lang ba sila naaawa sa 'kin? Hello, may malaking nakatarak pa siya tyan ko!
Sela's POV:
"Sela dito ba 'yan nagaaral?" Tanong sa akin ni Shin, ang kambal ko.
"Hindi ko rin alam Shin, baka bagong pasok or hindi kaya nagtransfer? Ngayon ko lang din siya nakita eh." Sagot ko sa kaniya.
"Siguro imortal din siya. Nakapasok siya sa barrier ng school eh. Maybe she came from the middle world?" Tanong ulit niya sa akin.
"Yeah maybe she's really an immortal. But wala gaanong imortal ang namamalagi sa middle world dahil sa kagulu-"
"Yow wazzup mga pipol!"
Naputol ang pakikipagkwentuhan ko kay Shin dahil sa biglang pagsigaw nung babae. Grabe, ayos lang ba siya?
Napawow kaming lahat dahil what the eff? How can she stand even though may malaking salamin na nakatarak sa tyan niya? Kahit immortal kami nanghihina rin kami, I can't stand anymore kung sa akin nangyari 'yan.
"She's really beautiful." Sabi ni Shin.
Mababakas sa kaniyang mukha ang pagkamangha. Fishy ang isang 'to ha, siguro type niya si Ate Girl.
"Yeah, pero mas maganda akong kambal mo 'no! Crush mo na 'no? Yieeee ikaw ha, binata ka na!" Asar ko sa kaniya. Sinamaan niya lang ako ng tingin.
But yeah, she's really beautiful. Flawless white skin, almond face, kissable red lips, long curly auburn hair, brown eyes and a very slim body. Para siyang isang anime character.
May boobs rin siya, nakakainggit naman. Kahit duguan na siya blooming pa rin, sana all talaga. Ano kayang gamit niyang sabon?
"You students! Go back the lodge!" Sigaw ni Ma'am Rin na bulol at hindi gaano marunong magenglish. Kaya siya ang Language teacher namin sa Nihonggo.
"Yes Ma'am!" Sigaw pabalik ng ibang students bago bumalik sa kani-kanilang mga lodge.
Lodge ang tawag namin sa mga Sleeping quarters o what we called 'dormitory'. Doon kami natutulog at nagpapahinga.
"Tara na Sela, kain tayo sa cafeteria." Yaya sa akin ni Shin.
Patay gutom talaga ang isang 'to kahit kailan. Pero nagbebenefit din naman ako minsan dahil nililibre niya ako.
"Ayoko sa cafeteria sawa na ako sa pagkain do'n. Sa may Tin Snack Bar na lang namimiss ko na 'yong ube dalgona nila!" Yaya ko rin kay Shin. Sa tagal ko ng nag-aaral dito nakakasawa naman talaga!
"Sige tara na nga libre mo ah!" Sabi niya.
Kupal talaga 'to si Shin. Akala ko naman ako ang ililibre.
"Sige basta bukas taya ka!" Sabi ko at umiba na kami ng daan sa ibang estudyante.
Mira's POV:
Nandito ako ngayon sa may clinic ng school dito sa Fumetsu Academy. Bakit kaya hindi sila nagtaka na hindi ako namatay? Ako ang nagtataka sa kanila eh. Hindi kaya alam nilang imortal ako? Hindi kaya hindi rin sila tao kaya hindi sila nagtaka? Haynako, marami na akong problema sa buhay dadagdag pa sila.
"Uhm Ate alam niyo po ba kung ano ako?" Tanong ko sa isa sa mga nurse dito na nagtatahi ng sugat ko.
"Hahha, are you a newbie here?" Tanong niya.
Ang ganda naman niyang nurse. Kamukha niya si Lovi Poe ng channel seven, 'yong sexy at magandang artista.
"Ah eh opo, dinala po ako ni Laxon dito kilala niyo po ba 'yon? Iniwanan ako pagkatapos akong dalhin dito. Kailangan ko na hong bumalik sa amin at inaasikaso ko pa 'yong kompanya ko." Mahabang sabi ko. Natigilan naman siya.
"Bakit ate?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Galing ka sa middle world? I mean sa mundo ng mga tao? Matagal na pinagbabawalan ang mga estudyanteng pumunta roon dahil sa problemang nangyari. Maliban na lang kung tapos ka na dito mag-aral sa academy o hindi kaya ay may mataas kang katungkulan." Paliwanag niya sa 'kin.
Ibig sabihin may mataas na katungkulan si Laxon? Siguro nga isa talaga siyang Saiyan. Pakialam ko ba ro'n, iniwanan nga ako kanina eh.
Pero naguguluhan na ako, ibig sabihin ba nito wala ako sa mundo namin? May higher at lower pa? Deal or no deal lang ang peg ha.
"Ano pong ibig niyong sabihin? Pwede niyo po bang ipaliwanag sa 'kin? Naguguluhan na po ako eh." Tanong ko.
I'm so confused. Anong nangyayari?
"Wala ako sa posisyon para magpaliwanag sa 'yo. Pumunta ka sa may Admin para makapagenroll ka. Iyon lang ang maipapayo ko sa 'yo kung gusto mong malaman ang lahat at mahasa pa ang kakayahan mo. Ako nga pala si Lovi, nurse ako dito." Paliwanag niya.
Itatake note ko 'yan. Wait teka ibig ba sabihin nito-
"You mean ikaw po si Lovi Poe!?" Gulat kong tanong. Makakakita na naman ako ng artista pak na pak!
"Hindi, ako si Lovi Noh. Sige na lumakad ka na. At siya nga pala, welcome to Fumetsu Academy." Sabi ni Nurse Lovi sa 'kin.
Sayang naman akala ko makakatagpo ulit ako ng artista, at least mabait siya.
"Salamat po ba-bye!" Paalam ko at nagwave back naman siya. Hindi katulad ng crush mo na sineen ka lang duh.
Eto na let's go! Here I come Fumetsu Academy!